XX. Black and Red
*N*
Hindi maipaliwanag ni N ang kanyang nararamdaman nang makita si Zyder. Gustong-gusto niyang yakapin ang binata. Gustong-gusto na niyang umuwi kasama ito.
Pakiramdam niya'y kapag nagtagal pa siya dito ay tuluyan na niyang hindi makikilala ang sarili niya.
Hindi niya alam kung sino ang lalakeng dumukot sa kanya pero may kung ano sa kanyang dibdib ang sumasakit sa tuwing naririnig niya ang boses nito. Napakapamilyar. Nagpapagaan ng loob. Pero sa pagkakataong 'to, sumisikip ang dibdib niya sa sakit na hindi niya alam kung para saan.
Ang tanging nakapagpakalma lang sa kanya ay ang mahinahong boses ni Zyder.
"What do you want from N?" Narinig niyang tanong ni Zyder.
"I'm taking him back." sagot naman ni Zayev.
Naramdaman ni N ang galit ni Zyder pero nagtataka siya dahil nararamdaman din niya ang galit na nanggagaling kay Zayev.
"Watch."
Naramdaman ni N ang pagkatanggal ng panyo na nakatakip sa kanyang mga mata. He looked up to see Zyder looking so worried for him. Ibinaling naman niya ang tingin kay Zayev. Zayev was looking at him with sadness in his eyes.
Hindi na alam ni N ang nararamdaman niya. Simula nang maging mate siya ni Zyder ay parang may nag-iba sa kanya.
"I will save you, N." Zyder smiled and it took every worry he has.
Pinanood ni N si Zyder na lumakad palapit kay Zayev. Punong-puno ng tensyon ang buong kwarto. Nangangamba siya sa kung ano'ng pwedeng mangyari.
"Hinahamon kita, Zayev."
Ngumisi si Zayev at inalis ang kanyang coat. "Let's not do it here." Ibinaling niya ang kanyang tingin kay N at hinaplos ang pisngi nito. "I don't want a single scratch to my little one."
N felt a different sensation from Zayev's small touch. It was demanding. Pushy. Needy. Unlike Zyder that is gentle and kind. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit niya kinukumpara ang dalawa?
Naramdamanan ni N ang pagkalas ng tali sa kanyang mga kamay at mga paa. Two men guided him to stand up.
Puno ng pag-aalala ang dibdib ni N. Mas lalo itong nadagdagan nang igaya siya ng mga ito palabas ng kwarto kasama sina Zyder at Zayev.
Nakarating sila sa labas ng mansyon. Bumungad sa kanila ang mga nakabulagtang tauhan ni Zayev.
Bahagyang nabawasan ang kaba na nararamdaman ni N nang makita ang mga kaibigan ni Zyder na wala man lang natamong galos sa kanilang katawan.
"Zyd!" Pagtawag ni Red. Humahangos siyang tumakbo palapit kay Zyder. Sumunod naman sina Light at Xerces.
"Bb N!" sigaw naman ni Xerces sabay damba ng yakap sa kanya.
Mabilis pa sa alas kwatrong nakalapit sina Zyder at Zayev kay N. Pareho nilang hinawakan si N sa magkabilang braso at inilayo kay Xerces.
"Eh?" Nagtataka si Xerces habang nagpapabalik-balik ng tingin kina Zyder at Zayev na kulang na lang ay magpatayan gamit ang kanilang tingin.
"Well, this is interesting." Light muttered.
"So what the fuck is happening here?" Iritadong tanong ni Red.
Tumingin sa kanya si Zyder. "Me and Zayev will gonna have a brawl."
"What's at stake?" tanong naman ni Light. "Don't tell me it's your position as an Alpha?"
BINABASA MO ANG
Wild Hunt (BOY X BOY)
Werewolf[boyxboy] Zyder Wolfert is an Alpha, the successor of the Wolfert Clan and he needs to find his mate. Noong una, wala naman talaga siyang interes sa paghahanap ng mate niya but his wolf is overtaking him. He can feel his mate. And then he met a weak...