XVIII. Mate

9.4K 372 172
                                    

XVIII. Mate

*N*

Inubos ni N lahat ng pagkain pagkaalis ni Zyder. Sa pagkain na lang niya ibinuhos ang pag-aalala sa binata. He will go through a battle that his enemy started. Hindi maiwasan ni N na mapaisip kung magiging ok lang ba si Zyder.

Tinapik niya ang magkabilang pisngi niya.
"He'll be fine." Sabi niya sa kanyang sarili.

Inihanda na niya ang kanyang sarili sa pag-alis. Lilibangin na lang muna niya ang kanyang sarili para hindi siya makapag-isip ng kung ano-ano. May tiwala siya kay Zyder. Siguradong malulutas nito kaagad ang problema.

Habang naglalakad sa bayan ay panay ang kain ni N ng mga street foods. Mabuti na lang kahit na napakalakas niyang kumain ay hindi siya tumataba. Bata pa lamang siya ay mabilis na talaga ang metabolism niya.

"Chibi."

Napalingon siya sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya.

Nakatayo si Pyxis sa likuran niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Hindi maiwasan ni N na pagmasdan ang binata. Kahit na may simangot sa mukha nito ay napakakisig pa rin nito. Simpleng gray shirt na kakulay ng buhok nito, itim na pantalon at itim na sapatos lang ang suot nito pero lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan nito.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya.

Pyxis shrugged his shoulders. "Just walking around to kill some time."

Ngumuso si N. "No girls?"

"Nah." Lumakad si Pyxis patungo sa kanya at inakbayan siya.

Nadala na rin siya sa paglakad nito.

Iniangat ni N ang tingin niya kay Pyxis. Magsasalita na sana siya pero may nakapukaw sa atensyon niya.

On Pyxis' neck is a red mark. It's like a bruise. A...

"Hickey?" N blurted out loud without thinking.

Namula ang mukha niya nang mapatingin sa kanila ang mga tao.

"What?!" gulat na sigaw ni Pyxis kasabay ng paghawak niya sa kanyang leeg.

Nagtaka si N. Inaasahan niyang ngingisi si Pyxis at ipagmamalaki na galing ito sa isa sa mga babae niya. Pulang-pula ang mukha nito hindi dahil sa kahihiyan, kundi sa galit.

"That freaking *sshole!" sigaw nito.

Hindi mapigilang matawa ni N. "Who did that?"

Walang imik na naglakad palayo si Pyxis. Kinuha ni N ang pagkakataon na asarin ang binata. Kung noon ay palaging siya ang naaasar, ngayon ay siya naman ang mang-aasar dito.

"Is it from one of your girls? If it is, why do you look so mad?"

Pyxis glared at him. "Shut up, dwarf." asik nito.

"Don't tell me it's from a guy?"

Natigil sa paglalakad si Pyxis. His face turned into a darker shade of red. N was afraid Pyxis' face was about to blow up.

Ginulo-gulo ni Pyxis ang kanyang buhok. "So what if it's a guy?! Ang hindi ko lang matanggap ay galing pa talaga 'to sa lalakeng kinaiinisan ko!"

May ideya na si N kung sino ang tinutukoy ni Pyxis pero gusto niyang sa bibig nito manggaling.

"Sino ba 'tong tinutukoy mo?" Nakatingin lang siya kay Pyxis na sobrang pula ang mukha na parang sasabog na.

"That red-haired *sshole!" sigaw nito.

Wild Hunt (BOY X BOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon