XIV. Teasing
*N*
Hindi inaakala ni N na mauuwi sa simpleng usapan lang ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Zyder. Halos malagutan siya nang hininga habang humihingi ng tawad dito. He never expected that he'll have the courage to do so. He just opened his mouth and the words drifted out. He still can't believe that after one month of feeling like shit, he's here in his room can't stop smiling.
"Damn!" sigaw niya at pabalikwas na bumangon sa kama. Hindi pa rin tumitigil ang pagtibok ng puso niya.
This is so gay! But I am gay, right? Seriously? But I like him. Then I'm really gay. No but...
Isinabunot niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Yet still confused about his own gender, he can't stop feeling so happy right now. Akala niya hindi siya patatawarin ni Zyder. Akala niya tuluyan na nga itong lalayo sa kanya. Natakot siya na baka hindi na siya gusto nito. Inisip niya kasing baka isang phase lang ito kay Zyder. They're both straight but they ended up liking each other. No matter how you look at it, it still look so fucked up but it doesn't matter to him now. The heavy feeling in his chest was lifted up and there's no reason for him to be too grumpy.
"N?"
Napatingin siya sa kanyang pinto. Nakatayo doon ang kanyang ina at nakangiti sa kanya.
"Bakit, 'Nay?"
"Mukhang masaya ka, a." Pumasok ito sa loob at umupo sa tabi niya sa kama. "Kung pwede lang sana na dito na din patulugin sina Zyder at Zaira gagawin ko para makita kong nakangiti ka parati."
Napairap siya sa kawalan. "Ang drama mo, 'Nay."
Marahan siyang binatukan nito. "Seryoso ako, loko ka. Minsan lang kita nakikitang ngumiti nitong mga nakaraang Linggo. Palagi kang nagkukulong sa kwarto mo. Ni hindi kita nakikitang tumawa man lang—"
"Tatawa ako mag-isa, 'Nay? O ngingiti mag-isa? Baka mamaya niyan ipadala niyo naman ako sa mental hospital."
Ngayon, binatukan na siya ni Neri nang sobrang lakas. "Patapusin mo nga muna ako!" iritadong sabi nito na siyang ikinatawa niya. "Pero masaya ako, anak, dahil masaya ka. Nakikita lang kitang nakangiti, okay na ako."
"Hugot pa, 'Nay."
Inirapan lang siya nito. Nagkwentuhan pa sila ng ilang minuto bago ito lumabas ng kwarto niya. Napailing na lang siya at napahiga sa kama niya. Lumalabas ang kakulitan niya kapag kausap niya ang kanyang ina. Tuwang-tuwa kasi siya kapag inaasar niya ito.
Ito ang gabing tutulog siya nang nakangiti at walang iniisip na problema.
***
"Uhh, ano'ng ginagawa mo sa tapat ng bahay ko nang ganito kaaga?" tanong niya kay Pyxis na nakasandal sa pader katabi ng gate ng bahay nila. May hawak itong sigarilyo at bago ito sumagot ay ibinuga muna nito ang usok sa kanyang bibig.
Ipinaling naman ni N ang kanyang ulo at tinakpan ang kanyang ilong upang 'di maamoy ang usok. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang amoy ng usok ng sigarilyo. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. At saka ang tatay niya ay hindi talaga nagsisigarilyo kaya hindi niya maintindihan kung bakit may mga lalakeng adik na adik dito kung pwede namang tigilan na lang.
Pyxis shrugged his shoulders. "You want me to throw my cigar?"
N looked back at him. "Oo."
BINABASA MO ANG
Wild Hunt (BOY X BOY)
Werewolf[boyxboy] Zyder Wolfert is an Alpha, the successor of the Wolfert Clan and he needs to find his mate. Noong una, wala naman talaga siyang interes sa paghahanap ng mate niya but his wolf is overtaking him. He can feel his mate. And then he met a weak...