If Love's A Crime - Chapter 3

18 0 2
                                    

THE CHAPTER 3 - #ILACDate

Jhy-Ar's POV:




Masayang bumangon ako sa kama at pinakiramdaman ang bagong umaga.

Kinuha ko ang phone ko na nasa side table at nagtext kay Jerome. 'Good morning! :)'

Pumunta ako sa terrace ng kwarto ko at nilanghap ang hangin, ipinikit ko ang mga mata ko dahil naaninagan ito ng sikat ng araw.

"Good morning! Goodvibes!" Huminga ako ng malalim. "I don't want to ruin this day!"

Matapos kong gawin ang morning rituals ko, humarap ako sa salamin.

A wide smile form in my lips showing my white teeth.

Bumaba ako ng kwarto at nagtungo sa kusina, naabutan ko si kuya na kumakain.

Umupo ako sa katapat niyang upuan at nagsimula na ding kumain.

Tanging ang pag-nguya ko lang ang naririnig ko dahil sa nakakabinging katahimikan.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang ni isang nagtakang magsalita saming dalawa.

Hindi ko nalang ito pinansin dahil ayoko din lang masira ang araw ko.

Pagbalik ko ng kwarto ko ay sakto namang nag-ring ang phone ko, agad ko itong sinagot.

"Hello?"

Narinig ko ang pag-ngisi nito. "How's your sleep?"

"Ofcourse... Good---" Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang magsalita.

"I know! Kinantahan kasi kita. Haha!" Napangiti din ako kahit hindi niya ito nakikita. "Get ready."

Nagtataka kong tinanong sakanya kung bakit, sinabi lang niya na susunduin niya ako within 30 minutes.

Sinunod ko ang utos niya. Nagmadali ako naligo pero at nag-ayos ng sarili.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin mula ulo hanggang paa and all I can is...

"Simple attire but looks perfect!"

Nakasalubong ko si kuya Jhester pero hindi kami nagkibuan, tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng bahay.

Bumungad sakin sa may labas ng bahay ang isang pulang kotse at lalakeng nakasandal dito.

Ningitian niya ako nang nagtama ang mga paningin namin.

"Jhy-Ar, may lakad kayo?"




Jerome's POV:




Nagising ako dahil sa sigawang nangingibabaw sa loob ng bahay at dinig hanggang sa kwarto ko.

Napapikit ako at kinontrol ang sarili dahil ayokong masira ang araw na ito.

Pinag-aralan kong mabuti bago ko ginawa ang plano ko ngayong araw.

Isa lang naman ang hangarin ko ngayon na kailangang mangyari... Ang mapasaya ko siya.

Hinanap ko ang phone ko sa kama ko, nadaganan ng unan ko.

Napangiti agad ako pagkakita ko palang ng pangalan niya sa screen. And the simple text...

Inasikaso ko muna ang mga kailangang asikasuhin at sinigurado kong handa na ito.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ito, isang ring palang sumagot na siya agad.

"Hello?" Napangiti ako dahil narinig kong muli ang boses niya.

If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon