If Love's A Crime - Chapter 6

0 0 0
                                    

THE CHAPTER 6 - #ILACMovingOut

Jhy Ar's POV


Nakatingin lang kaming dalawa ni Jerome kay kuya Jhester at hindi kami maka-imik.

Masakit ang tingin saming dalawa na para bang lalapain nalang kami bigla.

Napahawak ako sa kamay ni Jerome at hinigpitan naman nito ng pagkakahawak.

"Sigurado ba kayo sa mga pinagsasabi niyo??"  Sa halos ilang minuto niyang pananahimik, ngayon lang ito nagsalita at tono pa ng galit.

Tumango ako ng dahan-dahan. "Opo kuya... Kailangan po naming tumayo sa sarili naming paa para sa future namin."

Nailipat ang tingin niya kay Jerome. Masakit parin ang tingin nito. "Kaya mo ba siyang buhayin??"

"Opo, may ipon pa naman po ako at maghahanap po ako ng sideline para pangdagdag sa kakailanganin namin."

Napatingin ako kay Jerome, nakatingin lang siya sakin. "Paano yung pag-aaral mo?"

"10-5  ang klase ko kaya may oras pa ako para magtrabaho sa gabi."  Hinigpitan pa niya lalo ang hawak sa kamay ko. "Ako ang magtratrabaho at ikaw dun ka lang sa bahay, ipagluluto mo ako ng masarap para mapawi naman ang pagod ko."

Napangiti ako, hinawakan ko ang pisngi niya. "Jerome..."  Nag-iinit ang gilid ng mata ko, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay sakin ni Jerome.

"You're making PDA in front of me!"  Sabay kaming napatingin kay kuya na masakit ang tingin samin kaya napaiwas agad ako kay Jerome. "Jerome!"

"Po?"  Napansin kong nanginginig ang kamay nito kaya hinawakan ko, napatingin siya sakin at ngumiti.

Itinaas nito ang nakakuyom na kamao niya kay Jerome. "Itong kamaong ito ang sisira sa mukha mo kapag umuwi dito sa bahay na umiiyak ang kapatid ko. Naiintindihan mo??"

Sunod-sunod na tumango si Jerome. "Opo, huwag po kayong mag-alala. Hinding-hindi po siya iiyak sakin, mamahalin ko siya ng boung-bou."

Hindi na sumagot si kuya at umalis na. Sinundan ko lang siya ng tingin.

Malungkot ako dahil maiiwang mag-isa dito si kuya, ako na nga lang ang kasama niya sa buhay. Iiwanan ko pa siya.

Napatingin ako kay Jerome nang hawakan niya ang kamay ko. "Huwag ka ng malungkot, lagi natin siyang dadalawin dito."

"Thank you Jerome..."  Napayakap nalang ako sakanya at pinigilan ko ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

Yumakap din siya pabalik sakin. "I'm doing this dahil mahal na mahal kita Jhy Ar."

"I love you too Jerome... I love you..."


Jerome's POV


Inalalayan ko siyang makababa ng kotse.

Hinawakan ng mahigpit ang kamay niya habang ang isang kamay ko ay hawak-hawak ang mga gamit niya.

Natigilan ito sa paglalakad kaya napatingin ako sakanya.

"Why?"  Pinisil ko ang kanay niya. "What's the problem babe?"

Napatingin ako sakanya. "Sigurado ka na ba dito?"  Napakunot ang noo ko. "I mean, ikaw lang bang mag-isa dito?"

"Don't worry babe. Tayong dalawa lang dito sa bahay and I promise, walang problemang dadating satin."

Itinaas nito ang pinky finger niya.

Napangiti ako sa ginawa niya kaya nakipag pinky finger na rin ako.

"Promise."  Hinawakan ko ulit ang kamay niya. "Let's go? Mag-aayos pa tayo."

Inayos ang bahay, ang kwarto namin na naaayon sa kagustuhan niya.

Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan siyang nag-aayos.

"Magpahinga ka na muna, napapagod ka na eh baka mapano si baby."  Lumuhod ako at hinaplos-haplos ang tyan niya.

Napapa-ilag nalang ako habang pinagpapalo niya ako.

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit para matigil na siya.

"Sinasaktan mo naman ang taong mahal mo eh, literal pa."

Niyakap din niya ako. "Huwag ka kasi... nanloloko ka pa eh."

Inilagay ko sa leeg niya ang ulo ko at inamoy-amoy ito.

"Jerome..."  Pinipilit niya akong itulak pero mahigpit ang pagkakayakap ko sakanya. "Tumigil ka nga, nadadala ako."

Inilapit ko ang mukha ko sakanya at idinampi ang labi ko sa labi niya.

"Can we?"  Napatitig siya sakin at dahan-dahan niya akong hinalikan.

If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon