If Love's A Crime - Chapter 2

38 0 0
                                    

The Chapter 2 - #GVTurnsToBV

Jhy-Ar's POV:

Masaya akong pumasok sa bahay dahil sa first meet up namin ni Jerome.

Hindi ko na napansin na nasa salas pala sina Roel at kuya Jhester.

Hindi sila umiimik at nakatingin lang sakin. Ayoko mabahiran ng nega vibes ang.good vibes ko.

"Good evening boys and goodnight."

Aktong aakyat na sana nang magsalita ang kuya ko.

My half-brother from another father and may pagka-strict siya kaya hindi kami masyadong close.

"No! Come here!"

Lumapit ako sakanila, napatingin ako kay Roel na hindi man lang ako tinitignan.

"Kuya Jhes, una na ako." Pagpapa-alam niya sa kuya ko.

"Sige, ingat ka sa pag-uwi mo."

Sinundan ko nalang ng tingin  si Roel na palabas ng bahay.

Nawalan ako ng gana dahil sa hindi pagpansin sakin ni Roel nang hindi ko malaman kung bakit.

"Kuya, matutulog na ako. Pagod ako eh."

"I said no!" Itinigil niya ang pag-inum niya ng alak. "Roel told me..."

"About?"

"About you and your textmate! Nakipagkita ka sakanya ni hindi mo nga alam kong matinong tao o mamamatay tao siya.!!"

"Mabait siya kuya, naramdaman ko yun kaninang kasama ko siya."

Napahilamos siya sa mukha niya.

"Hindi natin alam kong anong tumatakbo sa utak ng mga tao ngayon Jhy!! Sige sabihin na nating, mabait nga siya pero pakitang-tao lang yun!"

"Yun lang ba ang sasabihin mo kuya? Kung wala na, aakyat na ako!"

"Yung ayaw ko lang Jhy, huwag kang maniwala agad sa mga taong kilala mo lang dahil sa text o sa kakakilala mo lang!"

"Alam ko ang mga ginagawa ko kuya!"

-

Nagpaikot-ikot sa kama ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Yung good vibes na iniingatan ko bigla nalang napalitan ng bad vibes.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog. 'Calling Jerome.'

"Hello? Are you still awake?"

"Oo, hindi ako makatulog tsaka hinihintay ko ang text mo eh."

"Sorry, nagcharge pa kasi ako. Ayoko namang gamitin habang nagchacharge baka masira agad, kabago-bago pa naman."

"Ok lang..."

Biglang tumahimik saming dalawa at tanging paghinga ko nalang ng malalalim ang naririnig.

"Mukha atang malungkot ka Jhy-Ar. May problema ba?"

"Wala naman, nag-away lang kami ng kuya ko. Hayaan mo na yun, walang kwentang bagay lang yun."

"Sigurado ka? Ganito nalang, kakantahan nalang kita para naman ngumiti ka ulit."

"Ayoko na yung kanta ni Dj, nagsasawa na ako eh. Pwedeng iba naman?"

"Sure, wait. Kukunin ko lang yung guitar ko."

-

Nahiga ako ng maayos sa kama at niyakap ng mahigpit ang unan ko.

Nag-umpisa na siyang mag-strum ng gitara niya sa tugtog nang kantang forevermore.

"Are you ready..." Tumigil siya saglit sa paggitara. "Na kiligin ka?"

Hindi na ako sumagot dahil nag-umpisa na ulit siyang kumanta.

"You were just a dream that I one knew..."

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa mga pagkanta niya sakin.

Dahil na din sa napakaganda nitong boses na siyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"You we're all I need to be with forevermore..."

If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon