If Love's A Crime - Chapter 7

0 0 0
                                    

THE CHAPTER 7 - #PagaminNiRoel




Jhester's POV


Nakakatitig ako sa picture namin ni Jhy Ar nang abutan ako ng bote ng alak ni Roel.

Inabot ko ito nang hindi siya tinitignan.

"Wala pang isang araw... miss ko na ang kapatid ko." Uminum ako ng kunti.

"Bakit ka kasi pumayag?" Napatingin ako sakanya. "Wala akong tiwala sa lalakeng yun!"

Huminga ako ng malalim. "Oras na din siguro para paligayahin ko na ang kapatid ko gaya ng ipinangako ko sa magulang namin."

"Sa tingin mo ba liligaya siya sa lalakeng yun?" Umiling ito. "Iiyak lang siya. Nakakasiguro ako."

Napahawak ako ng mahigpit sa boteng iniinum ko.

"Subukan lang niyang paiyakin ang kapatid ko, hindi ko patatahimikin ang buhay niya!"

Napatingin ako kay Roel nang bigla itong tumawa ng mahina.

"Miss ko na din siya..." Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.


Roel's POV


Nagbukas ako ng isa pang bote ng alak at dali-dali kong inubos. Tumawa ako ng mahina habang nakatingin sa boteng hawak-hawak ko.

"Miss ko na din siya..." Nakaramdam ako ng luhang dumaloy sa pisngi ko. "Miss na miss na kita Jhy Ar..."

"Roel.." Napabuntong hininga si kuya Jhe. "May kailangan ka bang ipagtapat sakin?"

Ininum ko ang natitirang laman ng bote. Hinihpitan ang pagkakahawak dito. "Handa ka bang makinig?"

Pasimple kong pinahid ang basang pisngi ko at tumingin sakanya.

"Go on. Makikinig ako."

Ngumisi ako. "Mahal ko ang kapatid mo kuya..."

"Akala ko noong una, pagmamahal lang bilang isang kaibigan o kapatid pero..." Napahinga ako ng malalim.

"Pero ano?"

Napahawak ako sa tuhod ko. "Mahal ko siya higit pa roon kuya Jhe."

Tumahimik ang paligid at tanging ang aking malalakas na paghinga na lamang ang tangi kong naririnig.


FLASHBACK


Nagmumuni-muni ako sa labas ng bahay namin habang humihithit ako ng sigarilyo ko nang may mapansin akong lumabas sa tapat ng bahay namin.

Pagkakita ko palang sakanya, iba na agad ang naramdaman ko.

Sobrang kakaiba dahil, ngayon ko lang naramdaman ito at sa kapwa ko pa lalake ko ito naramdaman.

Hanggang isang gabi, nakasabay ko itong maglakad pabalik ng subdivision namin.

"Hi!" Tumingin at ngumiti lang ito sakin. "Ikaw ba yung bago dito sa subd.?"

"Bakasyonista lang ako dito... Dinalaw ko lang yung kuya ko. Si kuya Jhester."

"Kuya mo pala siya." Tumango pero nakatuon ang paningin sa daaanan. "Roel nga pala."

Inilahad ko ang palad ko sakanya at inabot din naman niya.

"Jhy Ar, nice to meet you."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng kamay pero sa paraang hindi masasaktan.

"Friends?" Ngumiti ito sakin at tumango.


END OF FLASHBACK


Napatingin ako kay kuya Jhester nang magbukas ito ng isa pang bote.

"Ano bang meron sa kapatid at parang nababaliw kayo sakanya?" Tumawa ito ng mahina.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Ewan ko ba... siguro dahil sa katangian niya."

"Pero hanggang dito lang siguro tong nararamdaman ko sakanya..." Napawi ng lungkot ang ngiti sa mukha ko. "Wala akong pag-asa sakanya eh..."

Inabutan niya ako ng isang bote ng alak. "Kung ano man ang mangyari sakanya, huwag na huwag mo siyang pababayaan..."

Napatingin ako sakanya. "Ikaw lang ang naiisip kong magtatanggol sakanya."

If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon