If Love's A Crime - Chapter 10

1 0 0
                                    

THE CHAPTER 10


Napatingin ako sa orasan. "Nasaan ka na ba?" Palipat-lipat ang tingin ko sa pintuan at orasan.

Inaasahan na makita ko ang mukha ni Jerome pero dalawang oras na akong naghihintay.

Kinuha ko ang phone ko at itetext na sana siya pero hindi ko itinuloy nang biglang bumukas ang pintuan. "Jerome?"

Nagkatinginan kaming dalawa pero una itong bumawi ng paningin. "Bat gising ka pa?"

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Hindi ko sinagot ang tanong nito. Nilapitan ko siya pero umuiwas lang ito.

"Kailangan nating mag-usap Jhy Ar."

Sinundan ko ito ng tingin. Kinabahan ako sa sinabi pero isinawalang bahala ko ito.

Ayokong mag-isip nang ikakaproblema ko. "Tungkol saan Jerome?"

Inihinto nito ang pag-inum niya ng tubig at tumingin sakin.

"S-Sorry..." Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. "Sorry Jhy Ar..."

"Bakit ka nag-sosorry?" Kumawala ako sa pagkakayakap sakanya at tinitigan siya. "J-Jerome?"

Hinaplos nito ang pisngi ko. "Ilang araw na akong wala. Ilang araw na kitang hindi naalagaan... sorry Jhy Ar..."

Ngumiti ako. "Ano ka ba... ok lang. Ano ba kasing inaasikaso mo?"

Tila natigilan ito. Napabitaw sa pagkakahawak sa pisngi ko. "May importanteng tao lang na dumating na hindi ko pwedeng iwanan."

Tumango-tango ako. "Ganun ba. Must be a special relatives mahal ko."

"Yeah... S-special..." Hinalikan niya ang noo ko. "By the way..."

Tumigil ito sa pananalita at iniiwas ang paningin sakin. Napakunot ang noo ko sa mga galaw niya.

"What Jerome?"

"I won't be home for a week..." Hinawakan nito ang ulo ko at tinapik ng mahina. "Go home..."

Umiling ako. "Kaya ko namang mag-sa dito ehh. Hindi ko na kailangang umuwi Jerome."

"No. You must go home for your safety." Naglakad ito pero bago pa man ito makalabas ng kusina. "I'll pick you up if everythings alright."

Naiwan akong nakatulala sa kusina. Tila nawalan ako ng gana pagkarinig ko ng mga sinabi niya.

Pero hindi ako nag-isip ng mali dahil ayoko siya pagdudahan.

Napatingin ako sakanya ng ihinto nito ang sasakyan. "Jhy Ar..."

Lumapit ito sakinm. Hinigit ang kamay ko at hinalikan ako sa labi.

Napapikit nalang ako habang dinadama ang malambot nitonglabi.

"I love you..."

Hinaplos ang pisngi nito. "I love you too Jerome."


Roel's POV


Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Jhy Ar na hinahalikan ni Jerome sa loob ng sasakyan.

Bumigat ang damdamin ko sa nakita ko kaya minabuti ko nalang na ipagpatuloy ang paglalakad.

"Roel?" Hindi ko ito nilingon. Nilapitan niya ako at hinawakan ang braso ko. "Mag-iinuman na naman ba kayo ni kuya Jhester?"

"Hindi." Pinagpatuloy ko ang paglalakad kaya sumunod naman ito papasok ng bahay nila. "Dito sana ako matutulog para samahan siya pero parang dito ka naman ata matutulog."

Sinalubong kami ni kuya Jhe. "Nandito na pala kayo."

Nagtataka akong tumingin sakanya. "Alam mong uuwi si Jhy Ar ngayon kuya?"

Tumango ito. "Ikaw munang bahala sakanya. Kailangan ko lang umuwi ng probinsya para asikasuhin ang binebenta kong lupa doon."

Napatingin ako kay Jhy Ar nasa tabi ko. "Si Jerome?"

"May kailangan din siyang asikasuhin eh kaya pinauwi na muna niya ako dito." Ipinharap niya ako sakanya. "Magkakaroon na naman tayo ng oras sa isa't-isa."

Ningitian ko nalang ito bilang sagot at inihatid si kuya Jhe sa labas bahay.

Nilapitan ko si Jhy Ar na nasa tv ang atensyon. "Jhy Ar..."

"Bakit?" Humiga ito sa hita ko at tumingin sakin. "Ang gwapo mo pala Roel."

Tinignan ko ito at inilapit ang mukha sakanya. "Ngayon mo lang ba narealise?"

Ngumiti ito nang nakakaloko sakin. "Naniwala ka naman agad!"

"Tsk!" Tinignan ko ito ng masama at mabilis na hinalikan ang labi niya.

Natigilan kaming dalawa dahil sa ginawa ko. Nagkatitigan kami pero umiwas din lang ako.

"Sorry..." Inayos ko ang buhok ko. "Hindi na nga pala dapat kitang halikan..."

Tumayo ito, hinila ako patayo hanggang sa magkatapat na naman ang mukha namin.

"Roel..." Bumibilis ang pagkabog ng dibdib ko. "Bakit sa tuwing hahalikan mo ako... Iba ang nararamdaman ko."

"Anong ibig mong sabihin?" Hinawakan nito ang pisngi ko at dahan-dahang hinalikan ako.

Wala na akong ibang ginawa. Mas idiniin ko pa ang halik nito sakin.

Hanggang sa mapapikit nalang ako dahil sa tuwang aking nararamdaman.

Sana... Sana hindi na matapos ang gabing ito. Na sana pagkagising ko sa umaga.

Mahal na din ako ng isang Jhy Ar... Ng isang Jhy Ar na lubos kong minamahal...

If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon