If Love's A Crime - The Last Judgement

2 0 0
                                    

THE CHAPTER 11 - Last Love


Jhy Ar's POV


Natigilan ako sa paglalakad nang mapansin ko ang sasakyan ni Jerome sa kanyang bahay.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa sling bag ko.

Halos dalawang linggo ko na itong hindi nakikita. Halos dalawang linggo na akong naghihintay sakanya.

Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa bahay.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng tawa ng isang bata pero hindi ko ito pinansin.

Nag-init ang mukha ko at halos mapigtas ang bag ko dahil sa bumungad sa aking mga mata.

"J-Jerome..." Sabay silang napatingin sakin. Umalis ang babae sa hita ni Jerome at inilayo ang bata. "Anong ibig sabihin nito Jerome?"

Nilapitan ako ni Jerome at hinawakan ang kamay ko. "I will explain."

Tinabig ko ang kamay nito. "Explain?" Pinigilan ko ang sarili ko dahil nararamdaman kong papatak na ang aking luha. "Nakita na ng dalawang mata ko..."

"Please Jhy Ar, pakinggan mo muna ako."

Dumating ang babae at humarap na din samin. Nakatitig lang akong dalawa sakanila.

Gusto kong sumigaw ng napakalakas. Umiyak at magmura. Gusto kong pumatay... magpakamatay. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Isa... Ikaw na lalake ka! Akala ko totoo na ang lahat satin pero nagkakamali ako. Special person! Siya ang special person na sinasabi mo. Kagay ka din ng ibang lalake na manloloko.

Dalawa... Malandi kang babae ka! Porket ganito ako akala mo hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal gaya ng isang babae. HOY! Tao rin ako!

Tatlo... Just the three of us!? Gaguhan ba ito?! Kailan niyo pa ba ako niloloko?!

Apat... Sana naman sa apat na buwan natin, hinawalayan mo na ako kung hindi mo din lang tutuparin ang mga binitawang mong salita sakin!

Lima... Limang text ang natanggap ko galing sayo at doon tayo unang nagkakilala hanggang sa tuluyan tayong magkita.

Anim... Anim ang nunal mo sa dibdib mo. Nunal na kay sarap tignan habang natutulog ka.

Pito... Pitong oras akong naghintay sayo pero kasama mo pala yang special person mo!

Walo... Walong beses kong pinigil ang ihi ko maabangan lang kitang papasok sa pintuan ng gabing iyon.

Siyam... Siyam na text ang sinend ko sayo pero hindi ka man lang nag-atubiling magreply, yun pala kasama mo yang special person mo!

Sampu.... Sampung tiis nalang, hindi ko kayang pigilan ang sarili ko...

"Go! Bibigyan kita ng sampung segundo para magsalita..."

"She is Ashley Valdrez... ex ko. Simula nung magkakilala tayo, wala na kami pero hindi ko inaasahan na magbubunga pala ang pagmamahalan namin..."

Itinaas ko ang kamay ko para pigilan ito. "Time's up!"

"Mahal ko pa siya."

Sumigaw ako ng napakalakas. "TAMA NA!!!" Hindi ko na din napigilan, dumaloy na sa mga pisngi ko ang mainit na luha ko. "M-masakit na dito..." Itinuro ko ang dibdib ko.

"S-sorry... sorry Jhy Ar..." Pinipilit akong hawakan pero umiiwas ako.

"A-akala ko mahal ko... nagtiwala ako sayo..." Hinampas ko ang dibdib nito. "Sinungaling ka... SINUNGALING KA JEROME!!!"

Halos manghina na ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mahal kita pero kailangan ko silang piliin..."

Inipon ko lahat ng lakas ko para makawala ako sa pagkakayakap sakanya.

Hindi ko namalayan na nahawakan ako nung babae at itinulak. "Get out! NOW!"

Malakas ko tinabig ang kamay nito at itinulak din siya. Sasampalin ko na sana ito pero pinigilan ako ni Jerome.

"Umalis ka na assumerang bakla!! Narinig mo naman ang sinabi ni Jerome, kami ang pinili niya. Huwag ka ng umasa na merong kayo dahil hindi KAYO pwede sa isa't-isa!!"

Inihagis nito sakin ang isang maliit libro. "Walang nakasulat sa bibliya na pwedeng magmahal ang parehong kasarian dahil ginawa lamang ang lalake para mahalin ng isang TUNAY NA BABAE!!"

"KASALANAN YANG PAGMAMAHALAN NIYO!!!"

"Tama na Ash!!" Sinigawan ni Jerome ang babae pero hindi ko na ito pinansin at tuluyan na ngang umalis.

Patuloy lang ako sa paglalakad na kahit na malabo na ang paningin ko.

Wala na akong pakialam sa mga nakakabunggo ko basta ang gusto ko lang ay makauwi na at magpahinga.

Sobra na ang sakit na naramdaman ko ngayon.

"JHY AR!!!" Hindi ko pinansin ang dalawang lalakeng nagtatawag ng pangalan ko.


Jhester's POV


"JHY AR!!!"

Napalingon agad ako ng marinig ko ang pangalan ng kapatid ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong may mabilis na sasakyan sa daraanan ng kapatid ko.

Tatakbo na sana ako para iligtas siya nang biglang sina Jerome at Roel ang nabunggo ng sasakyan.

Hinawakan ko ang kamay ni Jhy Ar nang bigla itong gumalaw. "Ok ka na ba? May masakit ba sayo?"

Umiling ito. "S-si Jerome?... Si R-Roel?"

Nagpumilit itong tumayo pero pinigilan ko. "Magpahinga ka na muna bago natin sila puntahan."

"Ok lang ba sila kuya?" Natigilan ako sa tinanong niya sakin.

Hinaplos ko ang ulo nito  at pilit na ngumiti. "Ok na sila..."

(After 2 Weeks)

Palabas na kami ng hospital nang biglang magsalita si Jhy Ar.

"Bakit hindi man lang ako dinalaw ni Roel kuya?" Nagtatakang tanong nito sakin.

"Gusto mo bang puntahan natin siya?" Tumango ito.

Hinawakan ko ang kamay niya pero lalong humigpit ang pagkakahawak nito habang papalapit kami kay Roel.

"Kuya?" Napabitaw siya sakin. "A-anong ibig sabihin nito?"

"Wala na si Roel..." Hinawakan ko ang balikat nito. "Namatay siya sa aksidente."

Umiling ito at dahan-dahang naupo sa damuhan. Hinaplos nito ang lapida.

"R-Roel..." Iniabot ko sakanya ang sulat na nakuha ko sa bag ni Roel.

"May kailangan kang malaman sa sulat na yan." Inabot niya ito binasa hanggang sa tuluyan na naman itong umiyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Nagawa niya ng boung puso ang misyon niya dito sa mundo. Minahal ka niya ng lubos."

"Hindi ko man lang nasuklian ang pagmamahalan niya sakin... Roel, hinding-hindi kita makakalimutan..."

Inalalayan ko itong tumayo. "Tara na. Umuwi na tayo."

Pinigilan niya ako. "May gusto pa akong makita kuya."

Umiling ako sakanya. "Huwag mo ng sayangin ang oras mo sakanya." Inalalayan ko iting maglakad. "Alam ko na ang boung nangyari sainyo."

"Wala na siya... umalis na sila ng pamilya niya. Pero napaghigante naman kita sa huling pagkakataon."

Natigilan ito sa paglalakad. "Hindi man lang siya nagpaalam..."

"Para saan pa Jhy Ar... sinaktan ka niya kaya dapat lang na wala na siyang lakas na loob pang magpakita sayo...."

Napatingin ako sa kapatid ko. Hinaplos ko ang buhok niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon