The Opposite Effect

2.5K 49 36
                                    

WARNING: Ito po ay isang katha ng PURE KALOKOHAN. Bawal ang asar, makitid na utak, medyo seryoso, mabubuting tao. Ang pikon talo! Ang mga nakakabasa lang ng storyang ito ay PURE dyosa, PURE maganda, PURE gwapo, PURE macho, and PURE genius. If you are one of the said type of person, magparamdam ka na via text message- dejoke. Your votes and comments are highly appreciated. Hehehe.

P.S. Hindi ito isang cliche story. Hahaha, mark my words. It's not another cliche story.

Wala akong maibibigay na prologue or introduction. Straight to action tayo. Hahahaha! Fight! or prologue na bang masasabi to? Thank you! YOU'RE AWESOME IF YOU READ THIS. XD

 ALL RIGHTS RESERVED (c) 2013

~

T h e   O p p o s i t e   E f f e c t  :

 -*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Every girl is a princess. Every girl should be pampered with love and care. Every girl is a delicate rose that should be taken care of

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

2 years ago.. 

"Can anyone in the room define marriage in their own words?" 

Sinalampak ko ang ulo ko sa desk ko. Values education namin ngayon, at obvious naman kung ano ang pinag-uusapan namin dba? Bwisit, gusto ko nang umuwi eh, bakit ba sinisingit pa nila tong values education na toh. What a waste of time, as if makakatuong to in the near future.

"Before that, who wants to get married here?" 

Tumingala ako para tingnan yung mga kaklase ko at ang mga loko nakataas lahat ang kamay. Bigla naman akong siniko ng katabi ko na bestfriend ko,

"Hoy, ayaw mo ba ikasal? Magtaas ka nga ng kamay." bulong niya.

"Ayoko." simpleng sagot ko.

"Huh? Bakit naman? Dadating at dadating tayo sa puntong makakahanap tayo ng other half natin na magiging partner in life." sabi niya, habang nakataas parin ang kamay.

"Wala akong pakialam, at hindi ako interesado diyan." 

"Makakahanap ka rin ng katapat mo, dadating ang panahon na mahahanap ka ng lalakeng iibigin mo habang-buhay." 

Napangiwi ako sa sinabi niya. Yucks! Hindi ba siya kinikilabutan sa mga sinasabi niya? Even if the sun refuses to shine, hinding-hindi ako dadating sa puntong yun. Megash! Magkamatayan na! Mas pipiliin ko pang magpaka-emo sa mga kpop bias ko at mga fictional character na crush ko, basta huwag lang sa isang real-life jerk ako mapunta.

"Don't worry, tataguan ko ang lalakeng yun. Kung habulin man ako ng lalakeng sinasabi mo, tatakbuhan ko siya. Kung makita at madakip niya man ako, well sorry siya. Babalian ko siya ng buto, gigilitan ko pa siya ng leeg." confident na sagot ko.

"Love conquers all." mayabang na sagot niya.

"Eeeew! Love your face, as if maiinlove ulit ako. Nek nek mo, isaksak mo sa baga mo." 

"Gahaman ka talaga kahit-kailan. Magkakaboypren ka rin, makikita mo."

nakataas parin ang mga kamay niya at ng ibang kaklase namin, tinatanong ng teacher namin yung iba naming kaklase ng mga kung anu-ano. Hindi ba sila namamanhiran ng kamay? Kanina pa nakataas mga kamay nila ah.

The Opposite EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon