Para sayo 'to big sis! Thank you :*
~
T H E O P P O S I T E E F F E C T :
[ Chapter 1: THE BET ]
Present time..
Adi's point of view:
Life is fair at being unfair. Tsk, sobrang stereotypical ng society natin ngayon, porket babae ka dapat ganito ganyan ka. Bakit? Lahat ba ng babae pare-pareho? Haynaku.
(Hello Raice? Andiyan ka pa ba?)
Pagpasensyahan niyo na ang mommy ko, medyo epal kasi yan eh.
"Yes mommy, still here." nakasimangot na sagot ko.
(Sa oras na magkaproblema diyan, talagang babalik ako diyan sa Pilipinas and I will fly you to Italy in no time. Intiendes?)
Bakit ako lang? How about kuya Luke?
"Opo, don't worry. Kaya ko naman sarili ko eh."
(Anong kaya ang sarili ko, remember. Babae ka, you are naive, innocent and delicate. My dear, maganda ka and all, baka may lalakeng magmolest sayo. I can't handle that, not to my unica hija.) exasperated na sabi niya.
ito na naman siya sa litanya niya. So what kung babae ako? What's wrong with being a girl? Kung mga kuya ko naman, ang dali lang nilang payagan. Pero pagdating sakin, ang daming bawal. I'm so fed up, ang parating dahilan na binibigay nila ay dsa dahil nga babae ako!
"Arg! Ma, how many times do I have to tell you na hindi ako babae ha? Hindi rin ako lesbian, wala akong gender. Genderless ako, okay? I can handle myself, kung may loko-lokong lalapit sakin papatulan ko siya. Para san pa't pinag-aral ako ni daddy ng martial arts?" kinuha ko ang mga gamit ko at pinasok sa bag, "Bye ma! Say hi to dad for me and concerning kuya Luke? We're perfectly fine here. We will be living in our house so don't worry okay. Mag-ingat nalang kayo diyan ni daddy at nila kuya. Pakisabi kina Kuya Ethan at Myco ng hello!"
(Raice! Raice-)
"Bye mom." binaba ko na, "Hays, hirap ng life."
Ngayon ang entrance exam ko sa Wycliffe Academy. Kaya hinahanda ko na ang mga gamit ko, medyo kinakabahan ako. Sa barkada namin, ako lang ang kukuha ng course na MedTech. Kadalasan sa kanila, business management. Kaya pagkatapos ng entrance exam ko didiretso ako sa mall may gagawin kasi kami.
"Rianne! Dali na, hindi ka pa ba tapos diyan?" sigaw ni kuya Luke sa pinto.
Imbis na sa London magtrabaho si kuya Luke, napilitan siya na dito na muna sa Pilipinas magtrabaho para may magbantay sakin, kakagraduate niya lang kasi.
"I'm done, on my way out." binitbit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto.
"Good luck baby sis, kaya mo yan!" nakangiting sabi niya pero biglang nag-abot ang kilay niya nang makita niya ang suot ko, "What the hell are you wearing?"
Tiningnan ko naman ang suot ko. Skinny jeans, loose shirt at vans?
"Uhh, the last time I checked, ang tawag dito damit? Ako yata ang pinakamatalinong genderless bastard sa bu- Ouch!" hinimas ko yung ulo ko.
binatukan niya kasi ako, "Babae ka, genderless ka diyan. Try mo kayang maglugay ng buhok, puro ka nalang ponytails. Baba na, kanina pa nag-aantay si manong." nauna na siya maglakad sakin.
BINABASA MO ANG
The Opposite Effect
RomanceShe is not your ordinary damsel in distress. Nah wait, scratch that. She's not a damsel in distress in the first place. She's also not your ordinary type of girl. She's a feeling boy type of girl. Hindi niya kayang magpakakikay. She can carry out he...