T h e O p p o s i t e E f f e c t:
[ Chapter 7: Meet up ]
Inikot-ikot ko yung kamay ko bilang signal na umikot siya. Pinagmasdan ko lang siya habang nakatayo sa harap ko. Peste naman bakit ang panget ng lalakeng 'to? Wala na ngang mukha, ang panget pa ng katawan. Kita niyo yung katawan? Nakakastress, di ba siya nagwowork-out? Bakit wala siyang biceps, triceps o kahit isang bahid manlang ng abs?
Nakakasuka ang view. Tsk.
"Bihis ka." bored na sabi ko at binaling ang ulo ko sa kabilang side.
"Huh!? Adrianne Raice, pinagpapawisan na ako rito kakabihis eh.." nakapout na sabi niya.
"Tse, huwag ka ngang magpout diyan, di bagay. Tsaka hoy! Anong sabi ko?" tumayo ako at lumapit sa kanya, "Change." full of conviction na sabi ko.
Umiling lang siya at nagcross arms sa harap ko na parang bata. Seriously?
"Ikaw ah, bakit hindi ka nakikinig sakin?"
"Kasi hindi ka rin nakikinig sakin Adrianne Raice." nakapout na sabi niya.
"What? Bakit naman ako makikinig sayo duh?" sigaw ko.
Nanlaki naman ang mata niya at mas lumapit sakin, "Because I have rights!"
"Your argument is invalid." nakabelat na sabi ko sa kanya.
Right. December na at ano ang schedule namin ngayong December? Yung meet up with Christine. Dba sabi ni Christine, second week ng December? Ayun naudlot, nabusy kasi kaya ngayon kami magkikita at talagang 4 days nalang before Christmas. Kaya nandito kami ngayon sa bahay, pinapapili ko muna ng damit ang aking dakilang slave. And that's right, bilang kabayaran sa kahayupang ginawa niya sakin nung isang buwan ay naninilbihan siya sakin bilang muchacho. Hahahaha! Ang galing lang.
"Rianne! Ano na nam- WHAT THE HELL!?" gulat na sigaw ni kuya Luke nang makita niya si Jake.
"Surprise, surprise. Bagay ba sa kanya kuya?" with matching twinkling stars pa ang mga mata ko niyan.
"Binababoy mo na naman si Jake! What's this!?"
Lumapit siya samin at pinasadahan ng tingin ang aking slave mula ulo hanggang paa. Ang slave ko naman nakapout lang habang nakatingin sa kabilang side. I feel grand, parang ang saya lang sa pakiramdam na may nagugulantang sa itsura ng aking slave.
"Ang exagerrated mo naman kuya, para apron lang at headband eh." nakakunot noong sabi ko.
"Parang hinuhubaran na nga ako eh." nakapout parin na epal ni Jake.
"Apron at headband!? Eh halos gawin mo nang baklang prostitute 'tong kaibigan mo. Rianne! Ano na naman ba ang nahithit mong bawal na gamot sa araw na ito?" problemado naman ng kuya ko.
Pinagsuot ko lang naman ng headband with wig at saka apron si Jake ah. Hindi naman siya hubo't-hubad, grabe naman kung makareact 'tong kuya ko. Para diyan lang? Bagay nga sa kanya eh, sleeveless at boxers with matching apron, wig at make-up.
"Kung makareact ka naman kuya. Para yan lang eh. Bakit? Masama bang pagandahin ang slave ko? Is it wrong to make an animal feel and look like a human, huh? Now tell me- Owwww! Kuya naman eh." reklamo ko habang hinimas-himas ang ulo ko, nambabatok nalang.
"That's too much, kung anong pinagsasabi mo diyan. Inaabuso mo na yang kaibigan mo." pagsesermon niya sakin.
"You stand corrected, hindi kami magkaibigan."
BINABASA MO ANG
The Opposite Effect
RomanceShe is not your ordinary damsel in distress. Nah wait, scratch that. She's not a damsel in distress in the first place. She's also not your ordinary type of girl. She's a feeling boy type of girl. Hindi niya kayang magpakakikay. She can carry out he...