Effect 6

239 24 7
                                    

Thank you sa suppor Suzi palakain ♥

"If I die because of speed, don't cry because I was smiling." -Paul Walker in TFAF.

Favorite ko pa naman yung Fast and Furious, may he rest in peace.

~

T h e   O p p o s i t e   E f f e c t :

    [ Chapter 6: Diz iz it :P ]

Sa inis ko napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Walangya ka! Bigyan mo ko ng tissue, tubig at sanitizer! Kapag di mo ako mabigyan niyan in the count of ten, talagang tototohanin ko na ang mga death threats ko sayo!" sigaw ko sa kanya.

"I didn't mean to Adrianne Raice." sabay peace sign.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim--" mabilis kong bilang.

Nataranta naman siya at dali-daling tumakbo kung saan, at naiwan lang ako dito sa may bench na nakatayo. Hahaha, epic talaga yun uto-uto masyado. Arg, pero nakakadiri. Try niyo mabahingan with matching plema at shower ng laway. Bastos yung lalakeng yun! 

*KRING KRING* 

Bigla nagvibrate yung phone ko kaya kinapa ko yung cellphone ko at marahang nilagay sa tenga ko at sinagot.

(Hello Adi?) tawag nung nasa kabilang linya.

"Who's this?" nakangiwing sagot ko, malagkit na yung mukha ko.

(Si Christine oy! Gusto ko lang sana icheck kung may lalake ka nang napili para dun sa additional bet, December na next week girl. Tandaan, 6 months lang yung additional bet sige ka sayang ang money.) nangungumbinsing sabi niya.

Nanlaki naman yung mata ko. Ay oo nga, bakit ko nakalimutan yun!

"A-ahh, meron na. Tsk, kaasar tinatawagan mo lang ako ng dahil diyan, pero di mo manlang ako magawang kumustahin, bestfriend ba talaga kita?" 

(Ito naman, meron na ba? Busy kasi kami sa college life. Sige, meet tayo mga second week siguro ng December, isama mo yang lalake na yan ha?) excited na sabi niya.

Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Change topic agad eh, dedmahin ba yung isang statement ko.

"Oo na nga! Hoy babae, may nangyari ba at parang ang saya mo? Samantalang ako, saglit na naging emotera pero hindi mo manlang nireplyan!" nagtatampo na sabi ko.

(Eeeeeeeh!) impit na tili niya, automatic ko namang linayo sa tenga ko yung phone.

tinapat ko sa bibig ko ang speaker, "Sigawan ba ako! Bwisit! Ano na ha? May topak ka na naman diyan sa utak mo?"

(Chill lang nga Adi, kasi si Alden eh..) kinikilig na sabi  niya.

Napairap nalang ako, "Oh tapos?" 

(Di ka naman nakikinig eh..)

"Hay naku, ewan ko sayo. Alden ka ng Alden diyan, please lang! Stop it na okay? Walangya ka, busy ka pala sa kanya kaya di mo ako dinamayan nung emotera mode ako. Lagot ka sakin pagnagkita na tayo." pagbabanta ko sa kanya.

(HA? A-adi naman, bestfriends naman tayo dba? Love you love you love you, miss you! Mwaaaah, bye!) mabilis na sabi niya at inend na ang call.

The Opposite EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon