Effect 5

283 25 10
                                    

Thankyou po sa book cover ng marami, grabe! Para sa inyo po ito @sheisthegirl ♥

New book cover ulit! Yey! Ayan po nasa gilid --------->

T h e   O p p o s i t e   E f f e c t :

  [ Chapter 5: Kill me now ]

"Hmmm?" 

Kitang natutulog ang tao. Kanina pa ako niyuyugyog ni kuya Luke eh, pero inaantok pa talaga ako. Kaya, nagroll-over ako sa other side at tinabunan ng unan ang mukha ko. Bahala siya sa buhay niya. Hmpf!

"Ano ba Rianne! Wake up, it's late in the morning may pasok pa ako sa opisina." inis na sigaw niya habang patuloy parin sa pagyugyog sakin.

"Eh meron ka naman palang trabaho, leave me alone and go to work already dumbass." antok na sigaw ko.

Bahala siya! Dumbass na kung dumbass, walang respeto na kung walang respeto basta masama akong gisingin tuwing di tama yung oras ng tulog ko. Maga pa yung mata ko kakaiyak kagabi, sobrang sakit parin, nalulungkot parin ako. Kung bakit bakit..

Hoy wait! Hindi ako umiyak kagabi dahil kay, ah basta alam niyo na yun! Yucks, over my dead macho body no fvcking way na iiyak ako ng dahil sa lalakeng yun. Umiyak ako kasi di ako pinayagan ni kuya Luke na manuod ng "Catching Fire" ngayon, 5 araw ko siyang sinusuyo payagan lang ako kaso ayaw niya talaga, kaya di kami bati. Bwisit siya! 

"Is that what you're so mad about? Kasi di kita pinayagan na manuod ng sine ha!?" singhal niya.

Letse tong baklang to, talo pa si mommy kung dumada. What the hell!? Ang rami kasing bopols sa mundo, ano bang meron sa sine at hindi ako pwede? As far as I can remember..

NEVER PA AKONG NAKAPASOK SA SINEHAN!

Kaya, tengene niya. Malaki na kaya ako, I'm already 17 for goodness sake. Hindi naman ako ganun ka babaw para matakot sa dilim, di rin ako nerbyosa para magulat sa malakas na mga sound effects. Pero yan nalang parati ang dinadahilan nila! Bakit!? Ano ba ang nangyayari tuwing manunuod ang mga tao sa loob ng sinehan!?

Isang taon ako naghintay para sa "Catching Fire" tas ito, nauwi ako sa wala, hindi pinayagan. Pinag-ipunan ko pa, letchugas, kahit minsan manlang matry ko yung big screen ng isang sinehan. Grabe naman, pati yun pinagdadamot, ni hindi nga ako pwede umuwi ng lagpas 7 o'clock ng gabi, pero sila kuya 12 midnight ang curfew.

"Shut up! Butas ng pwet! Ngayon ko lang nalaman na nagsasalita na pala ang isang butas ng pwet na katulad mo, kaya pwede ba? Get out of my effin room, dumbass!" sigaw ko at nagtaklob ng fleece ko.

Bigla niya namang hinablot ang fleece ko kaya napabangon ako ng wala sa oras, "Ano ba!?"

"What a spoiled brat! Alin ba sa hindi pwede ang hindi mo naintindihan nang maexplain ko sayo ha!?" galit na sabi niya.

Sus! Akala niya nakakatakot siya, yucks! Mas nagmumukha siyang katawa-tawa. Pero kita niyo, kahit na anong mura ang itawag ko sa kanya hindi siya nagrereact? Kasi alam niya kasalanan niya, gago talaga. Parang nagiging daily routine narin namin 'to, simula nung di niya ako pinayagan.

"Spoiled brat daw, huwag mo akong itulad sa inyo nila kuya ha. Lahat ng gusto niyo pwede, kung saan niyo gusto magpunta pwede, kahit ano, pwede! It's so unfair, bakit kapag ako hindi pwede ha!? Oh sino satin ang spoiled brat ha?" labas ilong na sabi ko, nakakapagod ng paulit-ulit.

Kapag ang sinagot niya ay dahil sa babae ako, well sorry siya. Kahit kuya ko siya, I won't think twice and I'll definitely knock the sh*t out of him. Patutulugin ko siya kahit na ang taas ng sikat ng araw.

The Opposite EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon