Effect 3

383 32 20
                                        

Ate Fairy! Ingat always :*

 T h e   O p p o s i t e   E f f e c t :

       [ Chapter 3: In Denial ]

Naglalakad ako ngayon sa mall, mag-isa. Walang kaibigang kasama, kasi busy sila sa college life. Ako? November na nga at hanggang ngayon di parin ako nagsisimula sa Wycliffe, if you may ask? Add the fact na, last October lang ako nagtake ng entrance exam?

Well, ganito kasi yan. Sa Wycliffe kasi, dabi 'to ng registrar dun. They give their upcoming first year student's an 8-month vacation bago totally magsimula ang college life, kahit na sabihin ng iba na baka malate kami? Di yan, ang totoo kaya ganun kasi daw para makapaghanda ang students, lao na ang mga may course na MedTech, lulunurin daw kami sa dugo eh.

Exactly, 1 week and 6 days na simula nung araw na dumating ang lalakeng yun. Huwag niyo sabihin saking di niyo kilala, pektusan ko kayo. Ngayon lang ulit nanahimik ang buhay ko, buti nalang talaga tumakas ako.

"Bakit parang may sumusunod sakin?" lumingon naman ako sa likuran ko.

Wala naman. Nothing suspicious.

*KRING KRING*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at hinintay na may magsalita.

(Hello? Hello?) boses lalaki.

"Who's this?" kunot-noong tanong.

(Adrianne Raice, it's me. Si Jake 'to.) 

napapikit nalang ako sa inis, "Anong kailangan mo?" 

Sisirain niya ba ang kalayaan ko at bigla na naman siyang susulpot sa harap ko? Kasi kung ganun, bigti na. Ayaw ako tigilan ng mokong na 'to eh, lalo na pareho kami ng subdivision. Nakuu! Kung kayo siguro ang nasa lugar ko, zombiefied na kayo sa stress.

(Anong kailangan ko-) di ko siya pinatapos magsalita.

"Hep! Alam ko na kasunod niyan. Ito nalang, paano mo nakuha number ko?" pumasok ako sa National Bookstore, maghahanap ako ng magandang libro na pwede mabasa.

(Adrianne Raice, magkapitbahay tayo. Magkaibigan kami ng kuya mo, most especially we are destined and meant for each other. How could I possibly miss the chance na hindi malaman ang number mo? Come on.) narinig ko pa ang pagsmirk niya.

Yung totoo? Ano ba talaga kailangan sakin ng mokong na 'to? Bakit siya parating nakasunod, nakabuntot, sumusulpot kung saan ako nandun? Yung totoo? PAKIEXPLAIN nga.

"Arg!" napasabunot nalang ako ng buhok, "Kailan mo ba ako titigilan ha? Alam mo, maghanap ka ng ibang babaeng pwedeng pagtrippan. Kung naghahanap ka ng babaeng pwedeng landiin, pwes sorry ka. Maghanap ka ng iba!" 

narinig ko siyang bumuntong-hininga, (Ganyang klase ba ng lalake ang tingin mo sakin Adrianne Raice. Siguro, ah hindi lang siguro. Given the fact na oo, nakakainis at nakakabwisit ako sa paningin mo, pero takte! Ouch! I'm wounded, matino din naman ako.) I'll make a guess, habang sinasabi niya yan, kunware nakahawak siya sa puso niya na parang nasasaktan.

"Yucks! Oh stop it you, nakakatawa ka na. Ewan ko sayo! Manigas ka, wala kang makukuha na kahit katiting na kung ano ba yang gusto mo sakin." 

May nakita akong isang libro sa ilalim ng bookshelf kaya lumuhod ako at kinuha 'to. Fifty Shades of Grey? Tiningnan ko yung likuran babasahin ko sana yung synopsis nang magsalita ang unggoy kaya sinauli ko yung libro.

The Opposite EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon