Carlo's POV
Pasok na naman? Katamad. Pangalawang araw palang namin sa school tinatamad na naman ako.
"Ang oras ngayon ay 7:20 andito pa rin tayo sa 90.7 Love Radio." nako 7:20 na malelate na naman ako. Nakarating na ko sa school ng 7:40 kaya late na ko. Buti pinapasok ako ng guard kahit late na. Pinalabas na ko ni Sir Peloz kasi daw late na ko nasa handbook naman daw yung mga rules since pinalabas ako ni Sir Peloz nilibot ko ang Campus. Magkacampus tour ako wahaha.Grabe ang laki pala talaga nitong campus siguro mga 20 minutes na akong naglilibot pero kalahati pa lang ng campus ang nalilibot ko. Watdapack. Parang si Kean to ah, pero pano to nakapasok sa campus namin? Bat naman siya pupunta dito? hay ang daming tanong. Malapitan na nga.
"Hoy Kean!" Lumingon boom!! Sabi ko nga eh si Kean eh. Ay, tungaw! Mali pahiya ako dun ah.
"Wala nevermind" sabi ko
"okay" sabi nya syempre ako bumalik na sa room namin kasi may next teacher pa. Nakarating na ko sa classroom at wala pa ang next teacher namin at wala na rin si Sir Peloz.
"Hi Carlo!" sabi nung mga classmates kong girls. Kunyari wala akong narinig kasi nakaheadset ako at tinatamad akong kausapin sila. Pagdating ko sa upuan ko nakita ko na naman si Ms.sungit at inirapan na naman nya ko daig pa nya menopause ah.
Alexia's POV
Pumasok na naman tong Mongols na to. Dapat di na to pumasok eh. Alam nyo ba ibig sabihin ng mongols? Hindi ito lapis ah. Mongol short for MONGOLOID. Trip ko siya tawagin siyang Mongols. Pagdating ni Mongols sa upuan niya, tinignan ko siya at sabay roll eyes ganito facial expression niya oh, yung parang inosenteng bata.
"Sam Spell MAGANDA?" Etong Mongols na to SAM tawag sa'kin sabi ko Alexia eh. Grr.
"Hindi naman ako T*nga no!" Ang t*nga naman kasi nitong si Mongols. Maganda lang pinapaspell pa.
"Ano Sam di mo alam spelling?"
"Ang dali sobra M-A-G-A-N-D-A yan lang oh!"
"Tsk! Mali first letter pa lang mali agad! Kala ko ba matalino ka?"
"Tama naman ah!!! sige ano tamang spellling?" Nakakainis kasi eh. Ginawa nya kong T*nga.
"I-K-A-W" Tapos bigla na syang umalis ng tingin sa'kin at umupo na sa upuan niya. I-K-A-W? Ikaw?Ako? Ako? napaisip ako dun ah. Ay nako, Alexia ang slow mo grabe. Ano ba tong si Benedict the Mongols umagang umaga nagpapakilig este nangbibwiset! Tumingin siya sa'kin at nagrolled eyes ako! Tse!
"Musta naman yang pangiirap mo?" Kanina mabait sa'kin nag pipickup lines ngayon sumungit kaya Mongols tawag ko dito eh,
"Fc? Feeling close?" Nagsmile sya pero halata mong pilit lang parang weak smile.
Carlo's POV
Kung sa tingin nyo feeling close ako edi feeling close na. Gusto ko lang naman dumami friends ko eh. Alam nyo yung Just Friends may kanta kaya nun. Ganito oh. Just Friends! can we find (to the tune of Just Once) ay wag na nga lang. Dalawang subjects nalang napasukan ko isang aralin panlipunan at TLE so boring dalawa nalang to napasukan ko yung una english nag cut ako dun kaya may kaso ako and that cutting. Boring ng TLE tulog muna ko. Pag gising ko Computer subject na it means di ako nakapagreccess. Di man lang ako ginising!
"Hoy Sam!"
"Bakit?!"
"Bakit di mo ko ginising?!"
"Aba umaasenso ka ah. Ba't kita gigisingin ano ako alarm clock?!
"Ms.Lin and Mr.Yee Get out of the class! now!" Ano ba yan pangalawang beses ko na to magcut ah. grabe ah. Nagsigawan ata kami nitong si Sam.
"Anong ata?!Nagsigawan talaga tayo! Bubulong kana lang maririnig ko pa!"
"Galit ka?"
"Ay hindi-hindi ako galit masaya nga ako eh!! Maapektuhan lang naman grades ko maapektuhan lang naman!" Tapos may nakita akong pumatak na luha galing sa kanya.
"S-sorry na" Ayoko pa naman may nakikitang babaeng umiiyak. Naawa ako. tapos bigla syang tumakbo.Di ko nalang siya sinundan baka kailangan ng time. Tapos na yung computer subject at lumabas si Mam Labragoda
"Today for my computer class you two are absent"
"Tanga mo naman?! Nakita mong ako lang nandito tapos sasabihin mong dalawa? kailan naging isa ang dalawa ha? Teacher ka pa man din!" Nainis na ko tapos sinabayan pa ng pagka bad mood ayan nasagot ko. Tama lang sa kanya yun. Pumasok na ko sa classroom
"woohh!! Carlo galing mo.. Sinagot mo si Labragoda." tapos palakpakan.Bumalik si Ms.Labragoda sa room namin
"At bakit kayo nag-iingay?" sabi ni Ms.Labragoda
"Pakialam mo?! Time mo pa ba? Computer class pa ba? Di na no!Filipino time na!" with matching hand gestures pa yan Umalis sya napahiya eh.Pag naiinis kasi ako kung ano-ano nalang pinagsasabi ko wala na akong pakialam kung may masaktan man o wala. ang ingay ng palakpak nila pero huminto yun nung dumating si Sam. Ewan ko kung bakit biglang naging Awkward tong buong klase. Okay natapos na ang lahat ng subject uwian na. Dissmissal favorite ko to eh. Pagdating ko sa bahay nilapag ko tong mga gamit ko at nagcomputer agad walang tingin tingin ng notebook basta nilapag ko nalang dun. Props ko lang kaya tong mga libro to. Ako ay isang STUpiDYANTE.
Kean's POV
Hi, Hello, Ugghh. Wala akong masabi. Nandito lang naman ako sa tambayan namin. Walang tao dito oh! Wala silang lahat. Ako lang nandito. Lam na. Matik na! Tawa sa mga nakagets sa mga di nakagets bayaan natin sila. Joke lang. kanina nga pala uhmm.
Flashback
Papunta na sana ako sa canteen pero may napansin akong umiiyak pero parang familiar siya sa'ken. Si Sam ba yun? Bat umiiyak? malapitan nga.
"Sam?" Tapos pinunasan nya muna luha nya then tumingin sa'kin tapos ngumiti sya. Halata namang pilit. Yung ulo niya kasi nakasubsob sa gitna ng tuhod nya tapos nakaupo. Nakataas yung dalawa nyang tuhod.
"Sam bat ka umiiyak? May problema?" Umupo ako sa tabi nya tapos nagkwento na sya.
"May seatmate kasi akong sobrang kulit,pilyo,minsan masungit,minsan mabait,minsan may topak, at kung ano-ano pang ugali ang nasa kanya! Kanina kinulit na naman nya ko. Di pala kinulit, Sinungitan nya ko.Ayun nagsigawan kami sa, Pinalabas tuloy kami, Bawal nga akong magcutting kasi honor student ako at malaking kabawasan sa grades ko pag nagcut ako. Gets mo?"
"Hindi. Ang habi kasi ng sinabi mo eh. Para kang nagfifliptop."
"Ano ba yan!!!"
"Joke lang! Pinapatawa lang naman kita. Bakit kaba kinukulit nun? Siguro may gusto sayo yun no?"
"W-wala ah. Sadyang makulit lang yon." Pero nagblush siya kitang kita mo sa kanya na mula sya eh.
"Sino ba yung seatmate mo?"
"Si Bene- ay wait, anong oras na?"
"11:45"
"See you. 11:50 yung next class namin. Baka malate na naman ako, Thanks for the comfort napasaya mo ko kahit konti." Ano ba yun di pa niya tinuloy yung pangalan ng seatmate nya. Sino kaya yun?
End of Flashback
Sino kaya yun? Hmmm.. Bene lang nasabi nya eh. Si Beneeman? sa gimme gimme yun eh. Benery? Beneto? Ang pangit Beneto beneto ka ng beto. Pag di ka pa tumigil bebetuhin kita. hahaha. Uwi na nga nababaliw na naman ako. Wala rin naman akong kasama dito. Mamaya may makita pa akong multo dito. Naku..
(c)binatangchinito