Carlo's POV
4 weeks later, wala naman nangyari this past weeks pero di na ko na lelate minsan na lang naka adjust na kasi ako sa bago kong school tapos ang dami ko na rin kaibigan. Medyo naging close ko na si Alexia pero medyo lang. Ngayon nandito kami sa GYM kasi flag ceremony. Yung flag ceremony namin every monday ginagawa to for only highschool students. Nagsimula na ang flag ceremony, una syempre prayer nagpray kami next, lupang hinirang tapos panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas ang leader namin ngayon ay ang 4th year students section St. Philomena ang cute no? Sa 4th year highschool puro santo yung section nila sa'min puro gems. CUTE.
Explain ko sa inyo ginagawa namin sa flag ceremony ah. Ganito yun meron nakahandang isang sayaw pero yung pang exercise ang leader pagtapos na yung exercise praising song naman mga apat na kanta tapos onting meeting kung ano ang gagawin this month. Ganon. Kaya susundin namin dapat lahat ng steps nila. Iba nga pala ang pila ng boys sa pila ng girls 30 kami sa isang section.18 boys 12 girls. Pang 12 ako sa pila 5'8 kasi ako, yung ibang boys 6 footer na si Alexia sa pinaka matangkad kaya siya sa pinakadulo pang 12 sa pila ibig sabihin magkatabi na naman kami.5'4 kasi si siya.
Tapos na yung exercise song. Next praising song. Sa may praising song meron part na holding hands sa mga katabi. Walang magagawa pag nahuli kaming di ginagawa yung mga ginagawa ng leaders magagalit yung mga teacher kaya nagholding hands kami ni alexia pati sa isang katabi kong girl. Pag tingin sa dalawa kong katabi ang pula nilang dalawa. Isa kamatis isa apple.Grabe ah. Walang nagkakaimikan sa'min ni alexia kaya ako na unang nagsalita
"Ale-/Bene-" nagkasabay kami.
"Ikaw na mauna magasalita" sabay ulit kaming nagsalita.
Tumahimik nalang ulit kami. Sabi ko sa inyo medyo close na kami tignan mo kanina kakausapin na dapat nya ko. After the flag ceremony bumalik na kami sa classroom 1 hour kasi yung flag ceremony kaya next teacher na agad kami. Okay tle next class namin.Wala naman kaming ginawa sa Tle pinag-usapan lang namin tungkol sa Nutrition month this July. Andaming activities ah. Meron Jingle contest, Culminating activity at marami pang ibang activities. Hindi dumating yung next teacher namin sa Aralin Panlipunan kaya lahat ng officers sa classroom ay nagusap usap tungkol sa gagawin this month para sa nutrition month. Last month pala nagkaroon ng election of officers, President si Rej, Vice President si Yuki, Treasurer si Theresa madami pang iba eh. Ako naman Escort secret kung sino yung muse Di nyo muna sya makikilala sa ngayon. Napagusapan ng President at ng vice president ang gagawin sa jingle namin at lahat ay dapat kasali, yung jingle ay gagawa ka ng kanta tungkol sa theme niyo this month since July ay Nutrition month tungkol sa junkfoods at vegetables ang topic. Hindi jingle na iihi ah. Gumagawa nga sila ng kanta para sa jingle pero di pa namin pinapractice. Reccess na. Sama sama pala kaming magbabarkada/magkakaibigan magrecess sina Ronan, Louie,Jom,Alleya,Philline at si Alexia. Si Louie at Aye, magsyota tapos si JM at Philline parang M.U. Bawal pa kasi mag boyfriend si Phil strict kasi yung dad nya kaya M.U nalang daw. Itong 2 couples na to ang sweet. Kainggit. Si Ronan naman laging nakikinig sa Ipad niya ng music minsan naglalaro naman para siyang may sariling mundo.
"Uy Carlo, Sama ng tingin mo sa'min. Inggit?" Sabi ni Alleya
"Di ah!" Sabi ko
"Ikaw kase ayaw pa mag girlfriend.Gwapo ka naman,cute,Matangkad,Mabait pero minsan masungit parang ikaw ang ideal man ng mga girls." sabi ni alleya
"Ehem!!!" Sabi ni Louie
"Babe napakaseloso mo naman kahit siya ang pinaka-gwapo,pinaka-cute,pinaka-hot sa buong Universe nasayo naman ako at ikaw lang ang babe ko." Sabi ni Aye
"Kyahhh!!" Sabi ni Phil
"Cheesy niyo!" Sabi naman namin ni Alexia
"Kailangan sabay? Yiee.. Bagay kayo." Sabi ni Phil. Tapos sumimangot yung mukha ni Alexia pikon to eh.
"Joke lang."Sabi ni Phil
"Balik sa topic diba nga ikaw ang ideal man namin mga girls pero wala ka pa rin girlfriend kahit nga 1st Girlfriend wala. Torpe ka ba o Bading?" Paniningit ni Aye
"Di ako Bading o torpe man gusto ko lang pag nagkagirlfriend ako.Siya na yung ihaharap ko sa magulang ko at ihaharap ko sa altar parang 1st and last kaya Jackpot ka pag ako naiinlove sayo." Sabi ko with matching pose na pogi sign
"Tomo! Onti nalang ang lalaking ganyan!" dagdag pa ni Phil
"Hanep!" sabi ni Aye
*Never should've let you go,Never found my self at home
"Kaninong cellphone yung nagriring?" sabi ni Phil. Tinignan ko yung phone ko di naman nagriring kasi yan din ang ringtone ko sa cellphone ko.
"Ay! Sorry akin yun" Sabi ni Alexia. Kanina pa tahimik yan eh. Parang may iniisip. Parehas pala kami ng ringtone?
"Wait lang guys! may pupuntahan lang ako." pumunta ako sa canteen para bumili ng snacks nandito kasi kami sa tambayan namin sa may bahay kubo dito sa school na malapit sa garden kami gumawa ng bahay kubo kaya amin ito. Nilagyan namin ng pintuan at susi para walang makapasok nagpaalam naman kami sa princepal at malaki naman tong school niya.
Alexia's POV
"Kaninong cellphone yung nagriring" sabi ni Phil
"Ay! sorry akin yun" sabi ko
"Wait lang guys!may pupuntahan lang ako." Sabi ni Benedict then kinuha ko yung phone ko sa bag. Tinignan ko muna kung sino yung tumatawag pag tingin ko si......
(c)binatangchinito