"Lilipat na naman ako ng school?! Lagi naman eh! Grr." Lumabas ako ng bahay, Pampawala ng badvibes. Tss. Ba't ba kasi every 2 years lumilipat ako ng school? Di bale sanay na naman ako, kaso madami na kong kaibigan sa dati kong school eh.. Wala tuloy akong permanent na kaibigan. Buti nalang meron akong pampalipas oras at pampawala na rin ng badvibes, dito sa tambayan namin. Ay, Sorry I forgot to introduce myself!
I'm Benedict Carlo Yee, 15 years old ,3rd year high school,Half Korean, half Chinese,My mother died when I was 4 years old.
"Oh? Ano na naman nangyari sayo?Badtrip ka na naman.May reresbakan ba tayo ngayon?" sabay na nagsalita ang dalawa kong barkada na sina Kean Corpuz at Dominic Polo.
Si Kean Corpuz ay gwapo at habulin ng mga babae, Si Dominic Polo naman ay minsan lang namin makasama kasi mahilig siyang mag-aral, matalino yan!. Actually marami kaming magbabarkada mga 10 pero ngayong oras nato sila lang ang naabutan kong nandito. Mga 4 years ko na rin silang barkada.
"Kasi si dad ililipat na naman ako ng school.." inis kong sabi.
"Di ka naba nasanay? San ka bang school ililipat?" Sabay ulit silang nagsalita.
"Bat ba kayo sabay laging magsalita?! Ano to sabayang bigkas?! Sa Ganesha Orion Academy."
"Huwaaatttt?! Magandang school yun pre! Madaming chix dun at mayayaman pa, mga Bigtime yung mga nandun. hoho" sabi ni Kean. Grabe, gulat na gulat siya sa sinabi ko na doon ako mag-aaral, si Dominic naman nanahimik muna at nagsindi ng isang yosi kahit matalino yan di pa rin niya mapigilan yang pagyoyosi niya lahat naman kaming magbabarkada nagyoyosi eh.
"G*go!! Puro Chix na naman yang nasa utak mo! Palibasa Chick-Boy ka. Wala kang sineseryosong babae,Tingin mo sa kanila laruan"
"Ahahaha! By the way, Pre kailan ba pasukan niyo?" tanong ni Kean.
"Bukas" mabilis kong sagot.
"Ah, Good luck nalang sa first day mo! Basta pakilala mo ako sa mga chix dun ah."
(c)binatangchinito