Alexia's POV
Pagtingin ko si Kean? bat kaya to tumatawag? sinagot ko.
"Sam nasaan ka?" Sabi ni kean.
Alam niyo ba kung bakit SAM ang tawag nya sakin? Kasi SAMantha Alexia Lin ako, si Benedict the mongols lang naman ang tumatawag sa'kin na Alexia. Parehas lang kami kasi tawag ko naman sa kanya Benedict ako lang din may tawag sa kanya nyan lahat sila tawag kay Benedict ay Carlo..
"Sa may tambayan namin sa may bahay kubo, alam mo naman kung nasaan yung bahay kubo no?" sabi ko
"OO" sabi niya
"Bakit"
Pinatay niya, tatanong ko pa naman sana ba't siya tumawag. Pupunta naman yata dito yun.These past few weeks mas lalo pa kami naging close ni Kean kasi araw araw hatid-sundo. Oh ha? Meron naman kaming car pero sinusundo pa rin nya ko. Haba ng hair ko nasakin na ang corona. Joke lang. Bestfriend ko lang talaga siya walang malisya,Ngayon hindi na ko ilang sa mga lalaki dahil kay Kean at Benedict yung mga pinakita nila kasi na hindi lahat ng lalaki ay masasama.
"Te. Sino yun? Boses lalaki, boyfriend mo? Ikaw ah! Pakilala mo naman sa'min" Sabi ni Phil
"Boyfriend agad? Bestfriend ko lang yun." sabi ko
"Wushuu! Bestfriend? Bestfriend mo mukha mo!" Sabi ni Phil
"Nagtatanong tanong tapos di maniniwala" sabi ko
"Te! May gwapong papunta ata dito" sabi ni Aye
"Oo nga te! Gwapo! Malayo pa lang." sabi naman ni Phil. Biglang tumayo si Louie at JM
"Uy! Sorry parang binibiro lang kayo eh" sabi ni Phil
"Oo nga!" sabi naman ni Aye
"Kiss muna?" sabi ni Louie at Jom tapos tinuturo nila yung cheeks nila tapos kiniss ni Aye at si Louie, si Phil naman at si JM
"Kyahh!!" Sabi ko tapos umupo na silang lahat
"Alam nyo wag kayong magselos kahit madaming gwapo diyan di namin kayo ipagpapalit kaya sa susunod iwas iwas din ang pagseselos ah. Diba Phil?" sabi ni Aye
"OO nga teh!" sabi ni Phil
"Cheesy niyo pota!" sabi ni Ronan
"Kahit nakaheadset ka naririnig mo kami?" sabi ni Phil
"OO naman ang ingay nyo kasi" sabi ni Ronan.
Si Ronan kasi siya ang pinakatahimik at suplado sa aming magkakaibigan. May pangalan nga pala kaming magkakaibigan. *The Royals* Mga fans namin ang nag-isip niyan kasi lahat kaming magkakaibigan ay sikat dito sa campus parang Royalty. Biglang may tumakip ng mata ko gamit ang kamay sino kaya to at isa lang ang gumagawa sa'kin nyan.
"Benedict?" Sabi ko
"Mali" sabi nya, parang kilala ko yung boses eh.
"Ah. Kean." sabi ko. then tinanggal nya yung pagkakapiring sa mata ko.
Yung mga mukha nila O_O tapos ako --_--
"Bakit?" sabi ko
"Sasauli ko lang sayo tong singsing mo, nakalimutan mong kunin sa'kin nung last Friday" sabi ni Kean tapos inabot niya sakin yung singsing.
"Ay! Oo nga pala, akala ko na nanakaw na eh salamat ah!" sabi ko
"Welcome!"
"Kean, this is Aye, Phil, JM, Darwin, Ronan.." Turo ko sa kanya
"Nice to meet you guys! Wait, kayo ba yung The Royals?! Lagi kayong pinag-uusapan ng mga students dito sa mga social networking sites kasama ka pala dun Sam? Di ko alam... Wait 1,2,3.1,2,3. Ba't kulang ng isa akala ko ba yung "Royals" may 4 prince? Asan yung isa?"
"May pinuntahan lang." sabi ko
"Phil, Aye, JM, Darwin, Ronan, this is Kean." sabi ko sa mga kaibigan ko
"Kean? Familiar yung name niya..Hmm." sabi ni Aye
"Teh, Siya yung sikat sa 3rd year St. Diamond! sigaw ni Phil
"Ang ingay naman ng bunganga mo! Oo nga siya yun! sigaw rin ni Aye
"You can join our group" kinikilig na saad ng dalawa
"Tatry ko po, magkaiba po kasi tayo ng schedule ng klase eh" sabi ni Kean
"Wag ka na mag-Po samin" sabi ni Phil
"Sige sige, bye na baka nandun na yung next teacher namin!" pagpapaalam ni Kean
KEAN'S POV
Tumakbo na ko kasi baka dumating na yung next teacher namin. Nakasalubong ko nga si Carlo pero di ako tumingin sa kanya kaya di niya ako ata ako napansin, di parin niya alam na sa same school kami nag-aaral. Ang dam nga niyang dalang snacks eh. Para san kaya?
Pagpasok ko sa room wala pa yung teacher, buti naman.
CARLO'S POV
Papunta na ko sa bahay kubo nagmamadali ako kasi baka wala na sila dun. Pero parang nakasalubong ko na naman si Kean? Nandito ba talaga siya? O may ka-katawan lang si Kean dito? Di ko pinansin baka mapahiya na naman ako at nagmamadali na ako"
"Carlo! San ka ba nanggaling? Ang tagal mo!" sabi ni Phil
"Sa Canteen bumili lang ng snacks para sa inyo" nakangiti kong sabi
"How sweet! Thank you! sabi ni Phil, "Sabi ko SA INYO di lang SAYO! HAHAHAHA"
Nagtawanan na kaming lahat. Sinimulan na namin kainin yung mga binili ko, habang kumakain kami, nao-OP ako. Hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila.
Saglit lang ako nawala tapos ang dami agad nangyari.. Wait sisingit ako.
"Sino ba yang pinag-uusapan niyo?" singit ko
"Si Kean" sabi ni Alexia
"Kean?!"
Sinong Kean kaya? Yung katropa ko? Malabo sa ibang school nag-aaral yun.
"Oh ba't parang gulat na gulat ka?" tanong ni Alleyaye
"Wala wala, ano apelyido?" tanong ko
"Hmm.. Cor....."
Author's Note :
Pabitin lang ng kaunti, Hahaha.
(c)binatangchinito