The Who?

119 3 2
                                    

*Insert tunog ng alarm clock* Isang bagong araw ulit para saakin. Hays kailangan ko ulit ihanda ang sarili ko para sa katakot takot na gawin mamaya sa school. Kung bakit banaman kasi ang hirap magaral sa kolehiyo idagdag pa ang mga prof. na walang pakundangan sa pagbibigay ng mahihirap ng assignments and projects.

"Rindzel !!! Gumising ka na ngang bata ka !!! Anong oras na anjan ka pa din sa higaan mo, hala at baka mahuli ka pa sa klase mo." Ay patay kang bata ka Huhuhuhu ayoko nang malate kaya dumaretso na ako sa CR para gawin ang morning rituals ko.

"Lola, alis na po ako ah. Ingat po kayo dito text nyo ko kung may problema at iuuwi po agad ako."

"Apo, kumain ka muna wala pang laman ang sikmura mo oh kahit kape manlang."

"Ay lola dun nalang po ako sa school kakain anong oras na po kasi baka mahuli ulit ako sa klase. Bye lola."

Tumakbo na ako palabas ng bahay. Kung bakit banaman kasi nawili ulit akong magbasa sa wattpad kaya eto #Bangag na naman. Waaaah T.T Tokwa naman oh bakit walang jeep na nadaan.

Ay ano ba yan kanina pa ako nagkukwento pero hindi nyo pa nga pala ako kilala Hahaha ako nga pala si Rindzel Marie Arlanza, 17 years na sa mundong ibabaw at ulila na sa mga magulang kaya si lola nalang ang nagaalaga sakin :( Yung mama ko namatay sya dahil sa aksidente and ang papa ko naman hindi ko alam kung nasaan na, bata palang ako ng iwanan nya na kami.

*Jhen calling....*

"Hoy bruha nasan ka na ba? Nagkakaugat na ako dito sa labas ng gate. Ang tagal mo naman, wag mong sabihin na nagpuyat ka ulit kagabi kaya late ka ulit nagising? Ano? Sumagot ka !!!" Psssh -.-

"Paano ako sasagot kubg daredaretso kang magsalita? Buset ka talaga. Maghintay ka nalang jan malapit na ako."

"Malapit? Saan? Sa bahay nyo?"

"Basta wait lang. Otw na ako."

"Ok bye. Ingat bruha."

Oh dba? Ganyan talaga kaming magusap since the earth began. Hahahaha natatanaw ko na ang school namin. Yahoo !!! May 15 minutes pa ako para umabot sa klase.

"Jhen !!! Nandito na ako."

"Obvious nga sis, unayos ka nga para kang tagabundok sigaw ka ng sigaw jan -.- Oh tara na sa garden may ipapakita ako sayo."

"Huh? May klase tayo dba? Tara na may 12 mimutes pa tayo."

"Wala si ma'am ngayon. Nagtext kay MJ, may meeting daw na pinuntahan."

"Yes !!!! Buti nalang pala Hahaha oh tara na sa garden."

"Nga pala, tingnan mo 'to oh. Nakita ko sya sa youtube kagabi, actually aksidente kong nai-click yung song cover nya pero grabe nahook talaga ako sa ganda ng boses nya."

"Mamaya nalang pag nasa garden na tayo."


GARDEN...

"Rindzel eto na oh pakingan mo dali ang ganda ng boses dba?"

Uulit ulitin ko sayo ang nadarama ng aking puso...

Ang damdamin ko'y para lang sayo kahit kailanman di magbabago...

"Sh*t ang ganda ng boses napaka-angelic. Sino yan? Bilis ise-search ko mamaya."

"Sabi na eh Hahaha uhm based dun sa youtube channel nya Kaye Cal yung name. And eto pa ang isa about sakanya, siguradong hindi ka maniniwala agad. She's a girl, nah lesbian rather pero ang gwapo and ang voice parang lalaki talaga Hahaha."

"What the? Sya babae? Hindi halata ah. Sige magsearch ako mamaya ng info about her."

It's been a long day 😪 grabe nakakapagod mag-aral pero kailangan. Uwian na and kailangan ko nang magsearch about dun sa Kaye Cal na yun Hahaha na-curious tuloy ako tungkol sakanya.

Hope you enjoy the first part 😊 Comment po 👇👇😁

Dreams Really do Come True (Kaye Jade Cal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon