Accident

49 3 0
                                    

Pero nagulat ako ng makapasok ako sa bahay ko.




















Nakita ko si lola na nakahiga sa sahig at walang malay, kinakabahan ako. Nabubuhay ulit sakin yung pakiramdam na naramdaman ko nung nawala saken si mama.






Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala pa sa akin si lola sya nalang ang pamilya ko.

















"Tulong !!!! Tulong !!!! Tulungan nyo ako !!!!"

"Ma'am? Ano pong nangyari?" Buti nalang may dumating na guard.

"Manong, dalhin natin sya sa ospital. Bilis po."

"Sige po ma'am tatawag lang po ako ng masasakyan."




"Pabilis lang manong."

















OSPITAL...

Nasa labas ako ngayon ng ER, kanina pa ako hindi mapakali. Biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang doctor.

"Doc. Ano pong nangyari sa lola ko? Ok lang po sya dba?"

"Hija, tatapatin na kita masyadong malala ang kondisyon ng lola mo. Mabuti nalang at naagapan ang nangyari at naisugod sya dito sa ospital."




"Po? Ano po bang nangyayari sa lola ko?"




"Hindi nagfa-function ng maayos ang puso nya, sapalagay ko ay hindi na tumatalab ang gamot na inireseta ko sakanya. Kung kaya't kinakailangan nating magsagawa ng heart transplant sa lalong madaling panahon."






"Heart transplant?" Iyak na ako ng iyak, ganun na ba akong kaabala para hindi mapansin ang kalagayan ni lola?


"Hija, mauna na ako. Pagisipan mong maigi ang sinabi ko sayo."





Umalis na ang doctor at naiwan akong litong lito ang pagiisip. Anong gagawin ko? Wala naman akong ibang pagkukuhanan ng pera kundi ang pension na natatanggap ko sa naging trabaho noon ni mama. Ayoko namang ibenta ang bahay namin, dahil nandun lahat ng alaala namin simula ng pagkabata ko.





"Lola, gumising ka na po. Namimiss ka na ng maganda mong apo oh Hahahaha"


"Good morning, ma'am :)" Pumasok ang nurse na nakabantay kay lola, actually sa loob ng dalawang araw na natigil ako dito naging close na kaming dalawa.

Dalawang araw na ang nakalilipas pero hindi pa din nagigising si lola at hanggang ngayon ay hindi pa din ako pumapasok. Nakailang tawag na saakin si Jhen pero hindi ko na sinagot. Ayokong magalala pa sya samin, siguro mamaya nalang kapag pumasok ako, sasabihin ko sakanya ang problema ko.






"Anne. Ikaw na munang bahala kay lola ah. Kailangan ko na kasing pumasok."

"Sige po. Magiingat ka po ah."

"Oo. Salamat."













SCHOOL....

Nandito ako sa school ground papalipas lang oras bago ako pumunta sa room. Hayyyy. Problema kailan mo ba ako lalayuan? 😭

Flashback:

"Rindzel, buti nandito ka na. Kahapon ka pa hinahanap ni Ma'am V. kaso hindi ka namin macontact."

"Ah sige pupuntahan ko nalang sya. Salamat."

Umalis na si Jenny, bakit ako hinahanap ni Ma'am V.? Aish !! Siguro nagkaroon kami ng long quiz tas bawal ang special exam? Huhuhu sana wala, accounting pa mandin yun. (Hahaha ayaw ko talaga sa Accounting, promise. 😂✌)

OFFICE....

"Good morning, ma'am."

"Ms. Arlanza, mabuti naman at nandito ka na. Kahapon pa kita pinapahanap pero ang sabi nila hindi ka daw nila macontact."

"I'm sorry ma'am, isinugod ko po kasi sa ospital ang lola ko kaya hindi po ako nakapasok ng dalawang araw."

"Ok lang naman saken yun, pero ang tanong, ok lang ba sayo na bumagsak ka?"

"Ma'am? Pardon po?"

"Kilala mo ako Ms. Arlanza I don't give any special examinations. Kaya ikaw sapalagay mo ba makakapasa ka sa subject ko?"

"Ma'am baka naman po pwedeng magtake ako ng special exam. Please ma'am."

"No. So now, hindi mo na kailangang umabsent sa klase ko at kailangang maipasa mo din lahat ng exams para siguradong maipapasa mo ang subject ko."

"Ok ma'am." Lumabas na ako ng room na parang pinagbagsakan ng lupa. Paano na 'to?!!!!


Hala !! Malapit na palang magtime, nagmamadali akong tumakbo papunta sa room namin.

"Rindzel !!! Sa wakas nandito ka na. Ano bang nangyari sayo? Bakit hindi ka nasagot sa tawag ko? Tsaka wala din kayo sa bahay nyo."

"Hayyy nasa ospital ako ng dalawang araw, sinugod ko si lola."

"Bakit? Anong nangyari?"

"Inatake samya sa puso and kailangan na daw maoperahan as soon as possible. Jhen, alam mo namang wala akong ibang pwedeng asahan dba? Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Anong silbi ng pagiging bff natin kung hindi kita tutulungan, dba? Ako nang bahala sa gagastusin mo."

"Jhen, ayoko. Maghahanap ako ng pwedeng trabaho basta ayokong mangutang."

"Pero..."

"Nah, final na ang desisyon ko. Tulungan mo nalang akong humanap ng trabaho. Please?"

"Tsk. Ang kulit mo talaga. Sakto yung friend ko naghahanap sila ng pwedeng maging cashier sa restaurant nya. Remember Jes? Sya yun."

"Ah sige. Tulungan mo naman akong makapasok."

"Sure. No problem. Oh ayan na pala si sir, tara na."

-----------------------------------------------------

What can you say guys? 😊

Dreams Really do Come True (Kaye Jade Cal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon