Research Time

73 4 0
                                    


Wooooh !! Buti nalang at walang traffic kanina. Nakakainis naman kasi si Jhen ang sabi may pupuntahan lang sandali pero hindi na bumalik 😑

"Apo, kakadating mo lang nakasimangot ka na agad. Pumunta ka dito sa kusina at tulungan mo akong maghain."

Nagpapasalamat talaga ako at laging nandito si lola kahit hindi nya ako tunay na apo. Oo, hindi ko sya kaanu-ano. Actually, nakita ko sya dati sa sementeryo nung araw na dinalaw ko yung puntod ni mama. Halatang walang nagaalaga sakanya kaya ako nalang ang kumupkop sakanya, siguro dahil na rin sa pangungulila ko sa magulang kaya naisip kong kupkupin si lola.

Limang taon ko na syang kasama dito sa bahay at kung nagtataka kayo kung saan ako nakuha ng pampaaral ko sa kolehiyo. Well, may naiwan saking educational plan si mama kaya laking pasasalamat ko dun.

"Lola, pupunta lang po ako sa kwarto, magpapalit lang ng damit."

"Sige, bilisan mo lang at masamang pinagiintay ang pagkain."

Nagmamadaling tumakbo ako sa kwarto ko, baka magalit sakin si lola eh.

"Apo, kamusta ang pagaaral? Wag kang magpapabaya ah, mahirap kapag hindi nakatapos ng pagaaral mahihirapan kang humanap ng trabaho."

"Alam ko po yun. Kaya nga po pinagbubutihan kong maigi kahit nahihirapan na ako."

"Tandaan mo na kahit wala na ang magulang mo, nandito pa naman ako. Hindi kita iiwan apo. Sigurado ako na kung nasaan man ang mama mo ngayon, malamang na natutuwa yun kasi isipin mo nakakaya mong kayanin lahat ng problema kahit wala na sya dito.

Naiiyak ako sa sinabi ni lola, tama sya nakakaya kong harapin ang mga problema kahit wala si mama sa tabi ko. Sana lang, wala mg ibang problema na dumating 😞

"Uhm 'la ako nalang po ang magliligpit. Magpahinga na po kayo sa kwarto."

"Oh sya sige, kanina pa nga nasakit ang ulo ko."

Pagkatapos kong magligpit ay daretso na ako sa kwarto. Arghh sakit ng katawan ko T.T

*Jhen calling...."

"Oh? Problema mo?"

"Wow ha. Good evening din naman sayo."

"Tsk. Ano nga? May kasalanan ka pa saking baliw ka."

"Eto na nga. Nai-search mo na ba sya? And anong kasalanan? Hoy binalikan kita kanina ah ikaw kaya ang nawala dun."

"Wag ka nga. Isang oras akong naghintay dun tas sasabihin mong bumalik ka dun !!!! Lagot ka talaga saken bukas."

"Aish !! Oo na. Sorry na lilibre nalang kita bukas. Para bawi ka na. Ok na ba yun?"

"Hahahaha yes !! Effective. Hindi naman talaga ako galit eh, pero sige libre mo ako bukas ng lunch and snack. Walang bawian yan ah nakarecord 'to"

"What? Wala na hindi na ....."

"Bye. Basta yung libre ko bukas."

"No !!!!! Badtrip ka talaga Rindzel."

Naiimagine ko na itsura nya habang sinasabi nya yun. Pero sorry sya, naghintay ako dun tas ano ganun nalang? Hahahaha

Napatingin ako sa study table ko and yung laptop. Aish !! Nakalimutan ko si Kaye 😫 maghahanap nga pala ako ng info about her.

Ok its research time !!! Grabe ang gwapo nya talaga walang duda pero bakit ganun? Sana naging lalaki nalang sya :(

Real Name: Karen Jade Dimol Cal a.k.a Kaye Cal

Birthday: February 11, 1989

Age: 27 years old

Province: Davao

Pangalawa pala sya sa kanilang apat na magkakapatid and take note ang ganda ng lahi nila Hahahaha ang gwapo ng panganay nila, and magkamukha naman ang bunso at yung isa nya pang kapatid.

Sumali din pala sila sa Pilipinas Got Talent season 1 and Ezra Band ang name ng group nila. Grabe bakit ba hindi ako nahilig manuod ng TV kaya hindi ko na alam nangyayari sa showbiz.

Oh wait !! Sya yung vocalist ng Ezra Band? So ibig sabihin matagal na pala akong inlove sa boses nya? Omo !!! One of my favorite song is yung Walang Iba so matagal na pala akong hook sakanya, pero hindi ko sya kilala bilang si Kaye.

Kasali pala ang kanta nya na Isang Araw sa OPM Fresh and I really love the song. Ramdam na ramdam yung emotion ng kanta.

Oh another one, isa sya sa song interpreter sa Himig Handog PPop Love Songs, Nyebe ang song entry nila. Love it !! Ang ganda ng mga songs niya.

Hindi na ako magtataka kung bakit sya tinawag na Voice of Soul bagay talaga sakanya napakasoulful na boses. Hindi lang sya basta nakanta, nandun talaga ang emotion.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Zzzzzzz.....

----------------------------------------------------

Hi guys don't forget to vote daily for Nyebe in every hit charts 😊

Thanks for reading 😊😊

Dreams Really do Come True (Kaye Jade Cal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon