Unexpected Visitor

71 4 2
                                    

Another day to start sa day with a smile. Hayys, pagkatapos kong mag-out sa restaurant kagabi dumaretso ako sa ospital and still ganun pa din. Hindi pa pinalalabas ng ospital si lola para daw ma-monitor ng ayos ng mga doctor ang kondisyon nya.

*Calling 099731*****

Sino naman kaya 'to? Hindi naman 'to number ni Gail. Nakatatlong tawag na kaya sa tingin ko importante talaga.

"Hel...."

"Rindzel? Nasan ka? Bakit walang nagbubukas ng gate?"

"Ha? Sino ba 'to?

"Grabe ka saken, ilang araw ka na ngang walang paramdam tas tatanungin mo kung sino ako?"

"Tsk. Magtatanong ba ako kung kilala kita? The heck, tsk."

"Fine, it's Angelo."

"Sasabihin din naman pala tsk."

"Please lang pakibuksan na yung gate nyo."

"K fine. Wait for a second."

Binaba ko na yung tawag. Sabi ko kanina start your day with a smile, pero mukhang hindi yun mangyayari 😫

"Uhm. Good morning?"

"Bakit ka nandito? Agang aga oh."

"I know, hindi ka kasi pumasok nung nakaraan kaya akala ko kung anong nangyari sayo."

"Ok naman ako. Busy lang."

"Busy, saan?"

"Wala."

"Sige na. Uuna na din ako, nagalala lang kasi ako sayo kaya pumunta ako dito. Tsaka magpapalit lang ako ng damit bago pumasok."

Ano daw? Napatingin ako sa damit nya and dun ko lang narealize na nakapantulog pa pala sya Hahaha hindi ko na napigilan na tumawa ng malakas. Imagine, ang isang Neil Angelo Dela Cruz pupunta sa bahay namin ng nakapantulog pa and may print na Spongebob yung pajama nya. What the? Baliw talaga kahit kailan.

"Bakit?" Mukhang nawierduhan sya saken.

"Ano yan?" (Sabay turo sa suot nya)

"Pajama?"

"Alam ko. Pero kailangan talaga yan ang suot mo kapag pupunta dito?"

"Hindi naman, nagalala lang kasi ako sayo."

"Iba ka talaga Hahaha sandali lang naman ang pagpapalit ng damit eh."

"Manginis ka pa. Aalis na ako."

"Ha? Mamaya na andito ka na sin naman eh. Sabayan mo na akong kumain."

"Talaga? Payag ka? Hindi ba magagalit magulang mo kapag nagpapasok ka ng bisita dito?"

Nalungkot ako bigla sa sinabi ni Angelo. Hayyy kamusta na kaya si lola?

"Ok lang. Teka magluluto lang ako. Manuod ka muna ng movie."

"Sige." Pumunta na akong para makapagluto na ng agahan.

ANGELO's POV

Sinandya ko naman talaga na ganito yung isuot Hahaha ok lang magmukhang tanga sa harap ni Rindzel basta mapatawa ko sya, and success nagawa ko syang mapatawa. Actually, nasa kotse na yung uniform ko, papalit nalang ako after kumain.

Makapunta kaya sa kusina? Nauuhaw na din ako eh.

*sob* *sob* *sob* Ha? Ano yun? Teka si Rindzel ba yun?

"Rindzel? Bakit ka naiyak jan?"

"Bakit ka nandito?"

"Nauuhaw ako. Ikaw? Bakit ka naiyak?"

"Sibuyas lang 'to Hahaha ang sakit sa mata."

"Akala ko kung ano nangyari sayo eh. Tara tulungan kitang magluto."

"Naku wag na. Dun ka na sa sala. Tawagin nalang kita mamaya."

"Sure?"

"Oo. Kulit talaga Hahaha"

Bumalik na ako sa sala masyadong tahimik, ayaw ko namang manuod ng movies. Napatangin ako sa side table and napansin ko yung cp ni Rindzel. Pwede ko naman sigurong tingnan dba? Pero sssshhh lang kayo ah 😉















Nagulat ako sa wallpaper nya. Wait don't tell me na magkakilala sila? Baka alam nya na din ang tungkol sa pagkatao ko.

------------------------------------------------------

Sa tingin nyo ano yun guys? Hahahaha siomai !!! Lugaw yung update ko 😢 Sorry ✌

Sapalagay nyo ano yung secret na tinatago ni Angelo kay Rindzel?

Whieee !! Next next chapter magpapasok na ako na POV ni Kaye 😊

Dreams Really do Come True (Kaye Jade Cal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon