Unexpected Visitor (Part Two)

88 5 3
                                    

Ang tagal namang lumabas ni Rindzel -.- Aish nagugutom na ako eh.

"Rindzel?!"

"Bakit?"

"Matagal pa ba? Gutom na ako."

"Wait lang 10 minutes pa."

"Punta na kasi ako jan. Please?"

"Che !! Jan ka lang."

Kanina pa kami ganyan magusap. Sigawan. Kung bakit banaman kasi ayaw akong papuntahin sa kusina.

Flashback:

Nakita ko kanina yung picture ni ate Kaye sa cellphone ni Rindzel, nakakapagtaka kasi bakit meron sya nun? Kaya tiningnan ko yung gallery nya. Luckily kasi walang password ang cp kaya madali akong nakapangalikot.

And I was like. Ha? Andaming pictures ni ate Kaye, maybe stalker sya Hahaha lol natawa naman ako sa iniisip ko. Si Rindzel? Magiging stalker? Hindi naman malayong mangyari yun lalo na kapag malalaman nya yung tungkol saken. Aish ayoko na nga, umentra na naman ang pagiging mahangin ko.

Ano 'to? All For My Idol Kaye Cal name yan ng folder kaya binuksan ko and nagulat ako kasi more on videos ni ate Kaye and yung iba naman ay videos ni Rindzel na may message para kay ate. So fanatic pala sya? Uhm ano kaya kung isama ko sya? Hahaha oh well wala namang mawawala eh.

"Oh Angelo natahimik ka jan?"

"Ha? Eh wala! Bakit ka nandito?"

"Tch. Bahay ko 'to baka nalilimutan mo?"

"Alam ko. I mean akala ko ba hindi ka pa tapos magluto?"

"Hindi pa nga, kukunin ko lang yung cellphone ko."

"Cellphone? Saan?"

"Sa table, natural. Umayos ka nga ang weird mo ngayon ah."

"Hindi kaya. Wala kasi akong nakitang cellphone dito kanina."

"Jan ko lang iniwan yun eh. Pero sige titingnan ko sa taas."

Pagkaalis ni Rindzel, umayos na ako ng upo inilipat ko din sa ibang pwesto yung cellphone para hindi sya makahalata.

After 10 minutes...

"Hindi ko makita sa taas. Baka naman nanjan lang?"

"Wala eh. Hanapin mo nalang jan. MagCR lang ako."

"Angelo? Uyyy labas na jan. Luto na ang pagkain."

"Ha? Talaga?"

"Oo, tara na."

Paglabas ko ng CR nakita ko sya na ang sama ng tingin saken. Err? Anong ginawa ko?

"Bakit?"

"Buset !!! Alis jan. Kanina pa ako nasi'CR pero ayaw mong lumabas."

"Wala ka namang sinasabi eh."

End of flashback

RINDZEL POV:

Ang weird ni Angelo -____- kanina ang kukit tas ngayon naman ang tahimik. Hala sya? May sakit na yata sa pagiisip 'to.

"Kanina ka pa tulala jan." Biglang sabi nya saken.

"Ha? Ay sorry. Sige na kumain ka na."

"Nagagwapuhan ka nanaman saken nuh?"

"Tch. Hangin mo uy."

"Uhm Rindzel? Sino yung nasa CP mo?"

"Alin? Yung nasa wallpaper?"

"Oo."

"Ah si Kaye Cal yun Hehehe idol ko."

"Ahh." Tingnan mo akala mong tanga, tango naman ng tango Hahahaha

*ring* *ring* *ring*

Calling Manager...

"Excuse me."

"Ok." Sinong manager un?

Tinapos ko nalang ang pagkain ko. Sarap ko talagang magluto Hahaha ang tagal naman ni Angelo, lalamig pa yung pagkain eh. Sundan ko kaya? Wala namang masama eh.

"What? Akala ko ba bukas pa yan?... Manager naman, may klase ako... Aish may dinaanan lang ako... Pakicancel nalang muna. Please?... Alam ko magagawan mo ng paraan yan... Just tell them na may exam kami mamaya and ayaw kong ipagpaliban yun... Ok bye. Thanks."

Tumakbo na ako papuntang dining area para hindi nya mahalata na sinundan ko sya. Ano bang tinatago saken nito? Manager? Sikat ba sya? Pero bakit hindi ko alam? Hayys. Itatanong ko na nga lang. Ang tahimik naman....

"Err sino yung tumawag?"

"Ha? Ah wala yun."

"Bakit para kang kinakabahan? Nagtatanong lang naman ako."

"Wala nga lang kasi yun."

"Eh bakit manager ang nakalagay?"

"Basta. Uhm tara na? I mean, magbihis ka na ng iniform. Alis na tayo."

"Wag na. Kaya ko na naman."

"No I insist. Kaya nga ako pumunta dito. Magpapalit lang ako ng uniform ko."

"Uuwi ka pa?"

"Nah. Nasa kotse na. Sige na. Bilisan mo."

Fastforward !!!

Nasa parking lot na kami ng school.

"Bakit nakashade ka? Hindi naman mainit."

"Style lang yan. Tara na."

-----------------------------------------------------
Update lang 😅 Busy days 😢

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreams Really do Come True (Kaye Jade Cal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon