Masyado palang maaga akong pumasok ngayon. Kokonti palang ang estudyante. Makapunta nga muna sa canteen nakalimutan ko na namang kumain kasi naman masyado akong excited na ibalita kay Jhen yung nalaman ko about sa Kaye na yun.CANTEEN...
"Good morning ate Linda 😊"
"Good morning din Rindzel, ang aga mo yata ngayon ineng."
"Ay opo, excited lang Hahaha"
"Oh sya ano bang order mo?"
"Uhm carbonara, burger and pineapple juice po."
"Sige. Ako nalang ang magdadala sa pwesto mo."
"Salamat po ate Linda."
Ay yung cellphone ko nga pala, makapagpatugtog nga muna.
(Gustong gusto ko talaga ang kantang 'to kasi experience ko na din ang ma-friendzone 😞)
Ang ganda talaga ng boses nya, parang hinehele ako 😆 Hahaha If I know wala pang mga kanta si Jhen na cover ni Kaye, yun pa sa tamad ng babaeng yun na magdownload -.-
"Rindzel, eto na ang pagkain mo oh. Babalik na ako sa counter."
"Sige po. Salamat po ulit."
Habang nakain ako, may napansin ako na nakaupo sa tabi ko. Aish !! Ang luwag naman dito sa canteen pero dito pa talaga pumwesto sa tabi ko.
"Hi." Sabi yan ng katabi ko, well hindi ko ugali na makipagusap sa hindi ko kilala.
"Miss, pedeng magtanong?" Bahala ka sa buhay mo -.-
"Miss, bingi ka ba? Bakit ayaw mong sumagot?" Ay inis na si kuya? Hahaha bleeeh :P
Ayos umalis na sya Hahaha nainis siguro saken, pero wapakels ako hindi ko naman sya kilala. Pero nagulat ako ng may humila ng earphone ko. Sino banamang epal 'to? 😠
"Bwiset !!! Ano bang problema mo?"
"Nagsasalita ka naman pala eh. Tsk."
"Sino ka ba? Ang yabang mo ah."
"Ako? Mayabang? Eh ikaw? Suplada? Hahaha oh well perfect combination babe 😉"
"Babe your face !!! 😠 umalis ka nga sa harap ko."
"Sa harap mo? Ang layo ko nga sayo eh."
"Pilosopo ka din ah, peste !!!"
"Tsk babe Hahaha ganito kasi ang magkaharap talaga." Lumapit syang maigi saken as in 2 inches lang ang pagitan namin. Argh !! Ang bango nya napaka manly ng amoy.
"Oh well, love my scent? Hahaha"
"Tch stay away from me. Please?"
"Not unless if you tell me your name, beautiful 😉"
"Nevermind."
Umalis na ako sa canteen, ang aga agang manginis ng lalaking yun.
ROOM....
Ang tagal naman yata ni Jhen? Yun talagang babaeng yun. Umiiwas yata sa libre nya saken.
*Calling Jhen....*
"Oy bruha nasan ka? Antagal mo magsisimula na ang klase."
"Hindi ako makakapasok ngayon. May lagnat ako. Sorry bukas nalang ang libre mo."
"Sige. Magpahinga ka na balitaan nalang kita sa lessons natin."
"Ok bye."
Binaba ko na yung tawag kasi dumating na si ma'am. Aish Accounting pa more 😫 ang sakit nya sa bangs promise :/
"Class, may bago kayong classmate. Common Mr. Dela Cruz." Natanggap pa sila ng transferees? One month ng nagsimula ang klase ah.
"Hi. Neil Angelo Dela Cruz is the name, mas prefer kong tawagin as Angelo. 17 years old." What the? Sya? Kelan pa? 😒
Tilian na naman mga kaklase kong babae at beki. Tsk. Kung alam lang sana nila ang ugali ng mokong na 'to.
"Dahil hindi pa alam ni Mr. Dela Cruz ang pasikot sikot sa buong school may isa sainyo na magtu-tour sakanya sa buong campus. Understand?" Ang malas naman ng taong makakasama nya for the whole day 😒
"So Mr. Dela Cruz, sino ang gusto mong mag-tour sayo buong araw?" Oh no. No. No. Wag kang lilingon dito 🙈🙈
"Ma'am may napili na po ako 😊." Waaah T.T nakatingin sya saken at nagsmirk !!! Huhuhuhu I'm gonna die for sure 😵
"So sino ang napili mo?"
"That girl at the back, yung nakasalamin."
"Oh good choice, iho. Rindzel stand up. You'll be the tour guide of Mr. Dela Cruz for the whole day. Don't worry akong bahala sa mga prof. mo and exempted ka na sa long quiz sa araw na 'to. Anyway Angelo, this is Ms. Rindzel Marie Arlanza." Omo !!! I hate this day 😥
Lumabas na kami ng room and kanina pa nakangiti ang mokong na 'to.
"So saan mo gustong pumunta?"
"Wala naman, uhm sa rooftop tayo tara." Hinila nya agad ako. Teka? Bakit alam nya na kung saan ang rooftop?
"Teka nga. Tour guide mo ako ngayon kaya please lang pumunta na tayo sa dapat nating puntahan."
"No need babe, alam ko na ang pasikot sikot sa school na 'to. Nakapagikot na ako dito last week."
"Alam mo na pala eh. Babalik na ako sa klase naten." Pinagti-tripan lang ako nito eh.
"Wag na. Bahala ko mageexam ka pa sa Accounting nyan Hahaha" Sabagay may punto sya dun ah.
"Aish. K fine."
.
Sana matapos nang ayos ang araw na 'to kasama ang mokong na 'to 😫😫😫😫
---------------------------------------------------
Thanks for reading guys 😊
BINABASA MO ANG
Dreams Really do Come True (Kaye Jade Cal)
FanfictionMahirap mawalan ng mahal sa buhay. Mahirap isakripisyo lahat ng bagay na nakasanayan mo na para sa taong mahalaga sayo. Mahirap makipagsapalaran sa mundong hindi mo nakasanayan. Sa mundong ginagalawan natin halos lahat ng bagay mahirap. Oo, walang b...