(Song: Take A Walk by Passion Pit)
Add me on Facebook!! Click the external link ;) or just search for my name Butterflywithme Wattpad
Chapter 5
"So, Ace, how was your foot? Kailan daw pwedeng tanggalin yung cast?"
GULP.
Kahit hindi naman ako yung tinanong ni Daddy, hindi ko maiwasan na kabahan tuwing may makakapansin sa paa niya.
"Hopefully, the week after this, tito," he answered.
"Good. Good. You won't be able to enjoy summer kung may cast yang paa mo. Ano ba kasing nangyari diyan?" my dad pried.
Nanlaki yung singkit kong mga mata at parang sinisilaban yung pwet ko sa pagkakaupo ko. Gusto kong tumigil na sa kakatanong si Daddy!
Daddy, ang dami mong tanong!! Gusto ko sanang isigaw sa kanya kaya lang siyempre lalo akong mabubuking.
"Ah. wala po 'to, tito. I was just going back to the hotel nung may iniwasan ako, then namali lang ung hakbang ko," paliwanag naman ni Ace kay Daddy.
"Hmm. Next time be careful."
Lumibot yung tingin ko sa mga nakaupo sa table.
Thank goodness they bought it.
Nakita ko naman si Beau na ngumingisi.
Loko yun ah.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Nakahinga din ako ng maluwag nung matapos yung dinner. Hindi na rin naman na napagusapan yung tungkol sa paa ni Ace.
Grrr!! Paano ko naman kaya sasabihin yun sa parents ko?
Kung kay Mommy ko sasabihin baka ma-highblood naman yun.
Tapos kung si Daddy naman panigurado marami akong punishment haharapin. Natatakot ako dun sa mga punishments na kaya nilang ibigy sa 'kin eh. Kahit 18 na ako siyempre alam ko pa rin kung pa'no matakot sa parents ko.
=( FML!!!
Sa bagay, kasalanan ko naman ang lahat eh, kung naging maingat lang din sana ako. Hindi 'to mangyayari.
Natapos yung gabi ko ng kaaisip kung paano ko ieexplain yung nangyari.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Isa nanamang mabagal na araw. Ito nanaman ako nakakulong sa kwarto at sinusubukang tapusin yung mga i-susubmit kong pictures next week.
Ang boring ng buhay ko. Buti pa nga si Beau naisipan pang magbasketball sa baba.
Si Zab naman inumpisahan na makipaglaro kay Ace. Naririnig ko na yung mga laruan niyang may music.
Walang choice si Ace eh, si Zab ang boss.
Nakita ko namang pasensyoso si Ace kay Zab dahil kung hindi ako mismo ang aaway sa kanya.
Past 11am na nung narinig kong may nag door bell. Hindi ko na pinansin baka kasi delivery lang ng tubig o kung ano.
After a while, bigla na lang sumigaw si Zab ng, "Ate Zoe!!!"
Pagkabukas ko ng pinto nakita kong nagmamadali si Zab na pumunta ng kwarto ko. Napansin ko rin na may hawak hawak siyang isang medium sized na box ng doughnut.
"Oh, why are you running? Do we have a visitor?" tanong ko kay Zab.
Iniabot naman niya agad sa 'kin yung box. Mukhang alam ko na kung sino ung dumating ah.
BINABASA MO ANG
Love Next Door
RomantizmNagumpisa ang lahat sa isang break up. Hindi akalain ni Zoe Lazarro na magiging magulo ang buhay niya lalo na ng makilala niya si Ace Giltmore. . . Si Ace Giltmore na pansamantalang titira sa bahay nila?