Chapter 6

62 2 0
                                    

Happy 200+ reads! Lol

Add me on Facebook! Butterflywithme Wattpad or click the external link. <3

(Song: Chocolate by The 1975 )

Chapter 6

"NO WAY, Z. I don't believe you. Ikaw, muntik nang makapatay?" sa lahat naman ng taong pinagkakatiwalaan ko, yung best friend ko ang laging hindi naniniwala sa 'kin. BV.

"Exaggerated ka naman! Muntik lang makabangga, patay na agad?!" umiling-iling pa rin si Miguel sa 'kin. "Oo nga! Believe it or not, nangyari yun. Gusto mo ng pruweba?" pinasunod ko siya sa dining room pero hindi kami pumasok. Nagtago lang kami sa isang pader na tanaw yung dining table. Itinuro ko sa kanya si Ace.

"'Yung mayabang na 'yun? Tss. Ang angas eh. Maawa sana 'ko eh kaya lang siya pala, edi okay lang."

Pinalo ko yung braso niya, "Ang sama mo. I feel bad kaya. Kahit nayayabangan ka diyan, kung ikaw kaya o kahit sinong tao hindi makalakad ng ayos baka naawa na rin ako noh."

"Alam ba ng parents mo na ikaw may gawa niyan?"

"You know me so well, I don't know what I'm gonna do without you," sabay pisil nung pisngi niya. "Siyempre, hindi."

"Ah. ah. ah. Tama na," sabay tanggal ng mga kamay ko sa mukha niya. "Sabi ko na eh. Alam kong hindi ka magsasalita ng kahit anong alam mong ikapapahamak mo."

Kilalang kilala talaga ako ni Miguel. Alam niyang mapaglihim ako sa parents ko lalo na kapag mapapagalitan ako sa isang bagay na ginawa ko. 

Pero kahit mapaglihim ako, hindi naman ako sinugaling. Magkaibnag bagay yun, okay?

"Psh. Yun na nga eh. May problema. Bin-lackmail ako ni Ace na kapag hindi ko daw sinabi within this week siya daw mismo ang magsasabi kina Daddy at Mommy."

"G@go yun ah. Upakan ko na? Bakit daw ba? Anong problema nun?"

"Sira! Upakan ka diyan. Hindi ko rin nga alam eh. Since, I was given the whole week susulitin ko na ang pag iisip kung pa 'no ko sasabihin. Nahihiya na rin ako kay Ate Alexi eh baka mag away pa sila ni Kuya Zac."

"Huh? Bakit nasali yung fiancee ni Zac?" tanong niya.

"Siya kasi yung tumulong sa 'kin na ipagamot si Ace sa hospital. Siya rin yung tumulong sa bills. Sabi ko nga sa kanya babayaran ko siya kaya lang malalaman nila Daddy kapag binawasan ko yung allowance ko ng malaking halaga. -.-"

"So, anong balak mo?" naglakad na siya pabalik sa living room.

Normally, kung may bestfriend ka na mayaman mago-offer agad sila ng money to help you at dahil magkalilala na kami ni Migz since forever alam niyang tatanggihan ko yung offer niya.

"Edi sa huling araw ko na lang sasabihin. At least that day baka alam ko na yung sasabihin ko. Baka na-practice ko pa."

"Sira ka talaga. Nakuha mo pang magbiro. Makakapag-biro ka pa kaya kapag pina-surrender ng Dad mo yung driver’s license mo??" he said, then stuck out his tongue.

"Psh. Really? You're so mature," I said sarcastically.

"Thanks!" sabay kindat.

"I was being sarcastic, you twerp. Halika na, dito ka na mag-lunch."

Hinila ko na siya sa dining room. Nagugutom na rin kasi ako ako. Kanina pa kami nagkkwentuhan ni Miguel. Ilang linggo na rin kasi kami hindi nagkikita. Malamang hindi pa matatapos yung usapan namin hanggang mamaya.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Hindi nga ako nagkamali. Malapit na magdinner at nandito pa rin si Miguel sa bahay. Hindi talaga napapaawat yan kapag matagal-tagal din kaming hindi nagkita. Dito na rin ata yan matutulog.

Ever since we were kids mahilig talaga kami sa sleepovers, minsan dito siya sa bahay or minsan dun ako sa kanila.

Before same bedroom kami natutulog nung bata pa kami pero since teenagers na kami dun kami natutulog sa guest room ng isa't isa.

BFF nga kumbaga. Marami-rami na rin kaming napagdaanang dalawa. Ang hindi ko pinakamalilimutan eh nung 6 yrs old pa kami, tumakas kami para makapunta sa park ng subdivision.

After lunch yun nung tumakas kami. Wala yung parents niya kaya nasa bahay siya nun tapos dapat may after lunch nap time kami kaya lang hindi kami makatulog kaya naisipan naming tumakas at pumunta sa park. Buong akala nung yaya ko nandun lang kami sa kwarto at natutulog hindi niya alam wala na kami. 

Matagal-tagal din nila nalaman na wala kami sa kwarto. Tumawag kasi yung mommy ni Miguel para kamustahin siya, ayun dun lang nila nalaman na wala pala kami ni Miguel sa bahay. 

Nakita na lang namin yung yaya ko kasama yung driver namin sa paghahanap. Nyehehe. I felt sorry for them, napagalitan sila ng parents ko ng wagas. Hihihi.

Kapag naiisip ko talaga yun, natatawa pa rin ako. =)))

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Habang nasa veranda ako kasama si Zab at Miguel dumating na sila Mommy at Daddy. Sinalubong agad sila ni Zab.

Alam niyo naman laging excited kapag may kadarating lang. Niyaya na rin ako ni Miguel na bumaba para ipaalam sa kanila nandoon siya.

"It's nice to see you again, hijo," niyakap siya ni Mommy. 

"I also missed you, tita. It's been a long time."

"Good you're here," sabay tapik ni Dad sa balikat ni Miguel. "Come, join us for dinner," yaya ni Dad.

Dinner time na rin kasi nakakauwi yung parents ko. Kaya hinihintay na lang din namin sila dumating bago kumain. Nagsasabi naman sila kapag male-late sila eh.

Feeling ko biglang lumaki yung pamilya ko. Ang ingay sa bahay. Ang daming tao. Sayang nga wala si Kuya Zac eh. 

"Okay, everybody listen. I have a good news," tawag ni Dad sa attention namin. "si Zac and Alexi daw uuwi dito sa Saturday."

"Yehey!" sigaw ni Zab.

"Ang sabi niya pasensya na daw kung matatagalan yung Welcome Party niyong magkapatid," sabay lingon niya kay Ace at Beau.

"It's alright, Tito. There's no need for that," sabi ni Ace.

"Oh no. Hindi pwede yan sa mga Lazarro. Dapat laging may party," singit naman ni Mommy.

"That's right. Kaya nga gustong gusto ko na rin magpa-adopt sa inyo kasi laging may party," sabi ni Miguel.

Natawa kaming lahat kay Miguel sa sinabi niya.

"Don't worry we'll just have a little celebration. Matagal tagal na rin kasi akong nag-iisang lalaki dito sa bahay wala naman akong makainuman," sabay tawa niya.

"Daddy, remember bata pa yang mga yan," saway ni Mommy.

"Edi kami na lang nito ni Ace. 18 na 'to eh. Hahaha."

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

At the end of the day, hindi na rin pinayagan ng parents kong umuwi si Miguel. Masyado na daw gabi para magdrive magisa.

Eh wala naman talagang balak umuwi si Miguel eh. Nagpagabi talaga siya para dito makitulog.

Parang anak na rin kasi ang turing ng parents ko kay Miguel kaya okay lang kahit sa bahay pa siya magpalipas ng gabi kahit nga siguro 1 week pa kung gugustuhun ni Miguel.

Pagakyat ko sa kwarto ko nakita kong naguusap si Miguel at Ace sa veranda. Hinayaan ko na lang silang magusap at pumasok na ako sa kwarto kasi baka usapang lalaki lang yun.

Sabihan pa nila akong chismosa. :P Makatulog na nga lang.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Dont forget to VOTE and COMMENT !!!!!!! :D

Love Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon