Chapter 12

8 0 0
                                    

Karamihan sa 'min maagang nagising, by 8 am tapos na kaming magbreakfast. Everybody's excited para sa activity namin ngayong umaga. Every summer, tradition na namin maghorseback riding.

Kaya maaga sila nagsigising para maaga pa lang makapunta na kami sa Sky Ranch and definitely try out some rides.

"Si Ingrid and Harry paki gising na para makapagbreakfast na sila at 'di maiwan," utos ni Lolo sa 'min.

"Yes, Lolo"

"Zab, go wake them up. You're good at that," tumatawang utos ni Kuya Zac.

"Okay!" sagot niya kay Kuya."Let's go!" nagsunuran na rin yung ibang bulilit.

"Ang aga hyper na agad?" pansin ni Dad.

"For sure hindi pa nakakarating sa Picnic Grove tulog na yang mga yan," sabi ni Kuya Zac.

Pinapanuod ko lang sila from the living room since pila sa bathroom alam kong matagal tagal pa yung hihintayin ko.

"Gab, hindi pa ba tapos magshower si Mau?" tanong ko ng umupo rin siya sa katapat na sofa, naghihintay rin.

"Nope, busy pa siya magconcert sa loob," she said while typing something on her phone.

"Si Ate Mau pa, isang oras yun maligo eh," singit ni Mike, my five year old cousin.

I just smiled and ruffled his hair and he ran away.

Habang nagtitingin ako ng pictures from the other night nung birthday ni Lolo.

Tumabi sa 'kin si Jack na inaantok pa. Being the sweet boy he is, kahit teenager na kami, humiga pa siya at ginawang unan pa yung lap ko.

"Jack, kung inaantok ka pa humiga ka dun sa kama mo," sabi ko pero hindi ko naman siya pinaalis.

"5 minutes lang, Ate," kahit isang taon lang tanda ko sa kanya Ate pa rin tawag niya sa 'kin. Ang cute cute talaga nitong pinsan ko na 'to.

Siya yung pinaka favorite kong pinsan na lalaki kasi siya yung parang pa-baby minsan.

And parang 5 minutes lang nga umupo na siya.  Habang ako nagtitingin pa rin ng pictures.

"Look at this," I said while busily zooming in the photo. "Nakakatawa yung face ni Kuya Dane," natatawang sabi ko. Paglingon ko hindi na pala si Jack yung katabi ko.

He's looking at me with a blank face. Not the annoying blank face though.

I felt my heart race. I've been feeling this since he winked at me that night at Lolo's party. I just didn't notice because I thought it was the alcohol taking control.

Nakakailang na siya kausap.

I only realized it this morning before breakfast. But, why?

"Ah, Ace." I managed to compose myself quickly. I hope he didn't notice. "Sorry, I thought you were Jack."

"Do you mind if I see the other photos?" tanong niya.

"Nope. Here kunin mo muna," binigay ko sa kanya yung dslr ko.

I got to know Ace a little when we talked last night.

He's not so bad after all. Mabait din naman pala siya medyo may pagka moody lang.

I also found out that he's not shy, he's just nonchalant.

"Zoe, your turn!" sigaw ni Gab sa 'kin from the stairs mukhang matagal nang natapos  si Mau. At mukha ring matagal tagal ng natapos si Gab.

Has my mind been wandering?

"Ace, can you hold on to it for a minute? Kunin ko na lang sa 'yo later, okay?" Tumango lang siya sa 'kin at umakyat na rin ako para magready.

*-*-*-*-*-*-

"Where are they?" tanong ko kay Migs.

"Nauna na. Sumunod na lang daw tayo. Ang tagal mo kasi eh. Sana kasama na rin tayo," parang batang hindi isinama sa park na sabi niya.

"What the hell? Ang tagal ko ba sa bathroom? Tsaka sana sumama ka na kung excited ka." -.-

"Medyo matagal. Tapos halos lahat sila bihis na even before you get in. Eh kasi nga gusto ko kasabay ka eh. Tsaka nahihiya ako kapag hindi ka kasama,"

"Kelan ka pa nahiya? Dude, you've been having summer vacations here since we were kids. Hindi ka na iba dito. What are you talking about?" I pushed him lightly.

"Hehehe. Hindi ba bagay sa 'king mahiyain?" ayan nanaman siya sa trip niya. Eh never naman siya nahiya.

Maswerte si Migs kasi masyadong welcoming itong family ko, kung ituring siya parang pamangkin na rin. Grateful din ang parents ni Migs sa amin kasi at least daw kahit only child siya he would still experience having 'cousins' around from his second family.

"Tara na. Tayo na lang ba naiwan? Ikaw na magdrive ah," yaya ko sa kanya. Kinuha ko yung susi sa isang decor plate near the door.

"Hindi. Naiwan pa sila-"

"Miggy, wait!" Argh! Si Ingrid. Naiwan din pala 'to.

"Yup. That's what I was gonna tell you," bulong ni Miguel sa 'kin.

"Can I ride with you Miggy? They left me eh!" she said without giving me a glance as if I wasn't standing beside Miguel.

Miggy. Miggy. So annoying!

"Ahh. Sure. No problem," medyo may pagaalangan si Miguel.

It's really uncomfortable when you have to be in same room with the person that ignites your frustration. You keep thinking about it and you can't instantly forget.

"Okay lang sa 'yo?" bulong ko kay Migs.

Tumango tango lang siya.

Alam kong di na affected si Miguel sa presence ni Ingrid pero iba pa rin talaga when you don't have a choice.

Awkward.

"Ate Zoe, wait! Sasabay na rin kami ni Kuya Ace." humahabol na sigaw ni Jack.

"Kayo rin naiwan? Bakit?" tanong ko.

Napatingin naman ako kay Ace. Napaka simple lang ng suot niya and yet ang lakas ng dating niya. Iba talaga kapag half Brit and half  Pinoy.

Naka tshirt lang naman siya with matching walking short at naka Vans sneakers.

Zoe, stop checking him out.

Umalis lang yung tingin ko sa kanya ng magsalita ulit si Jack.

"Puno na kasi yung van eh. Hindi na kami kasya. Sabi ni Tito sa inyo na lang ni Kuya Migs sumabay." paliwanag niya.

Okay. At least di masyadong awkward.

I love sarcasm.

"Okay, let's go. Sure ba na tayo na lang?"

"Yup"

Si Miguel nga ang nagdrive. Ang masaklap lang si Jack ang umupo sa shotgun.

Ayun kasama ko sa backseat yung dalawa.

Siyempre hindi ko tatabihan si Ingrid. Kaya ang nasa gitna eh si Ace.

"Bakit parang ang uncomfortable ninyong tignan?" inosenteng tanong ni Jack. Masyado atang halata at pati siya napansin niya na rin.

"Jack, magpatugtog na lang tayo. Eto yung phone ko oh," thank goodness naisip agad yun ni Miguel.

I'm sure kahit siya uneasy rin.

This will be the longest car ride of my life.

Love Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon