Chapter 9

30 1 0
                                    

"Are you guys ready?" tanong ni Dad sa amin.

"I'll just load the bags tapos ready na kami," sagot ni Kuya Zach.

"Okay, tell me when you're all set," sabay lakad papunta dun sa kotse niya.

Ngayon ang alis namin papuntang Tagaytay. I just hope na maging distraction 'to sa lahat ng mga iniisip ko. Hindi ko nga alam kung bakit parang ang dami kong problema na hindi ko naman dapat pinoproblema.

"Beau, check your things. Baka may nakalimutan ka pa. Don't sleep in the van yet. Check your things," naririnig kong utos ni Ace sa kapatid niya.

"Yeah, yeah. I checked everything already," sabay higa ulit sa unan na dala niya.

"Baka mamaya niyan wala ka palang toothbrush sige ka hihiramin mo yung kay Lolo Danny," pagtutukso ni Miguel.

Napaupo si Beau ng ayos nang marinig niya yung sinabi ni Miguel.

"Shit. I think I returned it to the holder," sabay baba ng van. Pagkababa niya kinotongan naman siya agad ni Ace.

5:30 ng umaga namin napagdesisyunan na umalis. Si Kuya Zach ang nagda-drive ng van. Sinusundan naman namin yung kotse ni Dad na sakay si Mom at Zab.

Siyempre, kasama pa rin namin si Ate Alexi na nakaupo sa shotgun. Hinding hindi rin mawaawala ang bestfriend ko, si Miguel.

Parang apo na rin siya ni Lolo. Paano laging kasama sa lahat ng okasyon.

Wala rin kasing kapatid at pinsan si Miguel parehong only child ang parents niya kaya naman everytime na we invite him sa mga occasions na ganito pinapayagan siya ng parents niya.

Umupo ako sa pinakalikod ng van kasi gusto kong solo ko yung buong seat.

Sumakay na rin ng van si Miguel na may dalang sandwich.

"Okay ka lang?" sabay upo sa tabi ko.

"Oo naman. Bakit hindi?" inagaw ko yung sandwich niya na hindi pa niya nakakagatan.

"Hey! Agawan ng sandwich, ganun? Sana sinabi mo mong naguguton ka rin para kinuhanan din kita," he clicked his tongue, "okay ka nga. Walang problema sa 'yo."

"Hahaha. Dun ka na. Ang sikip di tayo kasya," pagtataboy ko sa kanya.

"Ganyan ka na ngayon ah," pinandilatan pa niya ako. "Isusumbong kita kay Lolo Danny," pananakot niya.

"Samahan pa kita," ako kaya ang favorite ni Lolo. Kamukha ko daw kasi si Lola. Kaya close kaming mag lolo. Haha

Pumasok na rin ng van si Beau dala dala yung toothbrush niya. Sumakay na rin si Ace at tumabi kay Beau, sumunod na rin si Ate Alexi at Kuya Zach.

Lumipat na rin ng upuan si Miguel sa likod ni Kuya. Siya kasi ang papalit na driver just in case na mapagod si Kuya Zach. 

Though hindi naman masyadong malayo yung Tagaytay.

Hindi pa kasi siya nakakatulog ng ayos dahil galing pa sila sa work ni Ate Alexi. 

Buti nga nakasama pa sila ngayon dahil almost always 48 hours yung duty nila sa hospital.

Fortunately, napatapat sa mismong araw ng birthday ni Lolo ung day off nila. Kaya lang hindi rin naman sila magtatagal  doon baka kinabukasan uuwi na rin sila agad.

"Whoa, ilang rooms mayron dito?" tanong ni Beau pagkababa na pagkababa niya ng van.

"10 except pa yung kay Lolo Danny and the maid quaters," si Miguel na yung sumagot, "ang laki noh? Nalula din ako nung first time kong pumunta dito," dagdag pa niya.

"So, lagi kang pumupunta dito?" si Ace naman ang nagtanong

"Lagi akong invited eh. Birthdays, New Year uhhh...Christmas but just twice," binilang pa niya ng kamay niya.

"Tara na. Kunin niyo na yung gamit niyo para sa lodging. Marami pa tayong gagawin," sabi ko sa kanila.

"Lodging?" sabay na nagtanong yung dalawang magkapatid.

"Yup, lodging. Every year kasi nagbubunutan kami kung sino-sino ung magiging roommates namin when we're here," paliwanag ko.

Kaya naman nauso yung lodging because of someone. Nobody wants to be in the same room as her.

"Don't worry. Separated naman yung boys and girls," I added.

"Ate Zoe!" sinalubong agad ako nung mga maliliit kong pinsan.

"Hello!" yinakap ko din sila isa isa.

"Kuya Migs!" sabay sabay nilang sinugod si Migs hanggang sa tumumba sila sa sahig. Kilalang kilala na nila si Migs kaya everytime na magkikita kita sila they would just tackle him to the ground. Ang kukulit nila.

After nilang makatayo nakita nila yung magkapatid na nasa likuran ko. Bigla silang napatigil at sabay sabay nagtilian.

"Ahhhhhhh!!!" nagtakbuhan silang lima sa loob ng bahay.

"What just happened?" nagtatakang tanong ni Ace.

"Natakot ata sa 'tin," 

"Baka sa 'yo lang," sagot naman agad ni Ace sa kapatid niya.

"Hahaha," hindi ko na napigilan.

"Hahaha," nakitawa na rin si Miguel.

"Bakit kayo tumatawa?" 

"What's so funny?"

"Inside joke," sagot ni Miguel.

"Kaya kami tumatawa kasi ginagawa nila yan sa mga first time nilang nakikilala," sagot ko sa kanila

"Yup, ginawa din nila sa 'kin yan. That was unforgettable," kakapasok lang ni Ate Alexi sa loob.

"See? Hindi lang kayo,"

"Eh bakit ikaw? Hindi nila ginawa sa 'yo yun?" tanong ni Beau.

"Malilit pa sila nun first time ko silang makita."

"Saan nga pala yung mga tao?"

"Baka nasa pool yung mga yun."

Kakatapos lang magbunutan kung sino-sino yung mga magkakasama sa rooms. Apat kaming magpipinsang babae ang mga magkakasama.

Luckily, kaclose ko naman silang lahat. The truth is I get along with everybody except one person.

Nagpapahinga kaming magpipinsan malapit sa pool ng dumating si Lolo Danny.

"Hi, Lolo! Happy birthday!" bati ko sa kanya sabay mano. Nagsilapitan na rin yung iba kong mga pinsan para bumati at magmano sa kanya.

"Thank you. Thank you. Kamusta kayong mga apo ko? Is everything good?"

"Yes, Lolo. We just finished setting up in the garden"

"You should get ready. Your visitors will be here soon," sabi ni Maureen, pinsan ko na bata sa 'kin ng one year.

"Okay, okay. You guys are more excited than I am, huh?" umalis na rin siya para magbihis.

Natanawan kong may ginagawa pa rin yung mga lalaki dun sa mini stage na ginawa nila para sa birthday ni lolo.

Nakita kong nandun sina kuya at iba ko pang mga pinsang lalaki, nandun din si Beau na nakikitulong at si Ace na may....kausap.

Nagsalubong yung dalawa kong kilay when I both saw them laughing.

~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_

Add me on Facebook! Butterflywithme Wattpad

https://www.facebook.com/butterflywithme.wattpad

Love Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon