Chapter 8

40 1 0
                                    

Chapter 8

"How long  have you been keeping this from us?" my  dad asked.

Nakayuko pa rin ako sa harap ng parents ko. Kaming tatlo na lang ang naguusap sa loob ng office ni Dad.

Ramdam ko pa rin yung basa kong buhok mula sa shower ko bago ako pumasok  sa office ni Dad.

"Three weeks and a half....? I'm not sure," It's true hindi ko na masyadong maalala.

"Can you tell us what happened?" hindi ko maintindihan kung bakit kalmado yung parents ko habang kausap nila ako. Inaasahan ko eh yung may sigawan moment na magaganap.

But their faces tell me otherwise. Full of disappointment.

"I just went back to the parking lot. Noong paalis na 'ko hindi ko siya nakita na dumaan," kwento ko.

Marami pa silang sinabi sa akin pero hindi na na-absorb ng utak ko.

Ang alam ko na lang nagising ung diwa ko habang sinasabi nilang I should talk to them if something's bothering me.

Like that ever happens.

Sana sinigawan na lang nila ako para at least alam ko na disappointed sila sa 'kin.

Hindi katulad ng ganito, hindi nga nila ako sinisigawan pero yung mga tingin at buntong hininga nila sa 'kin parang lalong mas masakit.

Hindi nagtagal pinalabas na rin nila ako sa office. Of course, hindi ako naligtas sa punishment: unang una na diyan yung pinagbawalan akong magdrive for a month at ang magiging summer job ko na wala akong idea na kung anuman 'yon.

Malapit na 'ko sa kwarto ko nang makita kong hinihintay ako ni Beau sa tapat ng kwarto ko.

"Zoe, sorry talaga ah. Hindi ko sinasadya. Ang daldal ko kasi eh. I'm really sorry," bungad niya sa 'kin.

"It‘s fine. Kasalanan ko naman eh.," pumasok na 'ko sa kwarto ko.

Hindi ko na napigilan napaiyak na lang ako.

tok tok  tok

"Ate Zoe? Dinner is ready," nakatulog pala ako habang  umiiyak.

"I'm coming," sagot ko.

Tumayo na 'ko para magready. Ang haba rin pala ng tulog ko at inabot na 'ko ng dinner time.

I can feel the awkward silence habang kumakain. Walang nagsasalita. Lahat nakayuko sa kinakain  nila.

"Daddy, you told me you have news for us?" pagbabasag ni Zab sa katahimikan.

"Oh yes, sweetie," he cleared his throat. "On Tuesday, we are going to Tagaytay for Lolo's 75th birthday. Your cousins will be there as well,"

Nakalimutan kong malapit na nga pala birthday ni Lolo.

How could I?

Every summer pumupunta kami doon for his birthday. Nagkataon naman na ika-75th birthday na niya kaya malaking handaan ang magaganap.

That lightened my sour mood.

"Ace and Beau sasama kayo sa amin ah. I told your dad already. Baka bumisita din daw siya kapag nandoon na tayo," baling ni Dad sa magkapatid.

Tumango lang yung dalawa.

Tahimik lang ako hanggang matapos yung dinner ng puro kwentuhan tungkol sa Tagaytay.

Kung paano yung magiging arrangement at kung may small performances kami na kailangan paghandaan.

Habang palabas na lahat sa dining area dumiretso naman ako sa veranda.

Tumayo lang ako para magpahangin.

"So, how are you?" biglang may nagsaligta sa likod ko.

Hindi ko na kailangan lumingon para makilala kung sino yung nagsalita.

"I guess masaya ka na? This is what you've been waiting for, right?" why is it so hard to deal with boys?

"I didn't say I would be happy kung mapagalitan ka or mabigyan ng punishment for what you did. Ang akin lang you should own up for what you did. Panindigan mo kung may nagawa kang mali and you should expect for consequences. Hindi yung tinatago mo yung dapat malaman ng parents mo just to save yourself from something," litanya niya.

Ang haba ng sinabi niya ah.

"Just  to save myself? You haven't even known me for a long time. You don't know anything I've been through. Tapos nandito ka para lang sabihin sa 'kin na I'm trying to save myself from the punishment. Hindi pa ba enough yung punishment yung panloloko ng boyfriend ko?! Sa lahat na lang ba ako pa rin ang maga-adjust?" hindi ko na napigilan yung sarili ko.

Bago pa 'ko maluha sa sobrang inis hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at umalis na ako sa veranda.

Nakasalubong ko naman si Miguel sa hallway.

"Hey, Zo-," hindi na niya natapos yung sasabihin niya ng makita niya yung nakasimangot kong mukha.

"Night Migs. Bukas na lang tayo magusap ah. Masama kasi yung pakiramdam ko," pagdadahilan ko.

"O-okay,"

Sa sobrang dami ng iniisip ko, nakalimutan kong nandito pa nga pala si Migs. Babawi na lang ako sa kanya.

Palilipasin ko muna yung inis ko sa Ace na 'to bago ko siya kausapin baka kasi mapagbuntunan ko lang siya.

_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~

Add me on Facebook! Butterflywithme Wattpadn

https://www.facebook.com/butterflywithme.wattpad

Love Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon