Chapter 3

2.3K 52 24
                                    

My Destiny

(Chapter 3 – They Give Me Flowers)

Under the dark blue sky, the Cervantes Main Mansion lights up in pink and purple. Everyone who is someone is definitely present. Kung titingnan ang mga taong dumarating at ang mga taong nakikiusyoso sa labas ng high, main gate… masasabing this event rivals that of the royal wedding in U.K. It is indeed, Annie’s 21st birthday party. 

For guests to transfer from the front gate to the grand ballroom entrance, they have to ride in silver horse-drawn royal carriages, passing small bridges connecting the gardens to the main mansion. Para ngang isang fairy tale party ang mangyayari. 

“Parang theme park, o! Astig!” Hindi makapaniwala si Allen sa mga nakikita habang kasalukuyang nakasakay sa isang malaking karwahe kasama si Benj at ang mga field correspondents ng Round-the-Clock. The rookie photo journalist is in complete awe as he smiles at everything that he sees. 

“Reminder lang. Pag nasa event tayo na ganito, okay lang naman ma-amaze. Pero huwag lang yung sobrang halata, kasi in the first place, trabaho ‘to.”, biglang ngiti ni Benj kay Allen. Medyo napahiya lang si Allen at napatango na lang sa paalala. 

“Ito naman. Hayaan mo na si Allen. Tutal, birthday din naman niya ngayon. Debut pa. Let him enjoy the night. Besides, first assignment niya ‘to.”, nakangiting pagsabat ni Karen, isang female reporter.   

“Yun naman pala. 21 ka na. Hindi ka na dapat kilos teenager.”, paalala ulit ni Benj sa rookie journalist. 

“Ikaw talaga, Benj, ang nega mo.”, sabat naman ni Gretchen, isa ring news reporter. “Naku, Allen, buti na lang at poging-pogi ka ngayong gabi. O, diba, talo mo pa si Benj!”, nakangiting sabi ng female reporter habang tinitingnan ang birthday boy mula ulo hanggang paa.  

With his hair neatly styled, Allen wears a sleek suit and tie with blue long sleeves. His innocent smile adds charm to his wholesome personality. 

“Welcome to the Main Mansion!”, sigaw ng isang usher sa bawat batch ng taong bababa sa karwahe. Nang makarating na ang grupo ni Allen, nauna munang pinababa ang mga female reporters saka sila nahuling bumaba ni Benj. Konting paglalakad lang ay nakarating na rin sila sa entrance papunta sa Grand Ballroom. Isa-isa muna silang nag-sign sa malaking purple guest book at saka na pinadiretso sa engrandeng red carpet event. 

Parang showbiz awards night ang red carpet area ng party; puno ng mga press people with their cameras, recorders and notebooks. Isa-isang nagdaratingan ang mga who’s who in alta society. It’s Allen’s first time to witness a grand ball with very important people as attendees. 

“Parang gusto ko nang umalis. Seryoso. Parang di ako bagay dito.”, nag-aalangang sabi ni Allen as he fixes his tight necktie. 

“Another rule. Bilang journalist, o photo journalist, kailangan game ka sa kahit anong event. Mapa-slums o mapa-golf clubs, dapat hindi ka nahihiya. Trabaho lang!”, biglang sabi ni Benj as he signals Allen to bring out his DSLR camera. Magsisimula na ang trabaho nila. 

Sumunod na lang si Allen sa patakaran. He boldly brings out his camera and took shots of different people in the event. Unti-unti ay nawawala ang kanyang hiya, parang ang isang grupo ng mga lalaki na paparating pa lang. 

“Hay, buhay! Ang sarap talagang mag-buhay Don! Ha!”, proud na sabi ni Jaime pagkababa ng karwahe. Kasama ang kanyang mga anak na sina Evan at Cocoy, nakabihis din sila ng naaayon sa event. Ni hindi mo sila pagkakamalang mga manggagantso. Agaw eksena ang kanilang pamilya dahil kanilang kumikinang na shades.

“Ayos! Tingnan mo, Kuya, gwapong-gwapo sila sa ‘tin! We’re the man!”, mayabang na pagkasabi ni Cocoy habang feel na feel ang suot. 

“We’re the men, bobo! Tatlo tayo kaya plural!”, pagco-correct ni Evan sa kanyang kapatid. Bilang nakapag-aral at nakapagtapos naman ng kolehiyo, madali niyang natutunan ang basics at kuhang-kuha na niya ang pag-arte bilang isang mayamang binata. 

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon