PREVIOUSLY on MY DESTINY: Matapos mabuking na si Evan ay isang con artist, na kay Allen naman ang bagong eksena. Napaamin si Beatrice na si Angelo ang tunay na ama ni Allen. So, magkapatid sina Annie at Allen? But wait, there's more! May isa pang rebelasyon si Beatrice na ikagigimbal ng lahat!
My Destiny
(Chapter 13 – Their Destinies – The Series Finale – Part 2)
“Hindi talaga kayo magkapatid.”, biglang bitaw ni Beatrice. Agad na nagulantang sina Annie at Allen.
Sa pagkakataong ito, hindi na alam nina Annie at Allen kung ano ang mararamdaman; kung malilito ba sila sa bagong sinabi, o malulungkot, o matutuwa, o maiinis. Pero sa kabila ng mga halo-halong emosyon, mas nanaig ang pagtataka sa dalaga at binata.
“Pa-paano nangyari yun?”, nagtatakang sabi ni Annie.
“Oo nga po. Akala pa nga namin, kambal kami.”, hirit ni Allen, sabay tingin kay Annie.
Habang nakikita ni Beatrice ang mga mata ng mga bata, unti-unti na siyang nahihirapang magsalita. Unti-unti niyang naaalala ang isang malaking kasinungalingan ng nakaraan, kung saan isa siya sa mga kasama. Gustuhin man niyang ikuwento agad, ay mas pinangungunahan siya ng kanyang mga luha.
“Nay, sabihin mo naman sa ‘min.”, nag-aalalang sabi ni Allen. “Handa kaming makinig.”
“P…p…patawad.”, biglang hagulhol ni Beatrice. “Patawad sa inyong dalawa.”
Dahan-dahang tiningnan ni Beatrice si Annie nang diretso.
“Hindi mo tatay si Senyorito Angelo.”, nanginginig na paglalahad ni Beatrice. “Ang tatay mo ay ang dating kalaguyo ni Senyorita Emilia. Nagbunga ang pagsasama nila, at ikaw yun.”
“Papa, is it true?”, naiiyak nang sabi ni Annie sabay tingin sa kanyang ama. Si Angelo naman ay wala nang ibang nagawa kundi ang yakapin nang mahigpit ang anak.
“I’m so sorry, anak. I’m so sorry. Maski ako, kailan ko lang nalaman. I was so hurt.”, pabulong na sabi ni Angelo sa tenga ni Annie habang magkayakap pa silang dalawa.
“Pero bakit hindi sinabi ni Mama? Bakit niya hinayaan ‘to?!”, umiiyak na pagtatanong ni Annie.
“Dahil ayaw niyang masira ang pangalan ng mga Cervantes. Kapag kumalat ang balitang nagkaanak siya sa ibang lalaki, isang malaking kasiraan yun sa kanya, at lalong-lalo na kay Senyorito Angelo. Tandang-tanda ko pa kapag nag-uusap kami sa kanyang kwarto. Sa ‘kin niya unang sinabi ang sikreto. Sinabihan niya akong huwag ipaalam sa lahat. At bilang matalik niyang kaibigan, sinunod ko yun.”, litanya ni Beatrice habang may luha pa ring tumutulo mula sa kanyang mga mata.
Patuloy lang sa pag-iyak si Annie. Hindi pa rin niya matanggap na niloko sila ng sarili niyang ina. Napatingin tuloy siya kay Allen, na halatang naaawa na sa kanya. Lalong makakaramdam ng sakit si Annie. Sa ngayon ay hindi niya kailangan ng awa. Pang-unawa ang kailangan niya.
“Excuse me lang po.”, biglang sabi ni Annie sabay kalas sa pagkakayakap sa ama. Agad tumakbo ang dalaga paakyat sa kanyang kwarto.
“Annie? Annie!”, nag-aalalang sabi ni Angelo habang pinapanood ang mabilis na pag-akyat ng anak.
Muli namang mapapatingin si Allen sa kanyang inang si Beatrice. Habang basang-basa ang mata ng ina sa kaiiyak, ang binata naman ay pilit na iniiwas ang kanyang tingin.
“Sorry, nay, pero mali ang ginawa niyo. Maling-mali.”, firm na pagkasabi ni Allen na hindi naman nakakabastos. Pero agad din itong tumayo sa kinauupuan at mabilis na lumabas ng mansyon. Naiwan lang na nakatayo sa sala si Beatrice at halatang labis niyang pinagsisisihan ang mga nagawa.
BINABASA MO ANG
My Destiny
RomanceAnna Elizabeth “Annie” Cervantes may have everything – riches and a good family name. But still she is not happy because she has not yet found her true love, and her father does not believe that she can find such thing, for men will just marry her...