Chapter 6

1.8K 45 13
                                    

My Destiny

(Chapter 6 – While The Cat Is Away

“No deal!”, mabilisang sagot ni Matt. He looks at Dianne in a scary way, at hindi na makaimik ang mataray na dalaga. 

“Last offer!”, namimilit pang sabi ni Dianne. Nakapamewang na siya dahil unti-unti na siyang naiinis sa malabong pagsagot ng binata. 

“Who told you that I like Annie? And even if Evan annoys me, why would I join you?”, masungit pa ring sabi ni Matt. 

“Nobody messes with me, Matt!”, mataray na sabi ni Dianne. 

“And nobody tells me what to do! Screw you!” Hindi inaasahan ni Dianne ang sagot ni Matt. Bigla na lang siyang tinulak ng binata at nagwalk out pa, leaving her in complete dismay. Halos mawalan na nga siya ng balance sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ni Matt. 

********************** 

Sa isang private office sa loob mansyon, makikita si Angelo na nakatayo katabi ang isang malaking rolyo ng papel. Dito makikita ang lahat ng nakalistang assets ng mga Cervantes. Kasama ni Angelo ang kanyang ina na si Donya Amalia at ang kanyang unica hija na si Annie. They are discussing important things to the heiress. 

“Papa, ganyan pala kadami yung mga assets niyo?”, namamanghang sabi ni Annie as she examines the figures of each asset. Nagugulat siya sa halaga ng kanyang mamanahin. 

“Assets natin. Assets mo.”, pagco-correct ni Angelo sa kanyang anak. 

“Hija, masanay ka na sa pakiramdam na lahat ng ito… ay sa ‘yo.”, nakangiting sabi naman ni Donya Amalia as she holds her granddaughter’s chin. Kinikilig na napapangiti na lang ang heredera habang naiisip ang magagandang posibilidad. 

“Mama!” Bigla na lang pumasok si Bernadette habang nag-uusap sina Angelo. Dali-dali siyang naglakad papunta sa area kung saan kita ang listahan ng assets. Mapapatingin siya at macu-curious. 

“Hindi ka ba talaga kumakatok pag papasok?”, mataray na tanong ni Donya Amalia sa kanyang anak na babae. Biglang ismid lang natanggap ni Bernadette mula sa kanyang ina. 

“Mama, Mama, Mama! Kayo naman, laging galit? Masama yan, puro bad vibes ang pino-project niyo.”, nakangiting pagsagot ni Bernadette. Hindi na siya sinagot ni Amalia kaya nag move-on na lang siya sa gusto niyang itanong. “What’s the topic?” 

“Ang mga mamanahin ni Annie.”, agad na sagot ni Angelo as he hands the paper to his sister. 

“Taray!”, sarcastic na pagkakasabi ni Bernadette. 

“Tita, kinakabahan nga po ako eh. Alam ko, malaking responsibilidad din ang pamanahan ng ganyan karaming ari-arian.”, nakangiting sabi ni Annie. 

“Buti alam mo.”, sagot agad ni Bernadette sabay tingin ulit kay Angelo. “Bro, don’t you think na masyado pang maaga para manahin agad ni Annie ang lahat ng ito? The girl’s still young!” 

“I know what you’re saying. Mamanahin naman yan ng anak ko when she turns 24 or 25. Right now, she will undergo training sa company. She will also be immersed in our different foundations and activities.”, sagot ni Angelo. 

“Kung hihirit ka na naman tungkol sa sarili mong mana, puwes, wala kang mapapala!”, agad na pagbara ni Donya Amalia kay Bernadette. 

“Hihirit agad?! Di ba pwedeng concerned muna ako sa napakaganda kong pamangkin?”, nakangiting sabi ni Bernadette as she strokes Annie’s hair. 

“Mahirap na.”, nakairap agad na pagsagot ni Donya Amalia. 

“Stop it, Mama… Bernadette. I know what to do. Anak ko si Annie and I’m fully in-charge of the situation.”, firm na sabi ni Angelo. Tumahimik na lang ang magkabilang panig. 

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon