PREVIOUSLY on MY DESTINY: Nalaman ni Angelo na nanliligaw pala si Allen kay Annie kaya labis na nagalit si Angelo at pinutol ang services ng binata bilang exclusive photographer ng Pamilya Cervantes. Samantala, biglang nanggulat si Vanna nang aminin niyang siya si Maria Evanna Torres, ang sister twin ng totoong Mark Evan Torres. Aamin kaya si Evan na siya ay isang fraud?
My Destiny
(Chapter 12 – Surprises, Surprises)
“Totoo ba?! Tell me, Evan… or kung man ang totoo mong pangalan… totoo ba ang sinasabi ni Vanna?!” Galit na galit si Angelo habang unti-unting lumalapit sa nanginginig nang chinitong binata. Pinagpapawisan na nang todo si Evan habang nakikita niyang pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid, lalo na si Vanna na matalim ang pagkakatingin sa kanya.
“I have enough evidences, you crook!”, biglang sabat naman ni Vanna na halos isampal na ang mga papeles sa pawisang mukha ni Evan.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Evan, pati na rin ang tibok ng kanyang pulso. Pati ang kanyang paghinga ay hindi na niya mahabol. Alam niyang sa oras na ito ay wala na siyang lusot, at kung susubukan pa niyang lumusot, ay siguradong tatablahin pa rin siya ng mga taong may duda na sa kanya. Bigla lang siyang mapapatingin kay Annie, na ngayon ay tuwing titingnan niya ang heredera ay nakakaramdam na siya ng hiya at panghihiyang.
“Opo. Hindi po ako si Mark Evan Torres.”, walang prenong pag-amin ng chinitong binata habang nakayuko. Agad namang nagtinginan at nagbulungan ang mga tao sa paligid.
Isa sa mga gulat na gulat ay walang iba kundi si Annie, ang babaeng ibinigay ang kanyang buong tiwala sa lalaking kanyang unang nagustuhan nung gabi ng kanyang kaarawan… ang kanyang first love kung ang titingnan ay ang mga lalaking kasama sa hula. Unti-unting tumutulo ang luha ni Annie. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang chinitong prince charming ay isa palang con artist.
“Would you please tell us kung sino ka talaga? Kung ano ang tunay mong pangalan? At kung ano ang pakay mo sa pamilya namin?”, kinakabahang tanong ni Donya Amalia na halos himatayin sa inpormasyong narinig.
Napabuntong-hininga na lang si Evan. Alam niyang wala na siyang takas. Kumbaga sa ulan ay nabasa na siya, kaya mas mabuting maligo na lang siya at tuluyang magpabasa.
“Ako po si Marco Gonzalo. Totoo ko pong tatay si Jaime Gonzalo at kapatid si Cocoy Gonzalo.”, panimulang pagpapaliwanag ni Evan. “Con artists po kami ni Tatay. Si Cocoy, muntik na pero, sinabihan namin na tapusin na lang ang pag-aaral kesa magnakaw. Nagawa naman namin ‘to dahil ayaw naming mamatay na mahirap. Lagi kasing sinasabi ng tatay ko… hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap… pero ang kasalanan ang mamatay na mahirap.”, walang takot na pagkasabi ng binata.
Speechless ang pamilya Cervantes. Wala na silang magawa kundi ang husgahan na nang tuluyan ang binata. Lalo pang lumakas ang pag-iyak ni Annie. Pakiramdam niya ay siya na ang pinaka-gullible na tao sa mundo na madaling loko-lokohin at uto-utuin. Awang-awa si Angelo habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Kaya ayaw na ayaw niyang paligawan muna ito dahil sa mga ganitong pangyayari. Alam niyang pera lang talaga ang habol sa kanya ng mga tao.
“Bakit laging ako? Bakit?!”, humahagulhol na sabi ni Annie habang lumuluhang nakatingin kay Evan.
Lalapitan na sana ni Angelo ang anak ngunit pati siya ay nagulat nang biglang naglakad ang heredera patungo sa binata.
“Pero Annie maniwala ka… minahal kita. Mahal kita.”, pahabol pa ni Evan. Kung titingnan ang mga mata ng binata, kitang sincere naman siya sa mga sinasabi. Pero dahil sa nabunyag na kalokohan ay wala nang naniniwala sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Destiny
RomanceAnna Elizabeth “Annie” Cervantes may have everything – riches and a good family name. But still she is not happy because she has not yet found her true love, and her father does not believe that she can find such thing, for men will just marry her...