Chapter 4

1.9K 50 15
                                    

My Destiny

(Chapter 4 – Perks and Points

“Kumapit ka lang!” Mahigpit na ang pagkakahawak ni Allen kay Annie. Halos pagpawisan na ang binata habang pilit na hinihila ang heredera. Ramdam niya ang pawis na namumuo sa magkahawak nilang mga kamay. Sigaw lang nang sigaw si Annie. 

“Parang awa mo na, Allen! Huwag mo akong pababayaan!”, hysterical na sabi ni Annie na halatang nagpa-panic na. Kitang-kita tuloy ito ng mga tao na nasa baba na, inaabangan kung maililigtas nga ng binata ang heredera. For safety purposes, agad na tumawag si Angelo ng medical and rescue team para maglagay ng ligtas na mababagsakan ang dalaga sakaling mahulog nga ito. Pati ang press people at ilang media men ay nakatutok na sa pangyayari. 

“Makinig ka…”, humihingal na rin si Allen dahil sa bigat ng heredera. “Pagbilang ko ng tatlo, pagagaanin mo ang sarili mo. Please! Cooperate! Okay?”, bilang utos ng binata. 

“O…okay…” Wala nang magawa si Annie kundi ang sumunod. Nagsimula nang magbilang si Allen. 

“One… two…”, pinaghahandaan na ng binata ang kanyang next step. “Three!” 

Agad na lumakas ang hila ni Allen as he tightens his grip. Sumunod naman si Annie sa instructions at nakiayon siya sa pagkakahila. Within seconds, tuluyan na ngang nailigtas ni Allen ang dalaga, at nagpalakpakan na ang mga tao sa baba. Mas malakas pa sa palakpakan nung ipinakilala na si Annie sa publiko. 

Nailigtas man si Annie ng binata, hindi pa rin maganda ang kanilang pagkakabagsak. Bigla na lang napahiga si Annie sa semento. Mabuti na lang at hindi bumagsak ang kanyang ulo. She is lying down with Allen on top of her. Hindi sinasadya ang pangyayari. Awkward ang sitwasyon. Allen tries to move, and he sees the lady’s eyes widen as they look at each other. Hiyang-hiya naman ang binata kaya hindi niya napigilang mag-blush sa harap ng heredera. Kitang-kita ni Annie how the boy’s cute face turns to red habang nasa ibabaw niya ito. 

“Thank you for saving my life.”, mahinang sabi ni Annie as she shows her gratitude. 

“Annie!” Isang malaking boses ang biglang gumulat sa kanila. 

“Papa?!”, gulat na sabi ni Annie. Kitang-kita niya ang kanyang ama na nakatayo sa may balcony entrance, kasama ang step-cousin na si Matt. Bigla na naman siyang nagpalpitate. Mula sa pagkakahiga ay agad na tumayo ang dalawa. Sa pagka-clumsy ni Allen ay muntikan pa nga siyang madapa ulit. Pinilit nilang magpaka-casual dahil nahuli na nga sila ni Angelo sa ganoong posisyon. 

********************** 

Tuloy ang selebrasyon sa garden, habang fresh pa rin sa isipan ng mga tao ang pagkakaligtas kay Annie. Para sa karamihan, isa itong momentous event na dapat ipagdiwang. Ngunit hindi lahat ay masaya. Isa na dito si Evan. He frowns upon seeing that another guy saved Annie. He should have been the guy who saved her.   

“Takte naman, o! Yun na yun eh! Kayang-kaya ko naman yung ginawa nung totoy na yun. Baka nga mas mabilis ko pang nailigtas si Annie!”, nagrereklamong sabi ni Evan habang napapakamot sa ulo. 

“Asus! Inggit ka lang, kuya!”, pagsabat naman ng kapatid niyang si Cocoy. “Kung ikaw yun, baka isang oras mo pa siya mahihila. Siyempre, uunahin mo muna ang pagpapa-cute at pagpapa-picture sa press!”, natatawang pahabol ng teenager. 

“Huwag mo ngang ipasa sa ‘kin ang gawain mo.”, naaasar na sabi ni Evan habang palakad-lakad sa garden. Buwisit na buwisit siya sa nasayang na pagkakataon. 

Habang paikot-ikot lang si Evan trying to think of ways para makuha ulit ang atensyon ni Annie, hindi niya alam na kanina pa siyang tinitingnan ni Dianne. Tuwang-tuwa ang mataray na dalaga habang pinapanood ang bawat kilos ng binata. 

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon