A Peasant's Debt

193 2 0
                                    

A Peasant's Debt
-Prologue-

September 13th

Friday

6:53 pm

Dear Diary:

Alam mo namang hindi ako naniniwala sa Friday the 13th 'di ba? Pero parang minalas-malas naman ako ngayong araw na ito. Nakakaimbyerna lang... Eh 'di ba malas na nga ako dagdagan mo pa ng Friday the 13? Edi na triple lang ang naranasan ng lola mo. (—.—*)

Nagumpisa kasi iyon noong umagahan pa lang namin. Ang sarap ng kain ko ng pandesal, noong tiningnan ko yung wall clock namin 6:40 pa lang eh 8:00 pa ng umaga magsisimula yung klase ko. Akala ko may isang oras pa ako...

Bumaba si mama saka sinabing late yung relos ng halos one hour. Nagulat ako tapos nagmadali akong kunin yung bag ko sa taas saka umalis. Kaya ba ng ten minutes yung pagpunta doon sa sakayan ng jeep tapos byahe pa? Paano kung may traffic?

Common sense na lang yung sagot...  Syempre hindi 'no! Alam mo na siguro ang ending?

Ha. Syempre na late ako.

Kamusta naman 'yon? May extra assignment pa tuloy ako sa Trigonometry... Ayaw ko pa naman ng subject na Math. (~>_<~) Ha pero ayos lang dahil hindi nakuha ng Guidance Councilor yung I.D. ko. (Umabot naman kasi ako sa time limit ng school gate) (=^.^=)

Mag iiskip na lang ako ng isusulat dito dahil sa sobrang dami ng naranasan ko ay makabuo pa ako ng nobela sa isang diary entry ko... Haha at anong title? Friday the 13th? Haha tapos sabay publish sa Wattpad... ('Yon oh!) Nga lang hindi ako ganoon kasipag para tapusin 'yon. (xD)

Balik sa topic. Edi pag-uwi ko didiretso sana ako sa computer namin pagkatapos ko magbihis para magawa na yung ibang assignment ko (ihuhuli ko na yung sa trigo.) eh kaso naroon yung dalawang kumag, naglalaro. (sila nga pala yung dalawa kong kapatid na kambal.)

Sinabi ko may gagawin ako, tatapusin lang daw nila 'yon. Tiningnan ko kung ano yung pinagkakaabalahan nila... Akala ko League of Legends hindi naman pala. Tinanong ko kung ilang minutes pa sila, 'di raw nila alam...  Aba! Eh kung kinutusan ko na kaya sila kanina?! Habang sinusulat ko ito ngayon hindi pa rin tapos yung dalawa. Nakakainis lang... <(_ _)> Eh tambak kaya yung gagawin ko, isusulat ko pa 'yon sa notebook. Hindi kasi ako nagpapaprint. Sipag ko magsulat 'no? Ahaha joke (xP)

Anong oras kaya sila matatapos? Bakit kasi ngayon pa sila nagtagal ng ganoon sa harap ng computer eh?! Marami kaya akong gagawin! Hay...

Teka. May napansin ako. Bagong download yata yung nilalaro nung mga kumag. Ngayon ko palang nakitang laruin nila 'yon eh. Ha. Kaya pala ang tagal nila roon eh. Anak naman ng pusa oh. Tsk, tsk. Malas...

Sige hanggang dito na lang Diary. Mapipilitan akong unahin yung assignment sa trigo. (Kainis.) Aantayin ko pa sila matapos...  (=_=*)

~Everything happens for a reason.

-Arisa dG.

***

Author's Note: Hello! First story ko po ito. Sana'y magustuhan ninyo.  Kung may gusto kayong sabihin ay icomment nyo o mag message kayo. (Hindi naman ako snobber eh.)

*Pasasalamatan ko nga pala ang kaklase ko na nagpush sakin para mag-publish. Thank you! Kaya sa iyo ito nakadedicate eh (^3^)

Thank you din sa mga indibidwal na naglaan ng oras para basahin ito. Salamat po sa inyo ng marami!

Abangan ang susunod na kabanata~

-E.M.

***

Disclaimer: I do not own the picture used for the cover of this book. It belongs to its respective owner.

A Peasant's DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon