List III: Plain Solutions

63 2 3
                                    

A Peasant's Debt

-Chapter III-
Plain Solutions

Sunod sunod ang naging tunog ng mga nahuhulog na barya sa lamesa.

*Clink, clink, clink, ching!*

Itinaktak ni Arisa ang hugis pusa niyang alkansya hanggang sa lumabas ang pinakahuling sentimo ng kaniyang ipon. Umupo siya at sinimulang bilangin ang mga barya at ilang papel na pera na ngayon ay nakakalat sa dati niyang study table.

Ang mga mahina niyang bulong ng pagbibilang ay biglang natabunan ng ingay mula sa bayolenteng pagbukas ng pinto.

"Ateeeeeee~!!!"

Alam agad ni Arisa kung kaninong boses iyon galing kahit 'di niya tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto.

Agad niyang dinakma ang alkansiya niyang walang laman at inihagis iyon sa taong tumawag sa kaniya.

... Iyon nga lang hindi siya nasapul ni Arisa.

"Ahaha! Duling!"

"PASALAMATKADIKATINAMAAN!!!"

Ang unang sabi niya kay Carlo na nasa loob na ng kwarto niya. Hawak nito ang alkansiya sa kabilang kamay habang tumatawa ng mahina.

"Uso kasing kumatok 'di ba?!!"

Isa pa niyang galit na sigaw bago huminto sa pagtawa ang kapatid. Tinitigan siya ni Arisa ng masama.

"Sorry naman po, nakalimutan lang."

Sabi ni Carlo habang ipinasa sa kapatid ang ibinato nitong alkansya. Nasalo naman ito ni Arisa at nagdadabog niya itong ibinalik sa taas ng drawer niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Iritadong tanong ng nakakatandang kapatid. Nanatili sa harap ng drawer si Arisa at hindi nilingon ang kapatid. Kahit papaano ay nagalit siya sa magkambal dahil sa seryosong problema na dinala nila. Well sino bang hindi magagalit?

"May nakita kasi kami ni Erriol na five hundred sa ilalim ng kama tapos tig one hundred sa loob ng drawer namin. Bale one thousand ang thirty pesos 'yong pera kapag isinama namin 'yong ipon namin!"

Arisa rolled her eyes. Sarkastiko siyang sumagot.

"Oh. Tapos? Iyon lang pinunta mo rito?"

"Ate naman. 'Di makukumpleto 'yong two hundred thousand kung wala 'yong one thousand and thirty pesos namin."

May punto siya kaya naman bumuntong hininga si Arisa at humarap sa study table niya. Isa-isa niyang ipinasok sa isang pouch ang mga barya at perang naipon niya. Ibinuhol niya ang dalawang manipis na lubid upang maisara ang pouch pagkatapos. Hinarap niya si Carlo at inihagis ito. Nasalo naman ito ni Carlo at nagulat nang malaman na medyo mabigat ang ibinigay ng ate niya.

"Siguro mga three thousand rin yang naipon ko. Idagdag niyo na lang yan sa pang bayad."

Tumango si Carlo at ngumiti. Lalabas na sana siya ng silid ngunit ay may sinabi pa si Arisa.

"Utang na loob. Sana naman tulungan niyo ako sa paghahanap ng pangbayad..."

Tumawa ang nakakabatang kapatid at ngumisi.

"Don't worry Ate. Tutulong kami ni Erriol. Thank you sa lahat ng tulong."

Hinawakan ni Arisa ang doorknob.

"Ha sige. Siguraduhin mo 'yan ah."

At pagkatapos noon ay isinarado na niya ang pinto. Umupo ulit siya sa may study table at nag-isip.

A Peasant's DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon