A Peasant's Debt
-Chapter IV-
Possible Answer?"...may kapalit ito."
Napalunok si Arisa sa kaba. Iniisip niya ang magiging kapalit ng perang nasa palad niya. Kung hindi ito maganda ay kusa niyang bibitawan ito. Buo na ang desisyon ni Arisa.
"Wala pa naman akong sinasabi na tinanggap ko na ang pera ah."
Masungit niyang sagot. Nanatili ang pera na nakalagay sa kamay niya habang nasa ibabaw nito ang palad ni Dan. Tinitigan siya ni Arisa na may seryosong ekspresyon sa mukha. Nginitian lang siya ni Dan.
'Iyong totoo?!! Kanina ka pa ngiti ng ngiti ah! Seryoso kaya ako!!!'
Pinipigilan lang ni Arisa ang kamay niya at baka makasapak siya ng mukha. Sa imbes nagngi-ngitngit na lang siya sa isipan niya.
"Wala ka rin namang sinasabi na tinatanggihan mo ito eh..."
Sagot ni Dan. Natigilan si Arisa at na realize niyang tama ang binata. Bumuntong hininga siya.
"Depende kung ano 'yong magiging kapalit na sinasabi mo."
"Well..."
Pagsisimula ni Dan. Patuloy lang siyang tinitigan ni Arisa. Magsasalita na sana ang binata kaso ang ingay mula sa mga yabag ng paa na papalapit sa kanila ang umistorbo sa kanya. Napalingon si Arisa sa kaliwa, may isang porma ang kumikilos sa hagdan.
"Daaaaaaaaaaaan!!!!!!!!"
May narinig siyang sigaw. At pagkatapos mabilis nangyari ang lahat. May nakita siyang blur ng itim, puti at pula. Ang sumunod na lang na nalaman niya ay si Eren na ang nasa harap niya at nasa kabilang direksyon na ng hallway ang kaninang kausap niya lamang na si Dan. Mukhang na flying kick ng wala sa oras ang kawawang binata.
"E-Eren?!! Anong ginagawa mo dito?"
Gulat na tanong ni Arisa. Sa imbes na sagutin siya ni Eren ay pinulot niya sa lapag ang clear folder, hinawakan ang kamay ni Arisa at sinigawan si Dan na nakadapa sa sahig.
"Kapag may ginawa kang masama kay Arisa tandaan mong hindi lang 'yan ang matatanggap mo!"
Hinila siya ni Eren at tumakbo na silang palayo.
Mahinang tumawa si Dan habang sinusubukang tumayo.
"Grabe naman 'tong si Serenity masyadong overprotective at kill joy."
~~~
Huminto ang dalawa matapos silang makapasok ng classroom. Hinihingal si Arisang umupo sa desk niya. Habang pumunta si Eren sa teacher's desk at doon mismo sa table umupo.
"Oh anong nangyari sa inyong dalawa?"
Tanong ni Fay habang binubura ang blackboard.
"Tumakbo kami. Buti na lang naabutan ko yung mokong na yun!"
Sabi ni Eren habang nagpapahid ng pawis.
"Eren ano ka ba? Kahit naman ganoon si Dan tao pa rin siya 'no. Masakit kaya 'yong ginawa mo, mabigat ka kaya manakit."
Sinubukang siyang pagsabihan ni Arisa ngunit nag kibit-balikat ito. Sa kanilang apat si Eren lang ang pinaka bayolente samantalang si Fay naman ang hindi gaanong nananakit.
"Bakit pinatay ba ni Eren si Dan?"
Nagbibirong tanong Lian habang inaayos ang bag niya. Tumawa si Eren ng bahagya at sinagot ang tanong niya.
"Actually mabait pa ako ngayon eh. Flying kick lang ang inabot niya sa akin~"
Bumuntong hiniga lang si Arisa sa upuan niya. Kahit naman ganoon ang mga kaibigan niya ay at least nariyan sila para sa kaniya at dahil doon ay nagpapasalamat siya.

BINABASA MO ANG
A Peasant's Debt
Teen Fiction"One debt plus tons of misfortunes equals a crazy change in life." Ako si Arisa De Guzman, isang normal na high-school student, ay naipit sa isang napakalaking utang. That alone is too much to handle (At ako'y nagkandaugaga sa paghahanap ng pangbaya...