List II.V: Troublesome Start

67 1 0
                                        

A Peasant's Debt

-Extra Chapter II.V- 
Troublesome Start 

Buong maghapon nang nasa harapan ng computer si Carlo nag lalaro ng League of Legends. Ang pagkakataong umalis lang siya sa harap nito ay para kumain ng tanghalian at magbanyo. Palibhasa wala siyang kaagaw kaya sinusulit ang oras sa computer. Si Erriol na kahati niya rito ay umalis ng bahay dahil may praktis ang banda ng eskwelahan nila na kinabibilangan niya.

Humikab si Carlo at nag unat ng katawan. Tumingin siya sa orasan at nagulat siya nang nalaman niyang hapon na pala.

"Akala ko tanghali pa lang..."

Bulong niya sa sarili habang naglipat ng tab sa computer. Habang busy siya sa facebook account niya ay saktong bumukas ang pinto at pumasok si Erriol.

"Oi kuya ako naman!"

Tawag ni Erriol sa nakakatandang kapatid ngunit di siya nito pinansin. Nilapitan siya ni Erriol at kinilabit ang balikat niya.

"Oi kuya kanina ka pa dyan eh! Ako naman!"

Nagkibit balikat si Carlo at nag iba ulit ng tab, bumalik na siya roon sa nilalaro niya. Inilapag ni Erriol ang dala niyang bag at naglabas ng isang supot na may hopiang laman. Ipinakita niya ito sa kapatid niya.

"Di kita bibigyan ng meryenda sige ka."

Pananakot ni Erriol. Kinagat naman ni Carlo ang pain ng nakababatang kapatid. Inabit niya ang pgkain kaso inilayo ito ni Erriol.

"Palaruin mo muna ako."

"Ayaw ko nga."

Ang marahas na sagot ni Carlo at lalong inilayo ni Erriol ang meryenda nilang dalawa.

"Hindi kita bibigyan kapag gayan!"

Pagpipilit ni Erriol. Tumayo si Carlo at sinubukang agawin ang supot ngunit hinila itong pabalik ni Erriol. At ayon nag agawan na sila sa meryendang bigay ng nanay nila.

"Natalo kami kanina eh! May isang laro pa ako!"

"Wala akong paki! Kaninang umaga ka pa diyan eh! Paawat ka naman!!"

"Ayokooooo!!!"

Sigaw ng nakakatandang kapatid habng hinila ng buong lakas ang plastik na may laman na pagkain. Ngunit hindi naman ito binitawan ni Erriol. Hindi sinasadyang nagalaw ang table kung saan nakapatong ang keyboard at ang mouse. Biglang may lumitaw na random advertisement sa screen.

"Hala! Anong ginawa mo?!"

Gulat na tanong ni Carlo. Binasa ni Erriol ang nasa screen at napabayaan ang meryenda sa kaniyang kapatid.

"Huh? Leviathan Rune Online...? Kuya parang ang astig! Tara idownload natin!"

Habang ngumunguya si Carlo ng hopia ay binasa niya ang nakasulat sa screen at tumango na lang siya.

"Mhmmm sige lang."

Pagkatapos maidownload ay sunod naman silang nag register ng account para makapag laro na sila.

"Teka... wala akong email add.!"

Saad ni Carlo at sumangayon naman si Erriol.

"Ako rin eh... 'di ko na maalala yung sakin..."

"Hmmm..."

Napaisip silang dalawa.

"Ano kaya kung 'yong kay ate na lang? Alam ko rin password niya."

Tanong ni Carlo. Tiningnan siya ni Erriol na may malaking nigti.

"Oo nga no!"

At ayon itinype nilang dalawa ang email add. ng ate nila.

~~~

Isang malakas na batok ang natanggap ng dalawang ulo sa harap ni Arisa.

"So 'yon pala yung pinagkakaabalahan niyo nung Friday?!!"

'Di nakasagot ang magkakambal dahil iniintindi nila ang sakit ng ulo nila. Ang katahimikan nila ay ginawang tiyansa ni Arisa para ipagpatuloy ang pag sigaw.

"Ginamit niyo pa ang E-mail ko ng hindi nagpapaalam!! Pangalan ko tuloy ang nakalagay doon sa utang natin!!!"

Magsasalita sana si Erriol kaso non-stop ang Ate niya kaya 'di na siya nakasingit.

"Sino ba kasi ang nagsabing magdownload kayo no'n ha?!! Alam niyo ba kung anong nangyari?!! Saan kayo ngayon kukuha ng pambayad doon?!! EH KUNG KAYO KAYA ANG IBENTA KO SA 5/6 PARA MAGKAROON AKO NG PERA, ANO!!?"

Huminto si Arisa sa pagsasalita kasi kailangan niyang huminga. Hinihingal niyang tinitigan ng masama ang dalawa. 'Yong tipong titig na nakamamatay.

"S—si Kuya nagsabing Idownload ko 'yon!"

Paninisi ni Erriol. Kinilabutan si Carlo sa tingin ng Ate niya kaya ibinalik niya ang sisi sa isa.

"Eh ikaw naman nagsabing gamitin natin yung account ni Ate!!!"

"Hala! Wag kang maniwala diyan At—"

Bago pa matapos ni Erriol ang sasabihin ay isang batok na naman ang nasalo ng ulo niya... ganoon din ang nangyari sa ulo ng kambal niya.

"Magsisisihan pa kayo!!! Parehas lang naman kayong may kasalanan eh!!!"

"Araayyyy!"

Tinigilan ni Arisa ang pagsasalita at sinulyapan ang nanahimik nilang nanay doon sa may gilid. Nakakunot ang noo niya at parang nag-iisip ng malalim.

"Ma..."

"Uh... Ano 'yon?"

Mula sa kawalan ay nabaling kay Arisa ang tingin ni Mrs. De Guzman.

"Umm... Paano gagawin natin 'doon sa utang...?"

Bumuntong hininga ang nanay nila bago nagbigay ng sagot.

"Pabayaan mo na 'yon..."

Nagulat si Arisa sa sinabi ng ina niya. Pabayaan...? 'Yong ganoon kalaking utang pababayaan?!

"...Pabayaan?!"

Pag-uulit niya sa sinabi ng nanay. Tinitigan niya ito na parang nag-uwi ito ng isang malaking leon na galing sa Manila Zoo.

"Oo. Pabayaan. Hindi naman ikaw ang nagkautang eh. 'yong mga kapatid mo. Wala kang kinalaman diyan."

Itinaas ni Arisa ang dalawang kamay at iwinasiwas iyon sa ere para magbigay kahulugan sa mga sinasabi niya.

"'Yon na nga eh! Dinamay ng dalawang mokong yung pangalan ko sa pinag gagawa nila!!! Damay na rin ako sa utang nila!!!"

Tumawa ng mahina ang nanay nila. Tinitigan siya ni Arisa. Anong nakakatawa sa sinabi niya? Seryoso kaya siya. Ang problema nila ay mas seryoso.

"Wala na akong magagawa doon... Problemahin niyo kung paano kayo magbabayad."

Noong sinabi niya na 'kayo' ibig sabihin sina Arisa, Carlo at Erriol ang bahala sa buhay nila. Walang intensiyong mamroblema Mrs. De Guzman sa problemang ginawa ng tatlong anak niya.

"Ma naman!!!"

Sabay na tili ng tatlo.

Tumayo ang nanay nila at bago ito lumabas ng bahay ay nagiwan siya ng isang pangungusap.

"Kayo ang pumasok sa problema na iyan kaya dapat alam niyo rin kung paano lumabas..."

Nang maiwan sa loob ang tatlong bata ay biglang sumigaw si Arisa. Lahat ng pagkainis niya ay ibinuhos niya roon.

"BUBUGBUGIN KO KAYONG DALAWA!!! KAYO ANG MAY KASALANAN NITO EH!! HUMANDA KAYOOOOOO!!!!!"

At sa kadahilanang ayaw pang mamatay nila Carlo at Erriol nang maaga eh... kumaripas sila ng takbo.

~End of Chapter~

***

Author's Note: Mwehehehe napag isip isip kong gawin itong extra chapter~ may nangyari kase eh -.-

Sorry po sa mga typo.

Well anyways sana po basahin niyo pa rin ito~

-E.M.

A Peasant's DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon