A Peasant's Debt
-Chapter I-
Juliet In DistressHalos 7:56 na at malapit nang isara ng mga guards ang main gate ng St. Vernice High-school. Ang school ay mahigpit sa rules and regulations nila at isa sa mga ito ay walang papasok ng late. Lahat ng late ay kakausapin muna ng Guidance Counsilor bago papasukin sa loob, bonus na rin pala sa kanila ang pagkuha ni Ms. Counsilor sa kanya-kanyang I.D. nila. Makukuha na lang nila ulit iyon kapag pumasok sila ng maaga for four days.
Kaya ngayong araw na ito, Lunes ng umaga, ay maraming estudyante ang nagkukumahog makapasok ng maaga. Ayaw kasi nilang makaharap yung mas masungit pa kaysa sa bagyong signal number eight na Guidance Counsilor. May mga nakapagkwento kasi na matotrauma ka raw kapag sinermonan ka ng Counsilor na iyon, yung tipong hinihiling mo na sana nanay mo na lang ang naninermon sa iyo at hindi si Ms. Sungit. Dahil sa ugali nyang ito ay binansagan sya ng mga estudyanteng Super Typoon, for short Ms. ST.
Si Ms. ST ay naglalakad ngayon sa grounds at palihim na pinagtitinginan ng mga estudyante. Tuwing lilingon si ST ay lilingon din sila pabalik. Takot na mahuli at baka makunan pa ng I.D. na may libreng sermon. Pero hindi nila mapigilan tingnan si ST dahil twice in four months lang yata siya lumabas sa kanyang lungga (office) kaya curious ang mga tao sa kaniya... Paano ba naman matangkad, medyo morena at may magandang pangangatawan si ST kahit papaano.
Kung mapapansin, mas tahimik ngayon sa buong school grounds (yung mas tahimik pa kaysa sa normal) na kahit isang kalansing ng barya ay dinig na dinig. Ang mga estudyanteng nakikita si ST na daraan malapit sa kinaroroonan nila ay aalis para lamang makaiwas sa kaniya.
Si ST na ang tunay na pangalan ay Yulanda Ersejo ay napapansin ang paglayong ito ng mga estudyante sa kanya... at good news: wala siyang pake tungkol dito. Tuwing nakikita niya ang namumutlang mukha ng bawat bata ay napapangiti siya sa sarili niya.
"It's better to be feared than to be loved ang sabi nga ni Machiavelli... "
Ang mahina niyang bulong bago niya marating ang main gate. Ang mga guards nakatoka sa pagbabantay dito ay madaling napansin si Ms. ST at bumati ng good morning. Sa totoo lang, kahit sila takot din sa kaniya. Bumati rin si ST sa kanila ng hindi ngumingiti at saka siya nag utos.
"Alas otso na. Lahat ng magsisimulang pumasok mula ngayon ay lat—"
Hindi niya natapos ang sinasabi dahil may taong pumasok sa gate at bumangga sa kaniya. Muntikan na siya bumagsak dahil sa lakas ng impact sa kaniya at dahil din naka high heels siya pero buti na lang ay hindi siya natuluyan.
"—!"
"Ah!"
Pagtingin ni ST sa harap niya ay nakita nya ang isang babaeng estudyante na may mahabang buhok na may pagkamagulo. Napaghinuha niyang fourth year ito dahil sa kulay pulang necktie na suot niya. (May color coding kasi ang bawat year level) Ang nasabing babae ay nagulat pagkakita kay Ms. ST dahil bigla biglang namuti ang mukha nito.
"Sorry ho ma'am! Hindi ko po sinasadya!"
Humingi ang babae ng patawad at ang ibang estudyanteng nakakakita sa kanila ay iniisip na napakamalas ng senior na iyon.
"Anong pangalan at section mo?"
Straight to the point na tanong ni ST. Ang kawawang estudyante ay halatang pinipigilan ang sarili sa panginginig. Paano... ito na kasi ang magiging simula ng mga kalbalryo niya.
"A—Arisa de Gu—uzman p—po... F—four three... "
"Ganoon ba?"
Ang malamig na boses ni ST ay nagtulak sa babaeng nagngangalang Arisa na titigan ng maigi ang sapatos niya, takot magkaroon ng eye contact kay ST. Ang alam niya kasi ay manenermon na ito at sisimulan nang kuhanin ang I.D. niya...
BINABASA MO ANG
A Peasant's Debt
Teen Fiction"One debt plus tons of misfortunes equals a crazy change in life." Ako si Arisa De Guzman, isang normal na high-school student, ay naipit sa isang napakalaking utang. That alone is too much to handle (At ako'y nagkandaugaga sa paghahanap ng pangbaya...