A Peasant's Debt
-Chapter II-
Written MisfortuneSa pasilyo ng St. Vernice High-school, second floor sa East block, ay tahimik na nagkaklase ang bawat section. Ang katahimikang ito sa loob ng pasilyo ay nasira nang may mga mahihinang yabang ng paa ang magsimulang marinig. Sa malayong bahagi ng pasilyo, kung saan nandoon ang hagdanan, ay makikita ang isang porma na tumatakbo paakyat.
"Hah...Hah... Ano ba ito."
Ang nasabing porma ay pag-aari ng isang babae na sandaling tumigil sa pagtakbo at sumandal sa konkretong pader. Hinihingal niyang hinawi ang mga pawis na namumuo sa kanyang noo gamit ang kanyang panyo.
"Hindi ko akalaing niloko lang ako ng tatlong mokong na iyon ah..."
Kinagat niya ang kanyang labi at kinunot ang noo sa mga ala-alang bumalik sa isipan niya na nangyari kaninang umaga lang.
"...Kakausapin daw si Mrs. Cruz tungkol sa attendance mo sa klase niya..."
"...Nag iwan nga pala si sir ng seat work... May penalty yan kapag hindi mo natapos..."
Napilitan ang babae na hawakan ng mahigpit ang panyo sa pagkainis.
"Penalty your face... Mga loko-loko talaga kayo!"
Sambit niya sa sarili niya na parang kausap at kaharap niya talaga ang mga taong sinasabihan niya noon. Napabuntong hininga lamang siya ng malakas nang marealize niya na siya lamang ang mag-isa sa pasilyong napaka tahimik. Itiningala niya ang ulo at nagpatuloy na sa pag-akyat sa hagdan...
Nang biglang may narinig siya na tuluyang pumunit sa nakabalot na katahimikan ng paligid.
*Krrrrrriiinnnnngggggg!*
Bigla-bigla ay napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa taas. Kumurap ng mabilis ang kanyang mata sa pagtataka.
"Huh? Bell na agad? Ang bilis naman..."
Kinuyom ng babae ang kanyang palad at may naramdaman siyang papel doon na kanina pa pala niya hawak. Ngayon lamang ulit niya napansin na hawak niya ito. Mula sa pagtataka sa oras ay nabaling niya ang atensyon sa papel. Nang makita niya ang nilalaman nito ay nanlaki ang mga mata niya.
"May seat work pa pala!"
Nagmamadali siyang tumakbo paakyat ng hagdanan at tinungo ang silid niya habang nawala na ang ingay ng school bell at mapalitan ng mga boses ng mg estudyanteng lumalabas ng kani-kanilang silid aralan.
"Nakakainis naman!"
Ang huli niyang sigaw bago pa malunod ang kanyang boses sa ingay ng ibang mga estudyante sa may pasilyo at hagdan.
~~~
"Arisa, sorry na."
"..."
"Hoy, sorry."
"..."
"Sorry talaga, 'di naman namin sinasadya eh."
"..."
Sina Eren, Fay at Lian ay nakaikot sa isang desk kung saan nandoon ang babae kanina sa may pasilyo. Ang babae ay naka-upo, patuloy sa pagsusulat at hindi sumasagot sa mga sinasabi nila. Nagkatinginan ulit silang tatlo.
Kanina lamang, pagkatapos ng bell ay bumalik si Arisa sa classroom ng pawisan at hinihingal. Pagkapasok niya ay dumiretso siya sa upuan niya. Umupo siya roon at nagsimulang sagutan ang seat work. Pagkatapos ng labing limang minuto ay nilapitan na siya ng tatlo na puro 'sorry' dito at 'sorry' doon.

BINABASA MO ANG
A Peasant's Debt
Teen Fiction"One debt plus tons of misfortunes equals a crazy change in life." Ako si Arisa De Guzman, isang normal na high-school student, ay naipit sa isang napakalaking utang. That alone is too much to handle (At ako'y nagkandaugaga sa paghahanap ng pangbaya...