A Peasant's Debt
-Chapter V-
Crossing PathsMahigpit niyang hinawakan ang kutsilyo at hiniwa ang isda na nasa harap niya. Ibinaliktad niya ito at hinawa rin ang kabilang bahagi ng isda. Nagbudbod siya ng asin dito kaso di sinasadyang natinik siya ng palikpik nito.
"Tss..."
Inis na bulong niya. Tiningnan niya ang dalawang daliri na natusok. Nagdudugo ito ngunit wala namang salubsob. Agad naman niyang hinugasan ang kamay. Habang ginagawa niya ito ay napalingon siya sa orasan sa may dingding.
"Kanina pa uwian ng ate niyo ah... Nasaan na kaya 'yon?"
Tanong niya sa kawalan. Ang Dalawang anak ni Celtia na nasa sala ay nadinig ang tanong niya.
"Uuwi din yun ma..."
Sabi ni Carlo habang nakaharap sa computer. Bumuntong hininga naman si Mrs. De Guzman at ipinagpatuloy ang pagluluto.
~~~
Arisa's POV
Bakit sa lahat ng tao ako pa 'yong matsetsempuhan ng aso na 'to!!!!
Kalahating galit at natatakot ako ngayon na tumatakbo mailigtas lang ang sarili ko mula sa isang kagat at rabies.
Naririnig ko 'yong tahol niya mula sa likod and of course... I never dared to look back. Baka madapa pa ako at naku iyon na ang katapusan ko. Sayang rin ang effort ko sa pag takbo may nakuha pa akong sugat at sakit. Oh 'di ba? Daig pa 'yong nanalo sa lotto.
Nanalo sa lotto ng kamalasan...
Hay naman.
Nang makalabas ako sa eskinita ay lumiko ako sa may kanto at umakyat sa may sementadong hagdan na hindi ko alam kung saan papunta. At anak nga naman talaga ng pating 'yong aso na iyon! Nakabuntot pa rin sa akin ng bonggang bongga!
Ano ba?!!
Buti na lamang ay high ako sa adrenaline rush ko. Nagawa ko pang marating 'yong tuktok ng may kataasang hagdanan na isang abandonadong park.
Nababakuran ito ng semento ngunit may iba't ibang gasgas at tapyas sa gilid. Pero kahit papaano ay buo pa ito. Sa bandang dulo ay may nakita akong makalawang na gate.
Dali dali akong pumunta roon at syempre nakasunod pa rin ang asong walang humpay sa pagtahol. Kapag nagawa kong makapasok at maisara 'yong gate mapipigilan ko 'yong aso na iyon sa pag habol sa akin.
Paghakbang ko palagpas sa gate ay agad ko itong hinawakan. Handa ko na ito i-swing pasara kaso naabutan ako ng aso at nakagat ang dulo ng bag ko. Swerte namang natapilok ako dahil hinila ako pabalik ng aso.
Ay naku naman talaga! Sa lahat ng araw bakit ngayon pa talaga ako ja-jackpotin ng kamalasan oh!!!
Asdfhkladajhk—!!!!!!!!
At ayon 'di ko napigilang mag mental rage quit ng wala sa oras...
~~~
"Apo! Nakita mo ba si Tim?"
Tanong ng isang matandang babae habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga makakapal na sketchbook sa bookshelf. Magsasara na kasi sila ng tindahan kaya nagliligpit na siya.
"Hindi po. Gusto niyo po ba hanapin ko siya?"
Sagot naman ng tinig mula sa kabilang kwarto habang may maririnig na mahinang yabag ng paa.
"Hindi bale na. Lalabas rin naman ako."
Pumasok sa loob ang kaniyang apo ng may mga dalang kahon na naglalaman ng mga bagong stock ng bondpapers.

BINABASA MO ANG
A Peasant's Debt
Ficção Adolescente"One debt plus tons of misfortunes equals a crazy change in life." Ako si Arisa De Guzman, isang normal na high-school student, ay naipit sa isang napakalaking utang. That alone is too much to handle (At ako'y nagkandaugaga sa paghahanap ng pangbaya...