Chapter 11

15.7K 240 42
                                    

I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (MITCHELL SANDERS)

 

Chapter 11

Unang araw na magkasama silang maghapon dahil sa bakasyong ibinigay kay Sydney ay pinagsilbihan niya ito. He cooked for her, marunong naman siyang magluto, nasanay na siyang mag isa, at dahil ayaw niya sa lugar na maraming tao, lagi lang siyang nasa bahay at siya na mismo ang nag luluto at nag aasikaso para sa sarili niya.

He likes doing it for her, making her feel like a queen, because she is his queen, natutuwa siya dahil natutuwa at naappreciate nito ang effort na ginagawa niya para dito, palagi siyang may premyong kiss sa pisngi at sa labi niya, bukod pa don ang mga jackpot prizes kaya hindi siya mapapagod mag effort para dito.

Naniniwala din siyang ang pag – e-effort ay isang paraan para mapatunayan sa taong mahal mo at pagmamahal mo para sa kanya ay totoo at matibay, nabasa niya lang iyon sa kung saan at may palagay siyang totoo iyon kaya susubukan niya, narinig niya rin yong kay Jefferson dati. Sinabi rin sa kanya ng tatay niya dati na para mapatunayan ang pagmamahal mo para sa isang tao ay hindi sapat ang puro salita lang, dapat ay may gawa.

Ito ang unang beses na naging ganito siya, ito ang unang pagkakataon na nagmahal siya, kahit hindi pa niya nasusubukan o alam ang talagang dapat gawin, kahit na nangangapa siya, he don’t want to fuck this up.

-

Three days with her, he spent most of the time with her, tutal nasa bahay lang naman ito dahil pinayagan naman itong magbakasyon ng ilang araw, napili nilang dun nalang sila sa New York at magkulong sa loob ng bahay. Naisip niyang mas maganda kasi kung manatili nalang sila don dahil walang manggugulo sa kanilang dalawa don, isa pa ay talaga solong – solo niya ang atensyon nito, higit sa lahat, they can have sexy time whenever they want.

Unfortunately those three days were gone, but it does not matter, there’ll be more days like that in the future, for now trabaho muna, he’s on his way to their Technological Centre, may ginawang adjustments sa sasakyan, paghahanda para sa nalalapit na Indian Grand Prix.

Makahulugang ngiti ang sumalubong sa kanya mula sa team mate niyang si Matt, alam kasi nito na hindi siya umuwi ng Pilipinas at sumama siya kay Sydney.

“So how’s your weekend?” tanong nito sa kanya.

“Fun” ngumiti siya dito.

“Yeah, fun, anyway, let’s get inside, they are waiting for us already” Nauna na itong maglakad sa kanya.

“The Buddh International Circuit has similar characteristics to the Mokpo International Circuit in Korea” simula ng Head of Track Engineering nila. Ang buong team nila ay nasa loob ng conference room, everybody is listening attentively, umaasa silang maiipanalo muli nila ang race ngayong weekend. Gaya nila alam niyang ang ibang mga teams ay pinaghahandaan narin ang ikatlong Indian Grand Prix.

Pagkatapos ng meeting na iyon ay agad siyang lumabas ng conference room, he’s missing Sydney already, sa Wednesday pa yata sila magkikita nito at sa India na iyon, dederetso na sila doon ng buong team nila. He decided to call her on his way out.

I've never been this nasty 2 (MITCHELL SANDERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon