I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (MITCHELL SANDERS)
Chapter 13
October 28. Sabay silang tumungo ng Abu Dhabi para sa Abu Dhabi Grand Prix, ang mga kasamahan nitong ibang reporters ay kagabi pa pumunta ng Abu Dhabi, si Sydney lang ang naiwan para sumabay sa kanya.
Naalala niya ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi, napangiti siya. Nakakasiguro siyang ma –iinspire siya ngayong darating na race, kung mananalo siya ngayon, siya na ang may pinaka mataas na points sa lahat ng mga drivers at malaki ang tyansa niyang maging Champion ngayong Season. Isa yon sa mga dahilan kung bakit hinayang na hinayang siya sa nangyari sa nakaraang race sa India.
Matapos ang higit tatlong oras na byahe ay nasa Abu Dhabi na sila, hindi na siya nauusuhan ng jet lag dahil sa palagiang pag b-byahe. Pagkarating nila doon ay nag aya daw mag race sa disyerto ang ibang mga teams, tinanggap nila iyon. Noon sa Moscow ay nag race sila sa yelo, ngayon naman ay sa disyerto, hindi niya ito palalagpasin. Mag papahanga siya kay Sydney mamaya, isa pa sabi ni Sydney sa kanya kanina ay tapos na daw ang monthly period nito, nagdiwang ng matindi ang kalooban niya dahil doon.
Dumeretso muna sila sa hotel na tutuluyan nila sa may Yas Marina, maganda ang view nila, parang ang sarap din mamasyal mamaya, yayayain niya si Sydney mamasyal gaya ng ginawa nila sa Japan.
-
Ibinigay sa kanya ni Mitch ang unang interview nito tungkol sa nangyari sa nakaraang GP, ang bias dahil girlfriend siya nito, mainggit nalang sa kanila ang ibang mga stations. Natawa siya naisip niya, simula kasi ng maging silang dalawa, sa station nalang nila halos nagbibigay ni interview si Mitch, nakikikuha nalang ang iba pang mga station sa kanila.
Mamaya ay isasama daw siya nito sa desert race nito laban sa ibang mga teams, katuwaan lang naman ang lahat pero na-excite siya, palagi na siyang isinasama ni Mitch, nakikita na talaga ng lahat na silang dalawa na, nakakita nga siya ng picture nilang dalawa sa internet, magkahawak kamay silang dalawa habang naglalakad, meron din nung hinahalikan siya nito noong sinundo siya nito sa airport sa India, naisip niyang dadami pa ang mga yon, hindi na dapat siya mailing dahil iyon ang mundong ginagalawan nilang dalawa, yun ang isa sa mga sakripisyo sa pakikipag date sa isang kilalang tao, hindi naman siya gaanong nagrereklamo, basta ba wala namang gagawing masama sa kanila ay ayos lang sa kanya.
Nagkita nalang silang dalawa sa lobby ng hotel pagkatapos niyang magbihis, gusto sana niyang mag shorts dahil sa mainit na panahon pero di siya pinayagan nito, ayaw na nitongnag susuot siya ng shorts, kahit sleeve less, natatawa na nga siya minsan sa iniaasal nito, hindi siya naiinis kapag nagiging possessive ito sa kanya.
Pagkababa niya sa lobby ay agad niya itong nakita, kausap nito ang driver ng ibang team, nakashorts pareho ang dalawang lalaki at naka shirt ng kanya – kanyang team, natawa siya, parang kung saan lang ang lakad ni Mitch. Kinawayan siya nito ng matanaw siya nito. Binilisan niya ang lakad papalapit dito.
“Stan, I know you know her, this is my girl Sydney, Sydney darling, I am sure you know him as well, this is Stan” pormal na pagpapakilala ni Mitch sa kanila ni Stan, Stan is a German driver, nagkamay silang dalawa, bago siyang reporter sa AMD kaya di pa siya ganoon kakilala ng mga drivers, pero nainterview na naman niyang lahat ng mga drivers.
BINABASA MO ANG
I've never been this nasty 2 (MITCHELL SANDERS)
Romance[Mature Content] Mitchell Sanders is driven by passion of getting to the top. Everybody has been calling him a selfish SOB, well, he knows that he is actually a big-time SOB, but he doesn't care a bit. He is used of getting everything he wants by ju...