Chapter 1

28 0 3
                                    



Chapter 1

***
Elly
***

"Samonte,Vernice Elliana"

I unconsciously raised my hand up in the air, "Present"

Ewan ko ba sa school na ito. Para kasing Elementary at highschool na kailangang magroll call para sino ang mga absent at present.

But the other side of it is good because we benefit on it. Ten percent of our grade will be coming from attendace and class participation.

Sa ngayon,wala akong ibang naiisip kundi ang umuwi at magpahinga. It was just my first class in the morning and yet I felt like exhausted.

Fortunately,mabilis lang tumakbo ang oras. Feeling ko talaga babagsak nalang ang katawan ko at malalaglag ang eyelid ko sa mata ko.

I missed my bestfriend. Bakit kasi magkaiba kami ng kursong kinuha at magkaiba kami ng University na pinasukan?

Wala tuloy akong makausap at makulit ngayon.

"As I was saying,hindi muna tayo maglelecture or gagawa ng any related sa studies niyo. I want you to get to know each other might as well as make some friends. Enjoy your freshie days,my dear students!"

Our Professor gracefully said it and leave us out as she walk out the door.

Diniscuss niya lang yung grading system and computation of grades lalo na sa mga grade conscious.

As time continued on tickling,I found myself talking to my class mate,

"Hi!" I greeted and she smiled. I extend my hand and said "I'm Vernice Elliana. But you can call me Elly"

She welcomed my hand,extending hers and shake it off, "Sharlotte," and then smiled.

"Wala ka bang kaibigan o kaklase na kablock natin ngayon?"

"Actually wala." sabi niya, "Alam mo kasi,may pagkasosyal yung mga kaklase ko noon. Kung saan saan sila nagtitake ng entrance exam. Mayroon sa LaSalle,Ateneo,FEU,UST and the such." Nagulat nalang ako dahil sa mga sinasabi niya. I wasn't expecting this one. Akala ko pa naman tahimik siya! Wala kasi sa itsura niya eh!

"How about your friends? Where are they?"

"Nasa ibang planeta na sila. Alam mo kasi," then she paused as if remembered something, "Kilala mo ba si Mateo Do?" umiling naman ako "Ako din eh. Hindi ko siya kilala pero lagi nilang binabanggit." saka siya nagbuntong hininga,"Well,gaya ng sinabi ko,hindi ko sila kasama dito kasi nasa ibang campus sila ng University na ito. Nagkataon kasi na dito talaga kami nakatira kaya no choice ako,dito lang malapit eh."

I just nodded and smiled. I thought to myself that when you go in college,bihira ka nalang makakita ng isang madaldal na nilalang. Akala ko walang timang at baliw.

Seriously,this girl beside me amused the hell out of me.

"Uy ikaw naman magkwento. Baka mapanis laway mo." napatawa nalang ako ng mahina

"Ang hirap kasing sumingit sa mga kinukwento mo eh." she frowned, "Well,I have one bestfriend pero gaya mo,nasa ibang campus siya."

She put her fingers on her chin at talagang nakikinig siya. Tumatango pa nga eh.

"Alam mo,magkakasundo tayo." she said as she grab her bag, tumango ako in approval, "Tara! Maglibot muna tayo. We still have One and a half hour para magkakilala pa ng lubusan."

Nagpatangay nalang ako sa paghila niya sa akin. She's jolly and talkative. Hindi ka talaga maboboring kapag siya ang kasama mo. Naikwento niya din ang family background niya,naging experience noong highschool gaya ng promenade and graduation. At kung anu-ano pa.

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon