Chapter 3: Practice

4 0 1
                                    

Jake

Linggo ngayon kaya naman nakatengga at nakatunganga lang ako sa kwarto ko habang hawak hawak tong cellphone ko.

Hindi ko din alam kung anong mangyayare samin ng partner ko daw sa performance kasi hindi naman kami nag-usap tungkol dun.

BAka kasi magbangayan lang kami about dun.

Pero pano nga kaya kami magpapractice at magsisimula nito kung hindi naman kami makapag usap ng maayos?

Napabuntong hininga nalang ako

Napansin ko na nagvibrate yung phone ko kaya tiningnan ko kung sino naman yung magtetext sakin.

Napakunot yung noo ko nalaman ko kung sino yung nagtext

Jake? I'm here in front of your house.

Tumingin naman ako sa labas ng bintana para makasiguro kung baka niloloko lang ako ng taong to pero i was wrong dahil nandun siya nakatayo, nakasandal sa kotse niya at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya na parang cool na cool tingnan.

Bakit kaya siya nanjan??
Ano nanamang balak nitong gawin?

Imbis na itext ko siya kung anong ginagawa niya jan sa labas eh ako nalang ang bumaba at nilabas siya

Nakakunot noo ko siyang sinalubong

"Nice legs" sabi niya na ikinagulat ko naman

Gago talaga. Tss.

"Wala kang maloloko dito. Gago!" Inisnaban ko lang siya na ikinatawa naman niya

Nakashorts lang kasi ako at sando wala naman kasi talaga akong inaasahang maging bisita ngayong araw nato.

"Oh? Ano bang kailangan mo? At may nalalaman ka pang pagpunta punta dito??" Masungit kong sabi sa kanya

"Tss. Sungit talaga. Nandito ako para sunduin ka remember? may practice tayo and sa pagkakaalala ko eh this week na yun. Ano? Ayaw mo?"

Akala ko wala na tong balak pag-usapan yung bagay na yun eh. Pero eto siya

Siya ngayon ang nagyayaya para makapag practice kami at magawa ng maayos yung pesteng task na yan.

"Tanong ba yan?"

"Obviously"

"Tss. Oo na. Wait lang magpapalit lang ako ng damit jan ka lang saglit lang to"

"Di mo ba ko papasukin sa bahay mo? Nakakangawit kayang tumayo dito at maghintay. Kanina pa ganito yung pwesto ko eh"

Kanina pa? Tss. Bobo talaga. Eh bakit ngayon lang siya nagtext. Ano siya jan model?

"Kasalanan ko ba kung kanina ka pang nanjan? Bakit kasi hindi mo ako kaagad tinext anong ginagawa ng cellphone mo?? Design lang sa bulsa? Pampabigat? Tss. Nangongonsensya pa."

"Tss. Daming sinabi. Ano papapasukin mo ba ko o hindi??

Kasi kung hindi ako nalang magpapapasok sa sarili ko"

Nagulat ako nang lampasan niya ko at deredEretsong pumasok sa bahay namin na akala mo eh siya yung may ari

Wow ah. Feel at home.

Di naman siya welcome-_-

Pagpasok ko nakita ko siyang nakaupo sa sofa pero yung tingin niya eh nasa mga pictures.

Siguro kanina pa nito tingnan yan kaso nandito lang ako.

Hindi ko na siya pinansin o inalok ng maiinom kasi siya naman mismo ang pumasok kahit hindi naman siya pinapapasok bahala na siya jan at derederetso na kong pumasok sa kwarto at dali daling nagbihis.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon