Jake
"Anak sino yung nasa labas bakit ka sumisigaw?" Napatingin naman ako sa nagsalita
Napatingin ako sa mama ko nang biglang tumulo nalang ang mga luha ko.
This is the first time na iiyak ako sa harapan niya pero this time hindi ko na pinunasan dahil kahit naman punasan ko hindi pa rin naman titigil, magsasayang lang ako ng pagod
Iba pala talaga ang sakit kapag sa pamilya na ang problema.
Bigla naman akong nilapitan ni mama sabay yakap ng sobrang higpit
Pero imbis na macomfort ako sa pagyakap ni mama eh mas lalo lang akong nakaramdam ng lungkot at napaiyak lalo
"Ang daya. Ang daya daya! Bakit ang lakas pa rin ng loob niyang bumalik dito!? Pagkatapos ng lahat! Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal kapal!"
Hindi ko alam kung pano ko ieexpress yung galit sa puso ko pero ang gusto ko lang isigaw ang lahat katulad ng parati kong ginagawa
"Tahan na anak. May dahilan naman ang lahat eh. Hindi pa huli ang lahat. Alam ko sa tamang panahon hindi man ngayon pero mapapatawad mo rin siya. Tahan na"
Alam kong nasasaktan din yung mama ko pero nagkukunwari pang matapang
"Eh kayo ba ma? Napatawad niyo na ba siya?"
"Oo anak. Matagal na."
After ng scene na yun. Umalis muna ako sa bahay at kung saan lang pumunta. Sa walang tao. Gusto ko munang mapag-isa. wala rin naman akong magagawang matino at hindi rin naman ako makakapag-isip ng tama kung ganito kagulo yung isip ko
Mas mabuti nang magpahangin muna ako.
Nakita ko nalang na dinala ako ng mga paa ko sa park kung saan tama nga ako wala ngang tao.
Ano ba ngayon bakit walang tao?
Umupo naman ako sa isa sa mga swing sa dulo ng park. Sa lugar na malayo sa mismong palaruan ng mga bata. Baka kasi may pumunta at makakita sakin
I sighed.
Bakit ganito nalang kagulo ang buhay ko? Puro nalang sakit
"Bakit ka nanaman umiiyak? Ang drama mo naman na masyado. Lagi ka nalang umiiyak."
Napatingin naman ako sa nagsalita katabi ko
Bakit siya nandito??
Hindi ko nalang siya pinansin ganun din naman kahit sagutin ko siya hindi rin niya maiintindihan, sa pagkakaalam ko kasi bobo tong lalaking to eh.
Tsaka kahit sabihin ko wala rin namang magbabago sa nararamdaman ko
"Tell me. Diba nga sabi ko sayo hindi kita iiwan? Sana wag mo rin akong iwan"
Napatingin naman ako sa kanya habang nakakunot ang noo
"Anong wag kang iwan? Pinagsasabi mo?" I rolled my eyes at him
"Wag mo kong iwan? Kasi alam kong iba yung nasa isip mo samantalang ako ikaw lang ang nasa isip ko. Dala dala kita kahit saan ako magpunta eh ako mukhang naiwan mo kung saan saan lang pero alam kong nanjan naman ako sa puso mo kaya ok na rin"
Nababaliw na ata tong lalaking to eh. Kung ano anong pinagsasabi
Parang biglang uminit yung pisngi ko pati yung mata ko. Shete
Kinikilig ba ko? Ang lakas din ng heartbeat ko
"So tell me. Alam kong mabigat bigat yan at kailangan mo nanaman ng comforter. Magaling kasi ako jan eh kaya siguro kapag may problema ka lagi nalang tayong pinagtatagpo siguro we are meant to be talaga. " at tumawa naman siya na parang tanga. -_-