Andrew
Kasalukuyan akong nasa canteen ngayon at nakaupo
Inaantay ko siyang bumaba
Ililibre ko siya ng lunch. Siguro pagpapasalamat nalang ule para sa time na binigay niya sa pagsama sakin
I think i like her already
Iba siya sa mga babaeng nakakasalamuha ko.
I want her to be part of my life.
Parang gusto ko na nga siyang ipakilala sa daddy ko eh pero sa tingin ko hindi pa ito yung right time for that
Nakita ko naman siyang naglalakad papalapit dito kaya tumayo ako para salubungin siya
I smiled at her. Ang ganda niya
"B-bakit? May kailangan ka?" Tanong niya
Napatawa naman ako. Ibang klase talaga tong babarng to. Mostly kasi pag ako yung lumalapit sa mga babae, hindi ko na kailangan pang magsalita.
Pero siya iba. That's why i like her
"If you don't mind can you join me?"
Sana pumayag. Sana pumayag
"Ha? Saan??"
"Lunch? My treat"
"Treat?" I nod
"Okay? Bakit lagi mo kong nililibre. Ayokong magkautang na loob sa iba. Mamaya niyan singilin mo pa ko wala akong pambayad"
Napatawa naman ako sa sinabi niya
"Hindi naman ako humihingi ng bayad. I just want you to join me. Isipin mo nalang na dagdag thank you for yesterday"
"Grabe ka ah. Hindi mo makalimutan ah."
"I'll never forget. So ano?"
"osige. Sayang yung biyaya. Bawal tanggihan."
Yes!
"So tara na?"
"Tara"
Pumili naman siya ng pagkain. Huling libre ko sa kanya, nagulat ako sa dami ng inorder niya pero hindi naman mahahalata sa kanya. Para nga siyang hindi kumakain sa sobrang payat eh.
Kaya ngayon hindi na ko nagulat kung bakit ang dami niyang inorder ngayon feeling ko nga mas dumoble pa eh. Para daw mamaya yung iba. Tapos pang dessert niya. Haha
Nakakatawa talaga tong babaeng to eh
"Ayaw mo bang kumain? Sakin nalang"
Napatawa naman ako sa kanya
Nakatitig lang kasi ako habang kumakain siya
"Mamaya matunaw na ko niyan. Tigilan mo yan" sabi niya sabay poker face
"Sorry. Haha"
Sabi ko sabay kumain na rin pero sumusulyap pa rin ako sa kanya
After naming kumain hinatid ko na siya sa room niya at firat ayaw niya talaga pero pumayag din dahil nagpumilit ako. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga estudyante pero parang wala lang sa kanya parang sanay na.
Ang sungit talaga ng babaeng to eh. Ni hindi nga ngumingiti pag may bumabati sakanya
"Baka pumanget ka niyan. Hindi mo man lang nginingitian yung nga bumabati sayo"
"Sorry pero hindi ako nakikipag-usap sa mga plastic na tao. I know they just doing it because you're here by my side. Tss"
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Huminto nalang kami nung nasa mismong harap na kami ng classroom niya