Alex
Naglalakad ako sa hallway nung bigla akong hinila ni Lara at hinalikan sa labi, nagulat naman ako sa ginawa niya.
Fuck! Ano nanaman bang trip ng babaeng to?!
Natulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig
"Why did you do that?!" Sigaw ko sa kanya
Ngumiti lang siya saka sinabing
"Nice lips" sabi niya saka umalis.Minsan talaga napagkakamalan ko yung baliw eh. Ang lakas ng saltik ng babaeng yun. -_-
Buti nalang walang tao dito ngayon.
Pinunasan ko naman yung labi kong hinalikan niya
Anong oras na ba?
9:45 na i'm sure naglelesson na yung mga yun ngayon.
Pagpasok ko hinanap agad ng mga mata ko yung babaeng yun kaso hindi ko siya makita.
Wala ring prof na nagtuturo kaya may sari-sariling mundo yung mga tao sa room ngayon
Nasan naman kaya yung babaeng yun? Aish! Eh bakit mo ba siya hinahanap?
"Storm nakita mo ba si Jake?"
Napangiti naman siya. Baliw lang
"Uyy. Ikaw ah. Hinahanap mo na siya ngayon ah.. umamin ka nga kayo na ba.? Ha? Ha?" Pang-aasar niya pa.
Dapat pala hindi na ko nagtanong dito. Isang tanong lang ang tinanong ko dami niyang sinabi
"Ewan ko sayo jan kana nga!"
"Huy! Sagutin mo muna yung tanong ko!" Sigaw niya
Saka ako umalis at hinanap yung babaeng yun
Pumunta ako sa rooftop nagbabakasakaling nandun siya
At tama ako nandun siya at may kasama pa.
Nakayakap pa sakanya
Bigla naman niya yung tinulak
Si Andrew. Gago talaga to. Wala na nga yung ex niya pero eto naman ngayon yung umeepal.
Naglakad siya papunta dito kaya nagtago muna ako sa gilid
Maganda nga na umalis ka na dito! Tss.
Lumabas lang ako nung bumaba na siya
"Ano yun? Bakit yakap yakap ka nung lalaking yun?" Tanong ko sa kanya
Napaisnab naman siya sa sinabi ko
Lagi nalang akong iniisnaban ng babaeng to sa twing nagtatanong ako ah?!
"Pakilam mo?? Ikaw nga nakikipaghalikan eh. Quits lang tayo" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya habang nakangiti nang nakakaloko
"Ok lang mas malambot naman yung labi mo eh"
Nagblush ba siya o nagalit kaya namumula?
"Tss. Ang landi mo talaga. Jan ka na nga!" Sigaw niya sakin
Tatalikod na dapat siya nung hinila ko siya palapit sakin.
Amoy na amoy ko yung pabango niya at ramdam na ramdam ko rin yung hininga niya
Bakit parang biglang uminit?
Wait. Nakita niya yun?
"Are you.... jealous?"
Teka teka. Ang lakas naman ata ng loob ko tanungin yun.
"Hindi porket lagi mong nakakausap at nakakasama close na tayo. Lumaki agad yang ulo mo, nag feeling ka pa jan. Bahala ka kung anong gusto mong isipin. Jan ka na! Makipaghalikan ka na sa babae mo! Wag mo kong idamay sa kababuyan niyong dalawa! Tss. Tsaka i'm not jelous! Never" sabi niya sabay walk out
