Alex
Fuck! Nakakainis! Wala man lang akong nagawa sa kanya para hindi siya mapagtripan nung mga babaeng yun! Naiinis ako sa sarili ko!
At tsaka naaalala ko pa rin yung sinabi niyang gusto kong may binubully?? Nagkakamali siya. Yan nga yung dahilan kung bakit niya ko iniwan eh.
Sa sobrang arte ko kasi, may nalalaman pa kong hindi ko siya papansinin! Arrgh!!
Kaya eto ngayon, pinagtitripan ko nalang yung pader sa tambayan namin at iniisip na yung pinsan kong gago yung pader dito.
"Easy, tingnan mo yang kamay mo, kanina pa naliligo sa dugo"
"Tumahimik ka nalang kung ayaw mong sayo ko to ilapat"
"Gago! Hindi yan unan na kung makasapak ka akala mo malambot!"
"Bakit ka ba kasi nagkakaganyan pati pader dinadamay mo sa kagaguhan mo?!"
"Pakialam niyo ba?! Kayo ba sumusuntok?!" Sigaw ko sa kanila. Tangina kasi kanina pa ko binubungangaan, talo pa nanay ko eh. Tss
"Tss. Ewan ko sayo ang labo mo. Sabi mo di mo gusto tapos ngayon para kang tanga jan suntok ng suntok sa pader"
Gago kasi tong mga to eh. Pinapaamin ako kung may gusto ba talaga ako kay Jake, at ang mga gago nagawa pa kong itali at pirangan, mga gago talaga
As if namang aamin ako. Wala naman kasi akong dapat aminin. Wala akong aaminin dahil wala. Ano daw? Hayst. Basta yun na yun.
Flashback
Habang nanunuod ako sa sala nakaramdam nalang ako ng pagpalo sa ulo ko
"Tangna! What was that?!" Napatingin naman ako sa likod ko. Fuck! aNg sakit kaya. Paluin ka daw ba ng sapatos sa ulo
"Ano bang trip mo Storm?! Tangina mo! Fuck!"
Bigla naman siyang sumigaw
"Sabi sa inyo wag sapatos yung ipamalo jan eh! Dapat baseball bat!"What the! Baseball bat?! Edi namatay naman ako nun.
Gago tong mga to ah!
"Anong mga trip to?! Tangina niyo! Lumabas kayo jan!"
Isa-isa naman silang nagsilabasan na may hawak na tali at panyo?
Lagot talaga tong nga to sakin!
"Itali niyo siya!" sinunod naman nila yung utos ni Storm
"Huy! Ano yan mga gago?!"
"Wag ka nalang pumalag. Tumahimik ka nalang kung ayaw mong masaktan" sabi naman ni Red
"Eh gago ka pala talaga eh! Sa tingin niyo di ako nasasaktan sa higpit ng tali niyo sakin?! Tsaka yung pagpalo sakin ng sapatos?! Fuck! Pakawalan niyo na nga ako dito! Ano bang trip niyong nga gago kayo!?"
"Tumahimik ka nalang kasing gago ka"
Sa huli hindi na rin ako nakapalag. Piniringan din ako at hindi ko alam kung san nila ako dinala. Ang sakit ng kamay at paa ko sa pagkakatali nila. Mapapatay ko talaga tong mga to eh!
"Pakawalan niyo na nga ako?!"
Sigaw ko"Sumagot ka nalang ng maayos sa itatatanong namin sayo"
"Fuck you! Magtatanong ka lang naman pala bakit kailangan pang itali at piringan!?"
Hindi nila ako pinansin at nagtanong nalang bigla. Na ikinagulat ko naman
"May gusto ko ba may Jake?"